Zylei Neomi's POV
Agad akong sumakay ng taxi pagka-labas ko ng gate ng University. Hassle. Nakapag sinungaling pa kina Riette. But, I'm pretty sure naman they can handle it na. Ramdam ko ang pag-vibrate ng phone ko, sinagot ko naman agad iyon.
["ANUNA, ASAN KANA TEH?!" ]
Bahagya kong nilayo ang cellphone ko sa tenga 'ko. Ang sakit sa tenga ng boses ni Angela!
"Maka-sigaw ka naman punyeta ka! Malapit na'ko. Hintay lang kayo, mga 5 minutes."
[ "DALIAN MO HA--" ]
Bago pa siya may masabi ay ibinaba ko na ang telepono. Malapit na naman ako. Wag na siyang maligalig.
"Thanks." Sabi ko sa driver at saka bumaba.
"Nanay ka! Buti naandito kana. Naka ilang chicks na 'tong mga 'to eh." Yakap sakin ni Angela. Sumunod naman si Richelle.
"Oh, asan boyfriend mo?" Tanong sakin ni Jake. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Ex pala." Tawa niya.
"Nasa mars. Pinatapon ko na, walang kwenta eh."
Naglakad kami papasok ng restaurant.
"Wow! Iba talaga pag move-on na." Ani nina Jake, Walter at Raily.
Bahagya akong napatigil.
"Ulol, asan nga pala si Mark?" Pagiiba ko ng usapan at saka napansin ko rin.
"Under parin sa girlfriend niya." Sagot ni Raily at saka tumawa.
"Wala 'eh, Lover boy." Tanging nasabi namin nina Angela.
Pag nga naman mahal mo..
Pagkarating ng inoder namin ay agad na kaming kumain. Wala nang sabi-sabi.
"Cute 'oh." Kulbit ko kay Richelle at saka itinuro yung lalaking naka white t-shirt.
"Pass."
Tumawa ako. Edi ako nalang. I don't know but I always find guys wearing white shirt so damn attractive.
Tinapos ko muna ang kinakain ko at saka lumapit sa table niya. Wala nang hiya hiya, iisa lang naman siya don.
Zylei, kahit marami sila. Wala ka non.
Narinig ko ang pag sipol ng mga kasama ko bago ako pumunta sa gawi nung lalaki. Wow, supportive.
Umupo ako sa tapat niya. "Hi. What's your name?" Ngiti ko. Simplehan muna.
"Philip James."
"Would you mind If I call you, PJ? Haba kasi." Tawa ko. Lumapit pa 'ko sa kanya.
"Sure."
Napansin ko ang pag-pipigil ng ngiti niya. Lumingon ako sa mga kasama 'ko.
"Zsnae yan 'eh!" they mouthed. I winked at them.
Naramdaman ko ang kamay ni PJ sa bewang 'ko.
Ops, I got this boy.
Erin Hara's POV
"Please, Erin?"
Napakamot na ako sa ulo 'ko. Bakit ba ang kulit nito? Hindi rin naman ako maka-hindi.
"Gab. Busy talaga ak--."
Lumuhod siya sakin. Kulit talaga. May time man-chix, pero sagutan 'tong 1-30 ALGEBRA wala? Hay na'ko.
"Fine." Irap ko sa kanya at saka kinuha ang notebook na kanina niya pa ipinamumukha sakin.
Hindi naman bigdeal sakin 'yon, I can solve all of that in just 5 minutes. Kaya hindi naman maaaksaya oras 'ko.
BINABASA MO ANG
Brain Over Heart, Heart Over Brain
Novela Juvenilbattle between brain or heart, what would you choose?