TASY's POV
Exam day, i was nervous after I passed my exam paper sa subject ni Miss Manugang. Confident ako sa sagot ko, pero hindi ako confident sa grades na makukuha ko!
After our last exam, nag unat ang ako at humikab, feeling tired and drain after our exam.
Damn, unang exam pa lang sa school year, draining na! What more sa mga susunod na sem, diba?
I was stretching my arms when someone grabbed my hands and made me face that person,
"Vincente!" Masayang sabi ko, he smiled. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko dahil minasahe niya ito. He was massaging it gently, making me feel good.
"How's your exam, Vince?" Tanong ko habang nakapikit at dinadama ang masahe niya.
"Okay naman, ikaw?" Umiling ako at bumuntong hininga, "It was actually draining! Lalo na kay Miss Manugang? Grabe, parang gusto ko na lang himatayin, eh." He chuckled because of my rants.
"Nah, you'll pass, ikaw pa?" Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Nasa labas ako ng school, sa may field. Marami kasing tao sa garden kaya dito muna ako. At expected naman na nandito si Vincente dahil alam kong lagi siyang tambay dito.
Binitawan niya na ang kamay ko, he was sitting beside me. I glanced at him and saw him preparing foods.
"Wow, para saan naman yan?" Natatawa kong tanong sa kaniya. Nilapag niya sa harapan ko ang burger at fries.
"Celebration! Dahil natapos na natin ang exam, diba?" He glanced at me and continued preparing the foods.
May burger, fries, mojos, and milkshakes siyang binili. Natakam naman ako kaya kinagatan ko na ang burger.
"Dungis!" He wiped the sauce on the side of my lips, "punusan mo nga yan mukha mo, dungis" He gave me a tissue.
Inirapan ko siya at pinunasan ang bibig ko, "Asan nga pala sila?" Tanong niya at nagsimula ng kumain.
"May mga sariling pinuntahan, pero mamaya pupunta kami sa Nine19. Mikayla asked me to bring you, sama ka?"
Kumuha ako ng fries at sinubo, Vincente nodded, "Sige, susunduin ba kita?"
Nag-isip ako bago sumagot sa kaniya. Susunduin ba ako ni Macsimo? Teka, bakit ko ba siya iniisip?! Umiling ako sa sarili ko. Ano ba yan, Tasy. Mali yan, ah?
Crush lang, happy crush! Pero kung makaasa ka naman parang may something kayo.
"Sige, sunduin mo na lang ako." Tumango siya sa akin.
Vincente and i ate then left, hinatid niya ako sa bahay at sinabing susunduin na lang ako mamaya.
Nagbihis ako at saglit na nagpahinga. I took a nap and set my alarm 1 hour bago ako umalis.
I woke up when i heard my alarm, agad ko iyong pinatay at dumiretso sa banyo para maligo at mag handa sa pag alis.
Weekend naman, tapos next week back to practice na ulit at normal lessons. Siguro mas lalo na kaming magiging focus sa Drum & Lyre dahil pag-aaralin na namin ang choreography.
"Hm, ano ba pwede suotin?" I was looking at my closet, thinking of what will i wear.
Resto bar kasi ang Nine19, at nasa mataas na lugar pa yon, sure akong malamig na ang hamog.
I picked a white button down shirt, na pinatungan ko ng pink sleeveless croptop cardigan.
Naka high waisted mom jeans ako at sinuot ko ang pink 2 inch heels na strap sandals ko.
I sprayed my perfume at kinuha white mini bag ko kung saan nandoon ang phone at wallet ko.
Bumaba ako at naabutan si Manang na naghahanda na sa pag tulog, "oh, mag ingat ka, Anastasia."
Tumango ako sa kaniya at mabilis na humalik sa pisnge bago lumabas ng bahay.
Vincente:
Lapit na ako, lods.
I slid my phone on my pocket at naghintay sa harap ng gate. I was looking at my feet when i heard a beep.
Tumakbo ako patungo sa kotse at nakita si Vincente na kakababa lang,
"Bakit bumaba ka pa?" Taka kong tanong sa kaniya. Umiling lang siya at pinagbuksan ako ng pinto.
When we arrived at the Nine19, nasa labas nga si Mikayla na kumaway sa akin. Umupo kami at nagulat ako ng makita si Macsimo, nauna na pala siya?
Ang sabi niya kasi, hindi siya makakapunta. Sinabi niya iyon sa group chat kanina nung sinabi ni Kime na hindi siya makakapunta because her parents didn't allow her to go.
"Kayo, ah..." Janica teased me, hinampas ko siya sa braso para tumigil! Lahat na lang, inaasar sa akin.
"Baka pati kapre, asarin niyo ako doon." Umirap ako sa kaniya at umupo si tabi ni Mikayla.
"Pre, buti nakapunta ka?" Vicente fist bumped Ian, William, and Macsimo.
"Oo, pre. Sinundo ko si Tasy, eh. Sira kasi kotse niya, ayoko naman pag commute, delikado pa naman daan papunta dito." Ani ni Vicente.
"Uy, grabe! Ang tamis!" William laughed when he said that. Binato ko siya ng tissue kaya mas lalo siyang natawa,
"Tigilan mo kami, William!"
My eyes went to the one sitting beside him, who surprisingly, is silent.
Hindi man lang ako binati. Macsimo was just looking at the stage where some band was playing.
Sino by Unique ang tinutugtog nila ngayon.
I stared at Macsimo, hoping he would look at me but, no. His eyes remained infront, not even glancing at me for a second!
"Umorder na kami. Umorder rin ng beer sila dahil wala naman si Kime, alam mo naman bawal pa yun uminom." Ani ni Janica.
Kime's the youngest in our group. Well, she looks like she's innocent pero hindi, promise.
After some time, umorder na rin sila ng hard liquors.
We drink and talked about random stuffs until malapit na mag midnight. Mukhang may onting tama na rin ang iba kong kasama, lalo na si Mikayla.
"I'm tip!" She said, ang kamao ay nasa dibdib. Umiling kami dahil lasing na ng siya.
"Iuwi mo na yan, Vicente." Natatawang sabi ko. I helped Vicente get Mikayla inside his car.
"Paano ka? Gusto mo na ba sumabay-" before he could finish his sentence, i felt a presence beside me.
Kumabog ng husto ang puso ko ng maamoy ang kaniyang bango, amoy baby.
"I'll take her home, don't worry." Macsimo said in a cold but deep voice.
-End of Chapter 16-

BINABASA MO ANG
The Forgotten Lover
Teen FictionLover's Series #1 Former title: The Drummer's Lover Anastasia Tasy Mendoza, her life turned into a bitter sweet cliché romance when she met her boyfriend after her Ex-boyfriend cheated on her. With both of them being broken by their past relationsh...