Henriette Sab's POV
"Hi twin!" Bati ko sa kakambal ko pagbaba ko ng hagdan. Naka simangot niya 'kong tiningnan.
"Hi mo mukha mo! Bat ba ang tagal mo? Akala ko nilamon ka na ng kwarto mo."
Sungit naman ng punyetang to. Inirapan ko siya at saka sinundan palabas ng bahay.
"We're leaving!" Sabi namin at pumasok na sa loob ng kotse.
Pagkapasok palang namin ay agad nang pinaharurot ni Jet ang sasakyan. Oh, damn! Halos hindi ako makakibo sa pagpapatakbo ng kakambal 'kong 'to. Napamura ako sabay ng pagbagal ng takbo ay binatukan ko siya.
"Late na 'eh!" Katriwan niya.
--
Pagpasok at pagpasok palang namin ay pinagtitinginan na kami agad ng mga studyante dito sa Bellus University. Well, hindi na bago. Kasa-kasama ko ba naman ang isa sa MHS dito sa school. Sinong hindi pagtitinginan?
Isama mo pa na, I'm the Top 1 of MIS5. We're really famous inside this University. Kahit paglabas ng campus ay kilalang kilala kami.
Kami
"Riette!"
Lumingon ako sa apat na babaeng papalapit saakin.
"Bakit hindi mo suot salamin mo?" Tanong sakin ni Jaiden. Ops, I forgot.
Para namang na-gets nila yung naging expression ko nang banggitin nila yung salamin. Nakalimutan ko!
"Don't worry. Meron akong extra." Komento ni Piper. Ngumiti ako. She's the best!
"Let's go?"
Tinanguan namin ang isa't isa at saka sabay sabay na naglakad.
Agad kaming pinagtinginan ng mga tao. Gaya nga ng sabi 'ko. We're famous.
Hindi lahat ng nerd, loser. We're not that kind of nerd. Sadyang matatalino lang kami.
Pagkapasok na pagpasok namin sa loob ng classroom ay sabay sabay kaming naglakad papunta sa likuran. Gantong pwesto na talaga kami palagi, since grade 7. Special Seating Arrangement for the Special & Fabulous Students.
Pagkaupo 'ko ay napatingin ako sa tumpukang kalalakihan na nagsipasok sa room. Nandito na sila. Nagtama ang mata namin ni Jet na parang hindi kami magkakilala. Batukan ko 'to eh. Napatingin ako sa likuran niya, isang lalaki na papalapit sa gawi 'ko.
"Hi Erin." Ngiti niya kay Erin.
Akala ko sakin..
Erin just smiled at him, binati niya lahat ng mga kaibigan ko. Wow. Lumapit siya papalapit sakin at ngumiti. Sa loob loob ko ay natataranta na 'ko. Anong nangyayari?!
"At hello sa aso niyo.." ngiti niya at pagtapik sa balikat ko. Gagong 'to! Agad akong nanggigil kaya naman sinipa 'ko siya.
Lagi nalang ako ginagalit ng Gab na iyon! Hindi porket kaibigan namin siya ay gaganun ganunin niya nalang ako. Hindi naman siya ganan kina Erin 'eh! Favoritism talaga.
"Aray! Ang brutal naman ng aso niyo." Paghimas niya sa parte ng katawan niyang natamaan.
Umirap ako at inabala nalang ang sarili sa paggawa ng isang tula.
Bwisit.
Jaiden Araine's POV
Nagsisimula na ang klase at inaantok na agad ako. Ano ba yan. Bwisit na Math.
Napatingin ako sa mga kaibigan 'kong boring na nakikinig. Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit ganto kami ngayon kayang kaya namin yan intindihin in just 30 seconds.
BINABASA MO ANG
Brain Over Heart, Heart Over Brain
Ficção Adolescentebattle between brain or heart, what would you choose?
