Henriette Sab's POV
"What do you want, baby girl?"
Napa-tigil ako sa pagkatulala nang magsalita si Rainer. May hawak siyang wallet na nakatingin sakin, nasa harapan kami ng tindera.
"Carbonara, Sean."
Biglang kumunot ang noo niya at saka dumukot ng pera sa wallet niya. Napa-ngiti ako ng palihim, gusto niyang tawagin ko siyang baby boy. Pero nahihiya ako, eh. Dami naman kasing tao.
Tinatawag ko siyang Sean pag maraming tao at baby boy pag kami lang.
Nag-hanap ako ng mauupuan at saka nag-punta roon. Andon pa si Sean.
Biglang sumagi sa isipan 'ko ang nangyari kanina. Bakit kaya ganon maka-akto si Gab? What the hell is his problem? This past few days nagiging Naethan na siya. Napaka-kumplikado.
I don't want to assume but, hindi naman ako tanga. Oh, well. Hindi naman talaga.
Teka nga! Bakit ba ganito ang pag-iisip ng utak 'ko ngayon? Hindi ba pwedeng ayaw niya lang talaga kay Rainer Sean ha, Henriette? You should stop thinking like that again, Henriette. Not again.
Tandaan mo, ikaw at ikaw lang rin ang talo. Ikaw lang ulit ang talo.
"Pahinging salbabida, babygirl. Ang lalim eh, nakakalunod."
Kaagad akong napatingin sa nagsalitang si Rainer na may hawak na tray. Tumawa ako at inarapan siya.
"Ano na naman bang iniisip mo?" Tanong niya.
Umiling ako at sumubo ng pagkain.
"You sure? Napaka-lalim eh, iniisip mo ko no?" Ngisi niya.
Inirapan ko siya. Asa naman.
"Henriette!"
Sabay kaming napalingon ni Rainer kay Jaiden na papalapit saamin. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"What?"
"Rainer, Pwede ba mahiram kaibigan ko? Ako naman muna, kahapon ka pa eh." Angal ni Jaiden.
"Lmao. Sure, basta i-soli mo agad ha?" Sakay ni Rainer.
Umirap ako nang palihim at saka sumama kay Jaiden.
"Ano ba yon, Jaiden? Kanina pa 'ko kaing kain!"
"Sayang bucket sa jollibee." Bulong niya habang naglalakad.
"What?"
"Nothing! I'm your bitch, so trust me."
"That's the point." Irap ko.
Wala akong tiwala sa mga kaibigan 'kong 'to, lalo na yan si Jaiden. Puro katarantaduhan pa naman yan. Sinundan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa rooftop ng school.
"Jaiden, ano b--."
Napatigil ako, what the fucking fuck fuckers...
Napatitig ako sa malaking painting na nakaharap sakin.
It's my picture.
"How.. how.."
Napaharap ako kay Jaiden na malaki ang ngiti, no, no! Ayokong pangunahan na naman ako ng pag-iisip 'ko.
"Galing 'no?"
Para namang napa-talon ang puso 'ko nang magsalita sa likuran 'ko si Gab. Punyeta, punyeta.
"Sorry, medyo light yung pagkaka-paint. Di masyadong gumana eh, ewan ko nga. Nagana naman sa iba, sayo lang hindi. Iba talaga pag panget 'no?"
Sumama bigla tingin 'ko sa kanya. Akala ko pa naman!
"Joke lang! Aray!"
Tumalikod ako at umirap. Gustong gusto kong mag walkout pero may pumipigil sakin 'eh!
Pagtalikod ko'y mukha ni Jaiden na nakangisi ang tumambad sakin. I mouthed, what's your problem? Mas tumawa lang siya at dali daling umalis.
Oh, no..
Ikinalma ko ang sarili ko at humarap muli kay Gab. Teka lang, di pa pala ako kalma, bat humarap ako agad?!
"A-ano.. ano bang problema mo na naman, ha?"
Bigla siyang ngumiti at dahan dahang lumapit sakin.
"Maganda ba?"
Dahan-dahan rin akong napatingin sa painting at automatic na napangiti. Damn, Henriette. Ang rupok mo.
"Sobra."
"Kung sakali kayang ginawa ko 'to kay Jaiden, papasa kaya?"
Unti unting nawala ang ngiti sa labi 'ko.
That shit hurts.
Tumawa ako at binatukan siya. "Asa ka pa, boi! Alis na nga ako. Padala mo nalang yang painting sa bahay. Sayang 'e, maganda."
"Teka lang.. mali! Hoy!"
Lumingon ako at inirapan siya.
"I have so many things to do, Gab. Sa ibang araw nalang."
Umalis ako at sa pagalis 'ko, unti unti ring nagpatakan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.
Putanginang nararamdaman 'to. Bakit hindi pa mawala wala?
Sa bawat pagtagal, lalong lumalalim. At sa bawat paglalim, Lalo lang sumasakit.
Kahit ano talagang gawin, ikaw parin. Ikaw parin, Gabriel Zane.
Zylei Neomi's POV
"Babe, stop! Nawiwiwi na'ko.. Omg! Hahaha, babe!"
Ge, putangina niyo.
"You okay, babe?"
Gulat akong napatingin kay Pj. Hinigpitan 'ko ang hawak sa librong inaaral 'ko at saka tumango.
"Yes, babe. Ikaw, Gutom kana ba?"
Nabitawan 'ko ang hawak 'kong libro sa lakas ng kalabog sa likuran namin. Nagtungo agad ang tingin 'ko don.
"May problema ba?" Pj asked them formally.
"Wag na tayo dito, Miks. Let's go."
Rinig 'kong sagot ni Emmanuele, Problema naman non?
"Quiet Place kasi 'to, hindi para sa kanilang naglalandian lang."
Tumawa ako at nagbasa ulit. Wala naman na akong pakialam.
"Kanina pa kita pinagmamasdan dun, anong mukha yon?"
"Mukhang naiinis sa mga malalanding katulad nila."
"Sus. Baka mukhang nagseselos."
Para akong nasamid sa sarili 'kong laway.
"Masama magbiro ng ganan, Pjong." Tawa 'ko.
"If you say so."
Nag-kibit balikat nalang ako at itinuloy ang aking ginagawa. Si Pj naman ay tahimik na nagce-cellphone sa tabi 'ko.
Hindi mawala wala sa isip 'ko ang sinabi ng leche na 'to. Nakakainis! Di naman ako nagseselos e, bakit pa diba?
Wala nang dapat pang ikaselos kasi matagal nang tapos.

BINABASA MO ANG
Brain Over Heart, Heart Over Brain
Fiksi Remajabattle between brain or heart, what would you choose?