Chapter 6💀
Ngayon ay naglalakad si Rose sa hallway ayaw niya ngang pumasok ngayon ehh kasi ayaw niyang makita ang pagmumukha ng lalaking yun.Pero no choice siya kasi pag hindi siya pumasok baka bunganga lang ng tatay niya ang marinig niya buong maghapon.
Nagpatuloy si Rose sa paglalakad ng biglang.....
NGAYON ay nakaabang si Jimin sa gilid ng hallway dahil sisinyasan niya ang nasa taas na ihuhulog ang napakaraming harina pag dumaan na si Rose.
Matapang ito ehh at tinanggap ang laro niya pwes ngayong araw sisimulan nya ang laro niya.
Timing naman at papunta na si Rose.
Pumalakpak si Jimin dahil ito ang maging senyas.
NANG BIGLANG MAY mga harina na nahulog mula sa ibabaw ni Rose dahilan para maubo siya sa sobrang dami ninyon.
Jimin:BWAHAHAHAHAHAHA!!
Napalingon siya kay Jimin na humhagalpak ng tawa habang tinuturo ang itsura niya.Dahilan para mas mainis sya!
Rose:ANO! MERON PA! SIGE IBUHOS NIYO SAKIN!!
Napatigil si Jimin sa paghagalpak ng tawa ng wala man lang naging reaksyon si Rose.Gusto niyang masilayan ag pagmumukha nitong naiinis.Pero mali pala sya.
Rose:ANOOOO!?!!
At doon ay pumalakpak si Jimin.At doon bumuhos ang napakalamig na tubig na papunta kay Rose.
Napayakap naman si Rose sa sarili niya dahil sa ginaw niyon.
Jimin:BWAHAHAHAHAHAHA! WHAT THE! BWAHAHAHAHA.
Rose:Ano masaya ka na? Kung hindi pa! Sige ibuhos niyo pa kung ano yung ibubuhos nyo sakin!
Natigil si Jimin sa paghalgalpak ng tawa at napatitig lamang kay Rose na ang pagmumukha nito ay basa at may mga harina.
Rose:Tsskk..Sana masaya ka na!
Kasabay non ang pag patuloy ni Rose sa paglalakad niya nasilayan niyang lahat ng estudyante ay nakatuon ang atensyon sa kanya.
Gusto niyang sapakin si Jimin sa pagmumukha pero pinipigilan niya dahil ayaw niyang maging pikon sa harap nito.
NAPATITIG nalang si Jimin sa papalayong bulto ni Rose hindi niya aakalain na parang wala lang ito sa ginawa niya.
Jimin:Kakaiba ka talagang babae ka..
Mahinang usal nito.
NGAYON ay nagbibihis nanaman si Rose dahil ang dumi dumi na ng uniform niya na puno ng harina.At malagkit na siya dahil sa tubig na binuhos nila sa kanya.
Rose:Hatchuuuuu!!
Paghatsing ni Rose dala siguro ito ng pagbuhos ng malamig na tubig sa kanya.
Rose:Bwesit na lalaking yun! Magkakasakit pa ako nito ehh! Hatchuuuuu!!!
Ngayon ay papalabas na siya ng CR at papunta na siya sa second subject niya hindi siya pumasok sa first period niya dahil sa walang hiyang lalaking yun.
Rose:Hatchuuuu!!
Hatsing pa din siya ng hatsing habang naglalakad sa hallway.
Nang biglang may panyong tumama sa mukha nya.
Dahilan para mag angat siya ng paningin
Jimin:Gamitin mo yan!
Rose:Aanhin ko yan? Hatchuu!
Jimin:Bobo! Kakasabi ko lang ehh!
Rose:O anong paki mo sakin? Hatchuu!
Napaigtad si Rose ng biglang hinawakan ni Jimin ang noo niya.Agad niya namang tinabig ito!
Rose:Hatchuu! Wag mo nga akong hawakan! Hatchuu!
Jimin:Sumama ka sakin!
Kasabay non ang paghila ni Jimin kay Rose
Rose:Bitawan mo nga ako! Hoy ano ba! Papasok pa ako!! Hindi na nga ako pumasok sa first period ko ehhh!!
Jimin:Ako na ang bahala don!
Rose:Ano ba bitawan mo nga akoo! Hatchu!
Pagpupumiglas ni Rose ngunit sadyang malakas talaga si Jimin kaya wala na siyang nagawa at magpahila nalang dito.
Ramdam niya ang titig ng karamihan sa kanila.
TO BE CONTINUED~
BINABASA MO ANG
SHE'S MY ENEMY (Completed)
FanficROSE AND JIMIN IS LIKE A DOG AND A CAT MAHIRAP PAGLAPITIN PERO ANO NGA BA ANG DAHILAN KONG BAKIT TINAGURIANG SHE'S MY ENEMY NI JIMIN SI ROSE?