Chapter 2

1.5K 41 13
                                        

TASY's POV

Pumasok ako sa loob ng room,

ABM-2

Kita ko ang pamilyar na mga mukha, yung iba hindi. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nasa isang sulok at kausap ang iba namin kaklase.

"Tagal mo, 'te. Saan ka nagsusuot?" Tanong ni Kime habang binababa ko ang bag ko sa upuan.

"Nadapa nga ako" pinakita ko sa kaniya ang sugat kong may band aid na,

"Anong connect?" Takang tanong niya, umirap ako sa kaniya.

"Boplaks, malamang nagpunta siyang Clinic!" Si Janica na ang sumagot ng tanong ni Kime.

"Ah.." Tumango siya at kinausap na ang isang kaklase namin. Agad silang nagsibalik sa upuan at tumabi sa akin si Alexia na kumakain pa ng lollipop.

"Good morning, ABM. Please stand up for our morning routine" We stood up at ginawa ang morning assemblies namin.

"Okay, since yung iba dito ay bago, we will have our introduction, 'kay? Simple lang. name, age, birthday and hobbies" Gumilid ang prof namin.

"Let's start from the back" Nilingon ko ang taon nasa pinaka dulo sa right side, sa row namin.

"Ay shutakels" I laughed when i saw it's Mikayla, kasunod nito si Kime, Janica, Ako, Alexia, at Clara.

"Please proceed, Miss Diaz" Kumamot sa ulo si Mikayla at pumunta sa harapan.

Nahihiya pa siyang nagpakilala, parang tanga! Tumayo si Kime pagkatapos ni Mikayla.

"Psst, banatan mo si Sir, dali, pogi oh!" Narinig kong bulong ni Mikayla, tumango naman si Kime at may malokong ngiti.

"Hi! I'm Azrail Kime Cruz, you can call me Kime, 17, turning 18 this October 25, Wala akong hobbies, pero pwede ka po bang maging hobby, Sir?" Tumalikod si Kime na parang kinilig siya!

Tumawa naman ang mga kaklase ko,

"Ikaw talaga, Cruz." Tumawa si Sir at pinaupo na ang kaibigan ko.

"Landi mo, tanga!" Natatawa kong sabi kay Kime, bumelat lang siya sa akin.

Pagkatapos ni Janica at umupo siya sa tabi ko kaya tumayo na ako.

"Hi! I'm Anastasia Tasy Mendoza, 18, turning 19 this October 23, I don't have much hobbies, Thank you!" Ngumiti ako sa kanila at bumalik sa pwesto ko.

The introduction went on at natapos na, break na namin. Tumayo ako at kinuha ang wallet ko, hinintay ko saglit ang mga kaibigan ko at sabay na kaming lumabas.

"Saan ba sila William? Alam ko, kaklase nila sila Vincente, eh." Binaybay namin ang hallway ng ABM para hanapin ang mga lalaki namin kaibigan,

"Ayun!" Tinuro ni Kime sila Vincente, kumaway ako kay Vincente.

"Vince!" Tumakbo siya papunta sa amin, niyakap niya kaming lima,

"Asus, bakit kay Tasy ang tagal?!" Sinundot ni Mikayla ang tagiliran ni Vincente, inaasar niya.

Ngumiwi ako, "Tigilan mo nga, Mikayla" Naiiling kong sabi.

"Aguy mode!" Humagalpak si Kime at Mikayla, "Payag ka, dinodogshow ka sa harap ng crush mo?" Nakisali naman si Alexia, Janica, at Clara.

"Shut up!" Namumula si Vincente, sumulyap siya sa akin kaya nginitian ko, umiwas siya ng tingin at pinagdiskitahan si Janica at Kime na inaasar pa rin siya.

"Tasy, why don't you try forgetting your stupid Ex?" Tanong ni Alexia at tumabi sa akin, "He's not worth your pagmamahal" Anito.

"Hindi nga! Move on na ako 'no!" Sabi ko habang nakanguso. I swear, naka move on na ako!

"Weh? Really? Talaga? Sure?" Sunod-sunod na tanong ni Clara habang nakadungaw sa mukha ko.

"Promise!" Tinaas ko pa ang kamay ko, na parang nanunumpa.

"Ireto kita!" Tumakbo si Kime sa harapan ko at patalikod na naglakad.

"May kilala akong pogi- aray!" May nabunggo siya,

"Kuya Tyren!" Gulat kong sabi, why is my brother here?

"Aray, ha! Laking harang, eh!" Naiinis na sabi ni Kime habang hinihimas ang ulo niya.

"Tss, ikaw malaking harang!" Sabi ni Kuya at umirap kay Kime.

"Ako? Ako?! Ako?!" OA na sabi ni Kime habang tinuturo ang sarili, "Excuse me, matandang pangit! Ikaw ang nakaharang, naglalakad kaya ako, tapos nakaharang ka, para kang tae sa daan!" Sumingkit ang mata ni Kime kay Kuya.

Hay, nagbangayan na naman.

"Oh, bakit hindi ka umiwas, kasi patalikod kang naglalakad! May ganon ba? Why are you even walking like that? What are you, stupid?!" Kinamot ko ang pisnge ko at hinila si Kuya palayo kay Kime.

Magsasabunutan na yan.

"Why are you here, Kuya?" Nakanguso pa siya habang nakatingin sa likod ko kung nasaan si Kime. Umirap siya at bumaling sa akin.

"Oh, you forgot your allowance, Mom told me to bring it to you" inabot niya sa akin ang pera.

"Thanks" tumango siya at naglakad palayo.

Sungit!

We went down to the cafeteria and ordered our foods.

I sat on the bench and started eating my salad when the boys sat infront of us,

Inangat ko ang tingin ko at nakita si Macsimo, na nakaupo sa harap ko at nakatingin sa akin.

"Tasy, right?" Anito, tumango ako.

"Yup, Macsimo?" Tumango siya at ngumiti.

Gusot ko atang mahimatay ng makita siyang ngumiti! Parang ang fresh niya tignan tuwing ngumingiti siya. Ngumiti ako pabalik at tinuon ang atensyon sa pagkain ko.

"Oo nga pala, sasali ako sa Drum and Lyre, kayo rin?" Tanong ni Ian. Tumango kaming lahat, except for Clara.

Siya lang naman ang hindi myembro, nun eh. "Actually, baka nga hindi ako dito grumaduate" Anito.

"Huh, why?!" Tanong ni Alexia.

"My family is going to US, to manage our business there. Dito lang ako nagenroll dahil baka sa October pa kami aalis" Ani ni Clara.

"Hala! Edi wala ka sa Birthday ko at ni Tasy?" Tanong ni Kime. Tumango at Clara, "Oo, eh. Promise, babawi ako! Next year siguro, baka umuwi ako dito na mag college" Tumango na lang kami.

"Hoy, William, Sino ba 'tong kasama niyo?" Tanong ni Mikayla at tinuro si Macsimo.

"Ah! Girls, meet Macsimo, Isa siya sa drummers, kaso umalis siya last year, pero sumali ulit this year." Kwento ni Will.

"Ah! Hi, pre!" Ani ni Janica. "Janica, Eto naman si Kime," kumaway si Kime at tinanguan naman siya ni Macsimo.

"Mikayla, Alexia, Clara," Tumango silang lahat kay Macsimo, "And Tasy, and mukhang magkakilala na kayo?" Nagtatakang tanong ni Janica

"Ah, hindi naman.." Nahihiyang sabi ko at sinulyapan si Macsimo, "Yup, Nadapa kasi siya kanina sa harapan ko, kaya i went to the Clinic with her" Tumango ang mga kaibigan ko.

Nang sulyapan ko si Mikayla, may milisyosong tingin na siya sa akin, nginuso niya si Macsimo at tinaas baba ang kilay.

"What the fuck..." i mouthed, "Future laloves mo" nginuso niya ulit si Macsimo.

Umiling ako sinulyapan si Macsimo, there's a ghost of smile on his lips!

-End of Chapter 1-

The Forgotten Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon