Chapter 12

44 6 14
                                        

Erin Hara's POV

"Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?"

Napahawak ako sa dibdib 'ko sa biglang pag sulpot ni Riette sa unahan 'ko. Inirapan ko siya at sinabayan sa paglalakad.

"Bakit ka nakatigil don? Mukha kang tanga."

Inarapan ko nalang siya. Nakatigil kasi ako sa may tapat ng chapel dahil kinakabahan pa kong pumasok sa room. Pano kapag nandon na pala si Naethan? Nahihiya parin ako sa ginawa ko no!

"Kung di ka ba naman kasi kalahating tanga, eh." Tawa ni Riette sa tabihan 'ko. Hindi ko nalang siya pinansin at sinabayan nalang sa paglalakad.

Para akong aatakihin nang makita ko sa may pintuan ang MHS5 na chill na nakatambay doon. Shit, shit! Anong gagawin ko?

"Oh? Tara na pumasok." Ngisi sakin ni Riette at naunang pumasok sa room. Nakipag-apir pa siya kay Jet. Bwisit! Kaibigan ko ba talaga 'to?!

Automatic namang napalingon sakin ang MHS5. Napa-tungo agad ako at dali daling pumasok sa room. Agad akong umupo sa tabihan ni Zylei.

"Hoy, ano ba! Ang laki laki nang space oh!" Sigaw sakin ni Zylei. Mas lalo akong sumiksik sa tabihan niya.

"Na'ko, huwag kang papayag na siksikin ka niyan, Zy." Tawa ni Riette at nakakalokong tumingin sakin. Bwisit!

"Ay, ang laki nang space oh. Tsk, huwag kang papayag." Sabat bigla ni Jaiden at tumingin rin sakin ng nakakaloko. Mas lalo akong sumiksik sa tabihan ni Zylei.

"Anong meron?"

Bigla naman silang nagka tinginang tatlo at tumingin sa kabilang row. Biglang ngumiti si Zylei na kinabahala 'ko.

"Naiinitan ako sayo, Erin. Iisod ka o iisod ka?"

Sabi na eh! Wala akong choice! Dahan dahan akong umisod sa talagang pwesto 'ko. Nakakainis 'tong tatlong 'to. May araw rin sila sakin.

"Bat ka nakaharap samin? Dumiretso ka nang tayo. Umayos ka nang pwesto, bruha ka." Tawa ni Zylei na ikinatawa naman ni Riette at Jaiden.

"Pwede namang g-ganito. I think Sir won't mind naman!" Pabulong kong sigaw habang nakatingin sa kanila.

"Bat ka ganyan magsalita? Haha! Mukha kang tanga, besh." Tawa nila.

"Isa, Erin. Pag di ka umayos nang upo isusumbong kita kay Piper. Yung ka-anuhan mo rin nung sabado sasabihin ko!" Tawa ni Riette.

"Whatever! Malalaman niya rin naman."

Pinagtutulungan na'ko ng mga bwisit na 'to eh. Inirapan ko sila at humarap na sa unahan. Inayos ko na ang upo 'ko at nakakahiya naman sa mga 'to!

Ewan 'ko kung anong pumasok sa utak ko't dahan-dahan kong iginala ang mga mata 'ko sa kabilang row kung saan naka-upo ang MHS5.

Nanlaki ang mga mata 'ko sa nasaktuhan 'ko.

Muntik na'kong mahulog sa kinauupuan ko nang eksaktong mapatingin ako sa mga mata ni Naethan. Shit, wrong move.

"Good morning, Class A."

Tumayo agad ako at kasamang binati si Sir. Nababalisa ako!

Umupo na kami at nag-simula nang mag discuss si Sir. Hindi ako mapakali. Feeling ko may nakamasid lang sakin.

Ikinalma ko ang sarili ko at nakinig nalang ng discussion.

"Class dismissed."

Para namang nakawala sa kulungan ang mga kaklase ko't nagsisigaw lahat sa tuwa.

Brain Over Heart, Heart Over BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon