Jaiden Araine's POV
Kakalabas lang namin sa BU ni Jet at para kaming bano'ng dalawa. Parehas kaming tulala habang kumakain ng isaw na tinitinda sa labas ng BU. Nakaupo kami sa tabihan.
"Hey Jaiden!" Pitik sakin ni Piper. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ano ba 'yon? Kailangan may pitik?!" Irap 'ko sa kanya.
"Uy, Pips." Bati ni Jet sa kanya. Tinanguan naman siya nito.
"Tara na, Jaiden. It's already 6 and lagot ako kay Mom."
Shet na malagket. Kasabay ko nga pala ngayon si Piper.
"Anong ibig-sabihin ng mukhang iyan, Jaiden Araine?"
Agad ko siyang yinakap at nilambing. Hehe.
"Besh, may lakad pa kasi kami ni Jet. Pwede bang hindi muna ako sumabay? Hehe."
Pinitik niya ulit ako.
"Fine. Aalis na'ko. Take care. Hey, Bellus! Take care of Jaiden. Make sure she's safe when she got home. Bye besh!"
Sumakay na siya ng kotse at kumaway. Tiningnan ko naman si Jet. Kinindatan niya 'ko. Hinampas 'ko siya.
"Sigurado ka bang nandon siya?"
"Siguradong sigurado."
Inakag ko agad siya sa lugar kung saan daw nandoon si Jeff.
Guitar Lessons
Agad kaming pumasok sa building na 'yon. Sabi ko na nga ba't naandito lang siya. He really loves to play guitar to the point that he want other people to loves it too. Kaya isa siya sa nagtuturo ng Guitar Lesson sa mga bata.
"Hindi na'ko sasama. Nandito lang ako sa labas, Araine. Nandito lang ako."
Ngumiti ako sa kanya at saka tumuloy papasok ng building. Hinanap ko agad siya kay Richelle na nagtuturo rin ng gitara.
"Second floor, Room 4." Ngiti niya sakin. Ngumiti rin ako sa kanya at umakyat sa second floor.
Para akong aatakihin bawat hakbang ng paa ko papalapit sa Room 4.
Dahan-dahan lang akong naglakad papalapit don. Bwisit, anong pakiramdam 'to?
Kakatok na sana ako ng bigla iyong bumukas.
"Jeff."
Erin Hara's POV
Nandito na'ko sa bahay at libro parin talaga ang kaharap 'ko. Hindi na ako naumay.
Inilapag ko ang libro ng history at saka hinimas ang mga mata 'ko. Masakit na kakabasa.
"Anak, Are you alright?"
Napatingin ako kay Mame na kasunod si Ate. Tinanguan ko naman siya at ngumiti.
"Don't stress yourself, anak. Alam mo namang proud kami sayo ng Dade mo. Anyway, nak. Are you free tomorrow?"
Tinanggal 'ko ang salamin 'ko at saka siya tiningnan.
"Spill it, Mame."
Alam kong may gusto na naman siyang ipagawa sakin.
"Yung kumare 'ko kasi may anak na lalaki, bestfriend kami non. Simula elem hanggang college, nak."
Tiningnan ko lang si Mame.
"Gusto sana naming i-date kayong dalawa. But 'nak don't worry. He's a good guy!"
Muntik na'kong masamid sa sarili 'kong laway.
BINABASA MO ANG
Brain Over Heart, Heart Over Brain
Novela Juvenilbattle between brain or heart, what would you choose?
