Jaiden Araine's POV
"Bangon na, Jaiden!"
"Argh." Piper's voice is so annoying. Alam nang natutulog pa! Tinalikuran ko siya at nag taklob ng unan.
"Gagawa pa tayong research, besh. Bumangon kana! Ikaw nalang iniintay." Rinig 'kong sabi ni Erin.
Hindi parin ako kumibo. Antok na antok pa talaga ako kahit alas sais ako ng hapon naka-tulog.
"Seriously, Jaiden? May hangover ka ba?" Sabi ni Zylei at inalis ang unan sa mukha 'ko.
"Mahaba habang oras natin pakikisamahan ang MHS5, Ayokong madagdagan pa yon. Kaya bumangon kana para naman makaalis na tayo at matapos ng maaga sa research na yan." Sabi ni Erin at inalis ang naka-balot saking kumot.
"Tumatakbo ang oras. Ikaw nalang iniintay." Panlilisik sakin ng mata ni Piper.
Tamad naman akong bumangon at dumako sa banyo para maligo.
"Jaiden, Ano na?"
Napa-sala sa baba 'ko yung liptint sa sigaw ni Zylei.
"Argh! Excited ka ba? Wait a minute!" Sigaw ko pabalik at itinuloy ang pag-aayos.
Lumabas ako ng kwarto 'ko at mukha nilang tatlo ang agad na sumalubong sakin.
"Let's go."
Sumunod kami kay Piper at sumakay sa kotse, which is kina Pips.
Mabilis naman kaming nakarating sa bahay nina Riette na bahay rin ni Jet, siyempre.
"Hi beshes." Yakap samin ni Riette pagkapasok namin sa bahay nila.
Dumako agad kami sa salas at naupo. Hinahanap ng mga mata 'ko si Jet. Asan kaya yun?
"Nandito na sila."
Napatingin agad ako sa mga kalalakihan na bumababa sa hagdan.
"Finall--."
"Shut up, let's get started. Para matapos na agad." Putol ni Piper sa sasabihin ni Ryle.
Nag-assign na si Riette kung anong gagawin ng bawat isa samin. We, Riette, Erin, Piper, Zylei and Me, kami ang bahala sa mga problems and essays. While the boys, sila na ang bahala kung paano di-diskartehan ang visual aids and power point.
Nagsimula na kaming maging abala sa aming ginagawa. Lumapit naman sakin si Jet na may dalang manila paper at tumabi sakin.
"Wow. Dami mo nang na-solved." Pagusisa niya sa sinasagutan 'ko.
"Wasak 'e." Tawa ko at ipinagpatuloy ang pagsa-sagot.
"Don't need to come near me. Just give me the notebook."
Napalingon ako sa nagsalitang si Zylei, na walang emosyong nag-sasagot.
Rinig 'ko ang pag-sipol ni Jet na nakatingin kay Jaeger na mukhang napahiya sa sinabi ni Zylei.
Umirap nalang ako at ipinagpatuloy ang pag-sagot. Serves him right.
"You know what, Araine. Why don't you just move on?"
"Hindi basta lang ang pag-move on, Jet."
"Hindi ba't lagi naman akong nandito para sayo? Aalalayan kita, Araine. Ano pang silbi 'ko? I'll be your shield."
Ibinaba ko ang hawak kong ballpen at tiningnan si Jet.
"Si Riette ba ang nag-utos sayo niyan? Don't listen to your twin. I'm okay, Jet." Ngiti 'ko sa kanya at nagsimula na ulit mag-sagot.

BINABASA MO ANG
Brain Over Heart, Heart Over Brain
Ficção Adolescentebattle between brain or heart, what would you choose?