EPILOGUE

571 33 12
                                    

EPILOGUE

After 65 years.....

Matanda na ako ngayon,gurang nako at ngayon ay nakahilata na ako sa higaan ko hindi ko nakayang alagaan ang sarili ko,nag iisa nalang ako sa buhay.

Gaya ng pangako ko,siya lang ang minahal ko sumubok akong maghanap na makakasama ko sa buhay,para merong mag mamana ng kompanya ko ,pero wala!wala akong nahanap dahil yun pala ay nag iisa lang ang babaeng yun,ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko.

Oo naging matagumpay ako sa buhay ko,nakapagtapos ako ng pag aaral nakapag patayo ng iba't ibang branches na kompanya pero lahat ng iyon ay walang wala dahil wala siya sa tabi ko at malayo kami sa isa't isa.

Matagal ko ng gustong isuko ang buhay ko,dahil sa kamisareblehan ko,pero nangako ako sa kanya na wala akong gagawin sa sarili ko at maghintay sa tamang oras ko.

At ngayon masaya ako,sabik na sabik na akong ipikit ang mga mata ko dahil sa wakas sa mahabang panahon makakasama ko na siya!

Ang babaeng minahal ko mula noon hanggang ngayon!

Unti unti ko ng pinikit ang mga mata ko at habang pinipikit ko iyon ay may ngiti ako sa aking mga labi.

Sa wakas makakasama na kita mahal kung Rose.

Minulat ko ang mga mata ko lahat ng palibot ko ay puti at hindi ko maiwasang mag isip na baka nasa langit na nga ako.

Nilibot ko ang paningin ko,saan ang mahal ko? Saan siya? Akala ko ba'y hihintayin niya ako?

'Rose?' tanging sigaw ko at umalingawngaw lang ang boses ko sa buong paligid.

'Mahal! Nandito nako!'

'Rose?'

'San ka na?'

Hindi ko na magilang mapanghinaan ng loob,saan na yung pangako niya? Bakit wala siya? Saan ang mahal ko?

Napaupo nalang ako akala ko magsasama na kami....










Jimin......

Ang boses na iyon! Sa mahal ko yun!

'Rose!'

Natakpan ko nalang ang mata ko ng may sumalubong sakin na liwanag na nakakasilaw.

May isang bulto ng babae!

Hindi ko maaninag kong sino iyon dahil sa sobrang liwanag!

Hanggang sa unti unti ng humupa ang liwanag na iyon.

Nang tuluyan kung maaninag ang bulto na iyon gusto kung mag diwang sa sobrang saya!

Sa wakas!

'Kamusta ka na?'

Ang boses na ito sobra ko itong na miss!

Niyakap ko siya! At napangiti nalang ako dahil tumupad siya sa pangako namin.

'Miss na kita!' tanging sambit ko habang ninanamnam ang mga yakap niya sa maraming taon sa wakas naramdaman ko narin ang mga yakap niya!

'Ang tagal mo'

'Pasensya na' sagot ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang dalawang pisngi ng babaeng mahal ko at hinaplos iyon.

'Salamat at tumupad ka,ngayon matutuloy na natin ang pagmamahalan nating matagal ng naudlot at dito natin iyon itutuloy,ngayon wala ng hadlang wala ng problema'

Pinikit niya ang mga mata niya.

'Mahal kita' sambit niya.

'Mahal din kita!' sagot ko.

Inilapit ko ang aking mga labi sa babaeng nasa harapan ko.

Sa wakas makakasama ko na siya, ang babaeng mahal ko.

At napakasaya kung sabihin na masaya kung nilisan ang mundo dahil ang kapalit niyon ay sa piling ng mahal ko..

Ang babaeng iyong ay nag ngangalang Rose...

And She's my Enemy.

Ayan sa lahat po ng bumasa nito hanggang dulo maraming salamat poo😍😘Lovelots hemwhee!💜💕



SHE'S MY ENEMY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon