Chapter 10

65 6 16
                                    

Piper Patrice's POV

Napalingon ako sa pinto dahil sa malakas na kalabog nito. Parang sinisira sa sobrang lakas. Tumayo ako at inis iyong binuksan.

Nasilayan 'ko si Ryle na naka-pamulsa sa harapan 'ko.

"What the fuck is your problem?!"

"Ikaw."

"Fuck you."

Nagulat ako nang bigla siyang pumasok sa kwarto. Damn this guy! Hinila niya 'ko papasok at malakas na isinara ang pinto.

"Sorry."

Mahina niyang sabi, pero rinig na rinig 'ko. Did he really said that?

I chuckles. "What?"

"Hindi 'ko na kailangang ulitin pa." Sabi niya at tila aalis. Hinawakan 'ko siya sa braso at pinigilan.

Tumitig siya sakin saglit at mabilis na kumawala sa kamay 'ko. Tumawa ulit ako.

I smiled at him. "Hell no."

Bawi 'ko sa ngiti 'ko at nilisan ang kwarto ni Riette.

"Argh!" Sigaw 'ko sa labas ng balcony.

I can feel my blood boiling because of that guy! Pagkatapos niyang sadyain na tapunan ako ng juice, magso-sorry siya bigla? He's so fucking weird. Labas sa ilong pa pag-hingi ng tawad.

"Patricia!"

Lumingon ako sa likuran at nandon si Ryle na papunta sa gawi 'ko.

"Who the fuck is Patricia? Walang Patricia dito."

"You." Tingin niya sakin. Naningkit ang mga mata 'ko. Maiinis ba 'ko o matatawa?

"It's Piper, asshole."

"S-sorry, I'm not good at names, Piper."

I rolled my eyes. "Ilang taon na tayong magka-kaklase, Dan. You're unbelievable."

"Hindi ka naman mahalaga para tandaan 'ko ang pangalan mo."

That hit me hard. "You don't need to remind me."

"Sorry."

Tiningnan 'ko siya. "Pwede bang tigilan mo nang guluhin ako? Nagso-sorry ka, pero labas sa ilong mo! Pinapainit mo lang ulo 'ko."

Sinabunutan niya ang buhok niya at inis na humarap sakin.

"Tangina, nagso-sorry na nga 'e."

"Pwes 'di ko kailangan ng sorry mo! Leave."

Tumungo siya at muling tumunghay. Sumeryoso ang mukha niya.

"I'm sorry."

I saw his sincerity. But, sorry not sorry. Hindi ako magaling magpatawad.

"Bakit ba inaaksaya mo ang oras mo sa pag-hingi ng tawad sakin? Pwede namang pabayaan mo nalang. Tutal, boss ka naman."

"Tangina, alam 'ko na ngang mali ako diba! Ibaba mo nga pride mo."

"Wow, look who's talking!"

Aalis sana ako pero agad niyang nahawakan ang braso 'ko. Hindi nga ako maka-tagal na kasama siya, tapos hinawakan pa 'ko? Inis 'ko iyong binawi at inis rin na humarap sa kanya.

"Pwede bang tumigil kana?! Wala akong panahon makipag-talo sayo. You're not worth my time."

"I said, I'm sorry!"

Naningkit ang mga mata 'ko. "Ikamamatay mo ba ang pag-hindi ko sa sorry mo?"

"Ikamamatay ng konsensya 'ko."

Brain Over Heart, Heart Over BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon