15.

39 4 0
                                    

Chapter. 15

Fiona Villareal

aissh ano ba naman yan kakainis,kanina pa ko pabalik balik sa harap ng salamin,kanina parin ako papalit palit ng mga damit,hangang ngayon wala parin ako mahanap na damit na maisusuot ko para mamayang 6pm.my gosh almost 3 hours na lang ang natitira bago mag 6pm.

wala na ko panahon para magshopping pa ng maisusuot.nakakafrustrate naman,kung bakit naman kc friday ng gabi pa nagsabi saken to si switzerland ehhh!!! sana manlang kahit friday morning palang itinawag niya na saken na gusto niya ko imbitahan aissh.

isa pa to si kuya,hindi ako pinayagan umalis mag-isa kahapon dahil walang magdadrive para sakin dahil nagleave yung driver.napaka over protective talaga saken ng kuya ko kahit kelan ohhh.feeling ko ngaun ang malas malas ko gusto kuna tuloy maiyak.

>.<

tok!

tok!

" pasok bukas yan"bumukas yung pinto at iniluwa si mama"ohh bakit nakasimangot ang baby ko?tsaka anong nangyari dito sa kwarto mo?daig pa binagyo sa sobrang gulo ahh"sita ni mama saken.nilibot ko ng tingin ang buong kwarto ko.Oo nga naman daig pa binagyo dahil sa sobrang gulo.kakahanap ko ng maisusuot kung saan-saan kuna pala naihahagis yung mga naisukat ko. kung titingnan parang hindi babae ang my ari nitong kwarto haist napabuntong hininga nalang ako bago sagutin yung tanong ni mama.

"ehh kasi po ma alam niyo naman na aalis ako mamayang 6pm?naipaalam kuna senio kahapon yun diba?wala po kasi akong makitang damit na bagay saken ehh"sabi ko kay mama habang napapakamot ng ulo,paxenxia na kinukuto kasi ako eh hehe joki joki lang ^___^.v

baka sakaling matulungan niya akong maipili ng maisusuot.halos baligtarin kuna nga yung cabinet ko makahanap lang ng maisusuot.pero sad to say wala talaga ako mapili.

"tsk tsk halika sumama ka saken"hinila ako ni mama palabas sa kwarto ko at nagpunta kame sa kwarto nila ni papa."umupo ka muna jan anak"pinaupo muna ako ni mama sa kama nila.tapos dumiretso siya sa cabinet niya,parang my hinahalungkat na kung ano.hagis dito at hagis duon din ang ginagawa niya sa mga damit niya.parang ako lang din -________-

"asan na ba yun?alam ko dito ko lang nilagay nung isang araw yun ehh".si mama parang autistic nagsasalita mag-isa hahaha! wag niyo ko isusumbong ahh baka ibitin ako patiwarik ni mama..

"ma now i know kung kanino ako nagmana ng pagkaburara hahaha"biro ko kay mama.habang tuloy parin siya sa paghahanap.minsan talaga sarap din asarin ni mama dahil my pagkapikon ehhh.kaya pala gustong gusto siya inaasar ni daddy ehh.pero kapag pikon na siya konting lambing lang nawawala na yung pagkapikon ni mama.

"there nakita kuna" sigaw ni mama habang my hawak na maliit na plastic at biglang hinagis sa mukha ko.buti na lang nailagan ko ang sweet ng mama ko noh.

"gagawin ko dito ma"?tanong ko.

" ay malamang buksan mo at kainin mo,tapos sabay lunok" -______-

wengya naman ohh,nakuha pa kong pilosopuhin ni mama.pano nalang kung shunga shunga ako,kainin ko nga at lunukin yung laman ehh di na tsugi pa byuti ko.diko na lang pinatulan yung pamimiosopo ni mama.binuksan ko at inilabas yung laman.

"wow ma ang ganda naman nito,para sa akin ba to?.....

"Oo para sayo yan,binili ko kahapon yan kasi nagandahan ako sa design niya.naisip ko mas bagay sayo kung ikaw ang magsusuot,kaso nakalimutan ko ibigay sau kahapon"o sya isukat muna dali" mama.

___________________

hala 6pm na hindi tuloy ako mapakali sa suot ko.naaasiwa akong tignan.hindi kasi ako sanay magsuot ng hapit na dress tapos hindi pa umabot sa tuhod yung haba.parang ayoko na tuloy lumabas at sumama >.<

Missing Pieces(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon