Chapter 3

1.1K 34 7
                                    

TASY's POV

Two weeks passed, mas madalas ang pagsama sa amin ni Macsimo. Actually, he's kinda funny.

I was walking papunta sa gates namin sa School ng makita kong papasalubong sa akin si Macsimo.

Nataranta ako at hindi alam ang gagawin kaya kumaway ako sa kaniya, he waved back.

"Papasok ka na?" Nakangiti kong tanong, tumango siya at ngumiti.

"Sabay tayo?" Tumango ako sa kaniya at sabay na kaming naglakad patungo sa gate sa school.

"Ah, kailan pala tayo mag meeting kasama mga coach?" Tanong ko sa kaniya, "hindi ko alam" maikling sagot niya.

Eto talaga! Minsan, mahaba yung mga sinasagot, minsan maikli, minsan wala! Depende daw sa mood siya sumasagot.

"Hmm.." Nag-isip ako ng tanong. Ang awkward kasi pag tahimik lang!

"Bakit ka nga pala umalis tapos sumali ulit?" Tanong ko sa kaniya, sumulyap siya sa akin kaya nagiwas ako ng tingin.

"Umalis ako, dahil nawalan ako ng gana. Bumalik ako dahil last year naman na natin, diba?" Tumango ako sa kaniya, oo nga pala!

"Oo nga, eh. Pero hindi kita nakikita sa hallway dati? Transferee ka ba?" Tinap ko ang I.D ko at pumasok. Sumunod siya sa akin kaya sabay na kaming naglakad sa hallway,

"Nope, dito ako nag Highschool, ikaw?" Tumango ako at nagsalita,

"Hmm, pero nung grade 9 ako lumipat dito" Tumango siya at hindi na nagsalita,

"See you mamaya" Paalam ni Macsimo, hinatid niya ako sa Room namin, tinanaw ko ang Room niya, nasa kabilang dulo pa yon.

"See you!" Ngumiti siya at hinintay akong pumasok, tumango ulit ako sa kaniya at ngumiti bago pumasok.

I sighed, that was nerve cracking! Feeling ko, hindi ako humihinga ng mabuti!

"Psst" Luminga ako at hinanap ang sumitsit, "psst!"

Nakita ko si Macsimo na labas ng bintana namin na nakabukas, nangunot ang noo ko at binuksan ang pinto para lumabas.

"Bakit?" Tumayo siya sa harapan ko at nasa likod ang dalawang kamay, "A-ah ano kasi.." Utal niyang sabi.

Kumamot siya sa batok at yumuko, parang nahihiya. Nagtataka ko siyang tinignan, problema nito?

"For you" Nanlaki ang mata ko at nakita ang logo ng isang fast food chain. Nagtataka ko iyong kinuha at nakita ang laman ng paperbag.

It's a cheesecake!

"Bakit mo ko binibigyan?" Tanong ko, nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya, senyales na lumunok siya.

"Wala lang, sige na.." tumalikod siya at nagmamadaling umalis. Tinagilid ko ang mukha ko at tinignan ulit ang paper bag.

Pumasok ako sa room at umupo sa upuan ko. Andito na si Clara at may ginagawa siya, wala pa ang iba.

"Ano kaya trip non..." Binuksan ko ang paper at tinignan ang laman,

May box ng isang slice ng cheesecake, at sa taas ng container ay may sticky note.

Craving satisfied ba?

from,

Your future ;)

Pinigilan ko ang ngiti ko ng mabasa ko ang nasa sticky note, i bit my lower lip.

Nakakainis naman, eh! Bakit ganiyan siya?!

Siya ba bumili nito? Hmp!

"SAAN galing yan?" Tanong ni Janica, tinignan niya ang kinakain kong cheesecake, kinuha niya ang paper bag at nanlaki ang mata ko ng makitang binabasa niya yung sa sticky note!

Agad kong hinablot sa kaniya yon. Nagiinit ang pisnge ko nang ibulsa ko ang sticky note pagkatapos tiklopin.

Sumulyap ako kay Janica, she was looking at me suspiciously, maya-maya lang, ngumiti na siya ng maloko!

"Ikaw ah..." Sinundot niya ang tagiliran ko, "sino yun?! Manliligaw mo?! Future daw!"

"H-hindi ah! Ano...friend ko lang yun!" I denied while trying ti escape her hand from tickling me.

"Kaibigan pero nakalagay 'your future'?! Meganon?!" Natatawang sabi niya, mas lalo siyang natawa nang makita ang pamumula ng pisnge ko.

"Shh!" Janica acted she was zipping her mouth, pero natatawa pa rin siya!

"Friend ko nga lang..." ngumuso ako, bakit? Friend lang naman kami ni Macsimo, ah!

Pati, baka biro niya lang yun nasa sticky note, diba?! Wag kasi mag assume agad!

"Okay, sabi mo eh" Natatawang sabi niya, tinignan ko siya ng masama.

"Oo nga!" Naiinis kong sabi, tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi kami lumabas ng room dahil tinatamad daw yung dalawa ni Alexia at Mikayla.

"By the way, na-gets mo yung lesson kanina sa Accountancy?" Tanong sa akin ni Kime.

"Oo, bakit?" Tumabi siya sa akin at kumamot ng ulo, nasa harapan niya ang notebook niya, mukhang nagnonotes.

"Kasi naman, STEM gusto ko, nilipat ako sa ABM!" Naiinis na sabi niya at napapadyak.

"Turuan na lang kita" Her eyes sparkled kaya umiling ako at tinuruan siya, pati na rin sa ibang subject.

Nang mag hapon, ang last subject namin ay Physical Educ. Nagpalit kami ng PE uniform sa CR.

"Pila, ha! Yung maayos!" Sigaw ko sa kanila.

"Naks, Mayor ikaw ba yarn?!" Hinampas ko si Mikayla, inaasar na naman ako!

Paano kasi, napagtripan akong inominate nung botohan ng Officers, tapos nilagay ako sa President! Ako pa nanalo!

"Shut up" Pumila sila ng maayos kaya lumabas na kami, papunta kami sa field ng makita ang mga taga ABM 3

"Oh? Kasabay natin sila sa PE?" Tanong ni Sancho, kaklase namin.

"Baka, hindi pa ata official yunh schedule natin sa PE. Sabi ni Sir. Ramos" Sabi ko.

Pumunta kami sa Field at sinalubong kami ni Sir. Ramos, nasa unahan ako at tinignan ang mga kaklase ko kung kumpleto, mamaya may mag ditch eh, ako talaga malalagot!

Hinead count ko sila at nagtaka ng makitang kulang kami ng dalawa,

"Sino ang wala-" Natigil ako sa pagtatanong ng makita si Mikayla at Karlo.

"Wait! Wait!" Tumakbo siya patungo sa amin at pumila,

"Aba, saan kayo nanggaling Ms. Diaz at Mr. Lim?" Tanong ni Sir. Ramos.

"Ay- eh, ewan ko kay Karlo, Sir! Huli kasi akong nagbihis kaya natagalan, hehe" Ani ni Mikayla.

"May kinuha lang ako sa Room, Sir" Tumango si Sir. Ramos at bumalik sa harapan.

Lumingon ako sa mga ABM 3 at nagulat sa nakita kung sino ang nasa harapan, si Macsimo!

Siya President?! Hindi halata, ah!

"Okay, listen ABM 2-3! From now on, sabay na kayo sa klase ko, dahil nagkakagulo ang schedule natin this past week, kaya pinagsabay ko na lang kayo, okay?" Tumango ang iba kay Sir.

"Now, Presidents, can you please get the balls from the storage room?" Nanlaki ang mata ko kay Sir, at sumulyap kay Macsimo.

He smiled at me, umiwas ako at naginit ang pisnge.

-End of Chapter 2-

The Forgotten Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon