TASY's POV
"So, what drums do you play?" I started the conversation. Kinukuha namin ang mga bola at nilalagay sa malaking lalagyanan na may gulong.
"quints and quads" anito. Tumango ako at patuloy na nilalagay ang mga bola. "You, saan section ka?"
"Ah, colorguard" Maikli sabi ko. Tumango siya at pumunta sa harap ko habang hindi pa rin tumitingin sa akin.
"First time?" Maikling tanong niya. Seryoso, kinulang ba ang dila niya at sobrang igsi niya mag salita?
"Oo, kaso dapat sa majorette ako, eh. Puno na daw, kaya sa colorguards na lang." tumango siya at tipid na ngumiti.
"Excited na ako sa training bukas!" I said excitedly.
Dati, I always watch our marching band perform. Sikat kasi sa lugar namin ang Drum & Lyre, lalo na sa mga schools.
On December, every year, they always held competitions between schools.
And hell, may pagka big deal iyon dito!
"Uh huh, malakas ba resistensya mo?" He said while smirking. Tinaas ko ang kaliwang braso ko, Kunwari'y pinapakita ang invisible na muscles ko.
"Oo naman!" He chuckled and continued what he was doing. Nang matapos namin mapulot ang mga bola, sabay namin tinulak ang cart.
Medyo mabigat kasi 'to. Bakal at isama pa ang maraming bola ng Basketball and Volleyball.
"Wait, may nastuck ata" parehas kaming tumigil dahil hindi na umaandar ang cart. Pumunta ako sa harapan at sinuri ang gulong.
Naramdaman ko ang presensya ni Macsimo sa aking gilid, I swallowed hard.
Damn, ang bango!
Amoy baby ko-
Ay, baby ko? May ganon?
"Some strings are stuck" Nabalik ata ako sa reyalidad ng tumama ang kaniyang hininga sa aking pisnge.
Sobrang lapit niya! My heart pumped so fast, na parang gusto nitong kumawala sa loob ko.
Heart, kalma. Pogi lang yan, maganda ka.
"Help me remove it, Tasy" Tumango ako sa kaniya at hinawakan ang mga strings na na stuck sa gulong.
Hinila namin ito, lumapad ang kaniyang kamay sa akin.
"Pull harder, 'kay?" He whispered, tila nahihirapan. Tumango ako at sabay namin hinila nang malakas.
"Ay!" Biglang na-alis ang strings kaya pareho kaming nagulat nang bumagsak ako patalikod.
At dahil nasa likod ka siya, parehas kaming natumba.
I was anticipating my head to bump on the floor, when something not so hard tried to prevent me from it.
Ang mariin kong pikit na mata ay dahan-dahan kong dinilat.
And gosh, para ata akong napunta sa loob ng isang k-drama!
My head was resting on his arms, habang naka yakap na ang mga braso nito sa akin.
Ang aking mukha ay naka harap sa kaniyang dibdib, at naamoy ko ang mabango niyang amoy!
Amoy baby talaga!
"Are you okay?" He whispered, tumango ako at mabilis na lumayo sa kaniya.
"Okay lang! Okay..." inayos ko ang aking buhok at tumalikod sa kaniya. Mariin akong nakapikit habang inaalis sa isip ko ang nangyari kanina!
Oh god, this is heart wrecking!
"Oh...my...gosh!" Parehas kaming gulat na napalingon kay Janica at Alexia na tumitili at parang mga may bulate sa pwet.
They were jumping and pushing eachother, habang malaki ang mga ngiti.
"W-what?" Did they saw us kanina? Shit!
Ako na naman ang aasarin nila ng ilang linggo! I swear, pag sinabi nila yan sa iba namin kaibigan, baka ayan na ang maging forever na pang -asar sa akin!
"Ano 'to?! Nasa K-drama ba ako?! Hindi naman ako infromed, Mamsh!" Kinilig na ani ni Janica at malakas akong hinampas.
"Aray! A-anong sinasabi mo, piste ka?!" Kunwari na wala akong alam sa sinabi niya.
"Kanina pa ba kayo? Tulungan niyo kami, Janica at Alexia." Baliwalang sabi ni Macsimo.
"Aguy, baliwala mode..." humagikgik si Janica at bumulong kay Alexia. I glared at the both of them and told them to just help us.
"Kaya pala natagalan..." Panunuya ni Alexia. Mahina ko siya siniko at tinignan ng masama.
"Ikaw Macsimo, ah..." Narinig kong sabi ni Janica sa katabi ko.
Janica is on Macsimo's left side, habang nasa right side ko si Alexia at apat namin tinutulak ang cart patungo sa gym.
"Iba talaga diskarte mo, papi!" I heard Macsimo chuckled kaya sinipa ko ang kaniyang pwetan para tumigil siya.
"Kayong tatlo, wag niyo nga akong inisin!" Naiinis na sabi ko, tumawa lang ang tatlo at lalo pa akong inasar.
"Tumigil ka, Macsimo!" He acted like he zipped his mouth.
Nang makarating kami sa gym, nakakalat na ang mga studyante at may sari-sariling mundo.
Pumito ang P.E teacher namin at sinabing kumuha na kami ng bola.
"Record your scores on the different skills in these two sports, okay?" Tumango kami at kinuha ang mga bola.
Una kong kinuha ang bola ng basketball, dahil mahirap ito.
"Dribbling muna, ah?" Tanong ni Mikayla, siya kasi ang partner ko.
I dribbled the ball, at minsan tumatama ito sa aking paa kaya rumorolyo sa iba't ibang parte ng gym.
"Oh, shooting na, last na! Kahit maka one point ka lang, okay na yun." Tumango ako sa kaniya at pumwesto sa ring.
"Go!" I threw the ball at pumasok agad ito, "hala!" Masayang kong sigaw.
"Wow, Stephen Curry kabahan ka na" natatawang sabi ni Kime, na nasa gilid ko at nag dridribble kasama ang partner niya.
"Panis, keri mo yon?" Nagmamayabang kong sabi. She made a face and continued what she was doing.
Since tapos na kami ni Mikayla, lumipat na kami sa volleyball.
"Game! Game! ABC tayo, ah?" She was dribbling the ball, tumango ako at pumosisyon.
"Wag mo akongn tatamaan sa mukh-" before i could finish my sentence, a ball hit my face! Right in my face!
Napa-upo ako sa sahig dahil sa impact, ang ilong ko!
"Hala, Tasy!" Rinig kong sabi ng ewan ko. I was busy massaging my nose when someone kneeled infront of me.
"Shit, sorry!" Inangat ko ang tingin ko sa nagsalita, at parang gusto ko siyang batukan.
"Macsimo, gago ka! Nagdudugo!" Rinig ko sabi ni William at lumuhod sa harap ko.
"Clinic! Clinic!" Clara was shouting, as if mapupunta ako sa Clinic pag sumigaw siya diyan.
"Oh no! Miss Mendoza! Ayos ka lang ba? Can you see clearly? Buhatin niyo, dalhin natin sa Clinic!" Someone lifted me up, pero I don't care.
My nose is bleeding so much! Mukhang sakto sa ilong ko ang pagkatama ng bola!
I was gazing at the blood when my vision turned blurry.
-End of Chapter 3-

BINABASA MO ANG
The Forgotten Lover
Novela JuvenilLover's Series #1 Former title: The Drummer's Lover Anastasia Tasy Mendoza, her life turned into a bitter sweet cliché romance when she met her boyfriend after her Ex-boyfriend cheated on her. With both of them being broken by their past relationsh...