Piper Patrice's POV
"I'm so full! Ang sarap ng foods!"
"Sabi sayo, eh." Ngisi niya sakin. Naglalakad kami ngayon papuntang kotse niya. Pinagbuksan niya 'ko.
"Sakay na. Gusto mo pa atang maka-round 2 eh." Tawa niya.
"It's so freaking delicious! Maaya nga rito sina Riette." Ngiti ko't sumakay. Sumakay narin naman siya.
"Kumakain naman sina Riette dito, dito 'ko nga nakilala si--."
Ngumiti ako sa kanya't tumingin. Infairness, ang bait 'ko sa kanya ngayon ha. Pasalamat siya sa gangster at halo-halong karne.
"Ha? Sino?"
"Ah, wala wala." Tawa niya't pinaandar na ang sasakyan.
Sino kaya yun? Ala, hayaan na nga! Basta masaya ako ngayon sa mga nakain 'ko.
Naging masaya rin ako sa naging kasama 'ko.
"Gumaganda ka sa paningin 'ko ngayon."
Tumawa ako.
"Ngiti palang, laglag puso na."
Napatigil ako nang parang may scenario'ng pumasok sa isip 'ko.
"Hey, okay ka lang?" Tanong niya sakin nang mapahawak ako sa ulo 'ko.
"Ha, ha? Wala, wala.."
"Sabi 'ko sayo makakalimutan mo pangalan mo pag natikman mo yung mga yon." Aniya at tumawa.
Mukhang nakalimutan 'ko nga, nakalimutan 'kong dapat peste siya sa buhay 'ko.
Nang natanaw 'ko ang gate ng BU ay binuksan 'ko na ang pintuan ng kotse.
"Mamaya kana bumaba, ipa-park 'ko lang to. Hatid na kita sa room niyo."
Umiling ako at ngumiti. Kota na siya sa ngiti 'ko, ah.
"Hindi, wag na. Okay lang. Okay na'ko dito. Hinahanap na pati ako nina Riette." Sagot 'ko at bumaba ng kotse. Binuksan naman niya ang bintana ng katabi niyang pinto at ngumiti.
"Sige, see you around." Ngiti niya at kumaway sakin. Ngumiti nalang rin ako at naglakad na papasok ng BU.
"Piper, wait!"
Medyo nasa kalayuan na'ko nang marinig 'ko ang pag-tawag niya sakin. Medyo nasa malayo na'ko, pero narinig 'ko parin? Kaagad akong lumingon at lumapit bahagya sa kanyang nakasilip parin sa bintana.
"Sana may susunod pa."
Malabo. Malabong hindi ito masundan.
Ngumiti nalang ako bilang sagot hanggang sa pagpasok 'ko nang BU ay dala dala 'ko ang ngiting yon.
Medyo nababaliw na'ko.
Jaiden Araine's POV
"Lumayas nga kayo sa harapan 'ko." Irap 'ko kina Erin at Naethan na landiang landian sa harapan 'ko.
"Ang bitter naman." Sagot nila sakin. Umirap nalang ako at tumalikod sa kanila gamit ang office chair.
"Nakatulog at nagising na ko't lahat naghaharutan parin kayo?" Umalingawngaw na sabi ni Riette.
"Ni minsan lang, eh." Sagot ni Erin.
"Hilu gudmurneng!" Sigaw ni Zylei sa buong kwarto pagkapasok at pagkapasok niya.
Tahimik nang buhay namin kanina, ngayon feeling 'ko magugunaw.
Malalaglag ako sa kinauupuan 'ko nang masilayan 'ko kung sino ang kasunod pumasok ni Zylei. Holding hands pa talaga? So ew.
"Wag ka mahiya sa mga yan, Pjong. Walang hiya sila."
"May barkada ka bang lalaki?"
Binatukan 'ko naman si Riette sa agad na naging tanong niya. Hindi man lang pinaupo yung tao! Sumapi ata rito ang ispirito ni Zylei eh, kaya si Zylei naman ngayon 'tong parang ang tahimik ng buhay.
Nalagay na ata ulit sa tahimik. Nakaka-proud naman.
"Naghahanap ka pa nandito naman ako, my girl. Grabe, napaka-favoritism."
Napatingin ako sa nagsalitang si Gab na tila kagigising lang rin.
"Bakit ka pa gumising?" Irap ni Riette.
Partner partner sila, takte. Ano 'ko dito, scorer?
"Hoy, Riette!"
Agad naman siyang tumingin sakin. Tumingin lang rin ako sa kanya.
"Ano ba yon, Jaiden!"
"Wala lang." Irap 'ko.
Ano ba 'tong pakiramdam na 'to?! May hinahanap hanap eh.
Gusto 'ko lang naman sanang itanong kay Riette kung asan yung kambal niya. Pero umuurong yung dila 'ko tuwing itatanong 'ko na!
"Ano ka scorer?"
Napatingin ako kay Piper na kakapasok lang nang kwartong nakatingin sakin. Umirap ako. Ulit-ulit?
"Buti naman andito kana. Ang sakit na ng mata 'ko dito." Ani 'ko.
"I have good news nga pala." Agad na sabi ni Piper na nakakuha ng atensyon namin.
"May retreat tayo!" Sigaw niya.
Nanlaki ang mga mata 'kong tiningnan ang mga kaibigan 'kong gulat rin. Omg, thank God!
"Seryoso yon Pips?" Tanong ni Pj. Tumango naman agad si Piper.
Simula kasi nung nag-grade 7 kami dito sa BU ay doon narin tinanggal ang retreat. Buti nalang binalik agad bago pa kami maka-graduate.
"Siguro pagkatapos yon ng Quiz Bee."
Sa gitna nanh kasiyahan ay bumukas muli ang pinto.
Natuwa ang puso 'ko.
"Sorry, gwapo lang. Anong meron?"
"Late."
Dumiretso siya sakin at yumakap. "Napaaga lang mga kaibigan natin."
Hinampas 'ko siya't inakap pabalik. Finally, my happy pill is here.
"Gwapo lang rin, sorry late."
Bumukas muli ang pinto. Niluwa non ang kababata ni Riette.
"Hi babygirl. Sorry late, late 'ko nabas--."
"Alaws may pake." Pag-sagot ni Gab at kasabay non ang pagsiko sa kanya ni Riette.
"Init. May sugo ng diablo eh."
Lihim akong napatawa. Savage ni Gab. Mabait naman si Rainer, ih.
"Alis na'ko."
"Pasaan ka, babe?!"
"Babe mo mukha mo, tanga! Tara na Rainer."
Lumabas na sina Riette. Napatingin naman ako kay Jet na nakatitig lamang saakin.
My heart is in danger.
"Kain tayo?"
Tumayo ako at tumango. "Tara, isaw!"
Binitbit niya ang bag 'ko at nagpaalam na kami sa mga kaibigan namin.
"Ingatan si Jaiden." Bilin ni Piper.
"Ako bahala."
Umakbay siya sakin at ngumiti. "Tara?"
Tumango ako.
My heart is really in danger.
BINABASA MO ANG
Brain Over Heart, Heart Over Brain
Novela Juvenilbattle between brain or heart, what would you choose?
