Chapter. 20
Fiona's PoV:
Arghh bwisit talaga " I hate you kuya,I hate you" nagpapadyak na wika ko habang naglalakad sa kalsada.Hindi ko alintana kung pinagtitinginan man ako ng mga studyanteng nakakasalubong ko dahil sa nakikita nilang childish act ko papeymus lang ang peg ko diba?. tsss!paki ba nila Sila ba yung iniwanan at walang magamit na kotse papasok ng school. letse kung alam ko lang na iiwanan ako ni kuya eh! di Sana gumising ako ng ma's maaga grrrr.
pasalamat sya nakailang beses nako sumakay sa jeep.kaya alam kuna kung saan banda sa labasan makikita yung pilahan ng mga studyante at mga pumapasok sa trabaho.kaso lang monday na monday pagcocomutin ako papasok ng school.bwisit. -____-
pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad,kasi kahit anung angal ang gawin ko mababalewala din.eto na nga ohh naglalakad na ang byuti ko.***
pagkarating ko sa pilahan saktong isang tao na lang ang kelangan para makaalis na yung jeep.ako na lang din naman ang nag-iisang andito kaya sumakay nako.umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harapan ko buti na lang sa bungad lang ng jeep yung uupuan ko,yung sa my akyatan para hindi na ko mahihirapan pang bumaba mamaya pagtapat sa pinapasukan kong eskwelahan.pagkaayos KO ng upo Una KO hinagilap sa bag yung cp KO."asan na ba yun? alam KO ipinasok kuna dito yun ehh"paghahalungkat ko sa bag ko. Alam ko kasi nailagay kuna dito sa bag yung cellphone ko bago ako lumabas ng bahay.ohh f*ck Oo nga pala sa ibabaw ng tokador ko nailapag yung cellphone ko.kumuha na lang ako ng barya sa pitaka para magbayad ng pamasahe."Manong bayad po, makikiabot lang po ng bayad,salamat po". wika ko sa lalaking nakaupo sa unahan ko.ang sama naman tumingin nito.masama ba makiabot ng bayad?.umiwas na lang ako ng tingin.tapos ibinaling kuna lang kunwari sa iba yung atensyon KO.
nararamdaman ko nakatitig parin saken yung panget na katabi ko.huhu mama tulong.nakikita ko sa gilid ng Mata ko pinapasadahan nya ng tingin ang kabuuan ko.
huhu bumibilis yung tibok ng puso ko. parang my binabalak na masama saken yung panget na katabi ko.napatingin ako sa bag na paharap na nakakandong sa hita nya.nakita kong binuksan nya yun bag.nagpatay tapos pasimple at unti-unti niyang inilalabas yung balisong na hawak niya.nagtama yung paningin namen dalawa at nakita ko ang nakakatakot niyang ngisi.huhu dyos ko please po tulungan mo po ako,wag mo po sana hayaang mapahamak ako sa lalaking to.naidasal ko na lang sa pamamagitan ng isip ko habang inililibot ko yung paningin ko sa loob ng jeep.umaasang my makapapansin manlang sa mga taong kasakay ko sa masamang balak saken ng lalaking katabi ko.sad to say no one notice me lahat Sila busy sa kani-kanilang cellphone at pakikipag kwentuhan sa katabi.nangangatog yung tuhod KO at konti na lang hihimatayin na ko sa kaba at takot.pero pilit ko nilalabanan dahil alam ko walang ibang makatutulong saken kundi sarili ko lang din.gustuhin ko man humiyaw pero pinipigilan ko sa takot na baka saksakin ako bigla ng panget na to.mahal ko pa ang buhay ko ayoko pang mawala ng hindi ko pa nakikita si prince charming ko at ma's lalong ayoko pang mamatay na Virg*n,ay ano kaba Fiona nasa panganib kana nga puro pa kalandian yang iniisip mo.
ang bilis ng tibok ng puso KO. na at nag-uumpisa narin magtubig ang mga Mata ko ng maramdaman ko umusog ung panget na lalaki para siksikin ako lalo at yung bag niya inilagay niya sa pagitan ng mga hita namen para walang makapansin sa gagawin niyang kung anuman saken.nakalabas narin sa bulsa ng hawak niyang bag yung matulis na balisong. anumang sandali alam kong pwede niya na itong gamitin Laban saken.tuluyan ng bumagsak ung luhang pinipigilan ko pumatak. ng maramdaman ko may matulis na bagay sa tagiliran ng tyan ko."ahh"daing KO ng mahina.ang saket ng tagiliran ko. medyo diniin pa ng panget na lalaki yung balisong.gusto ko syang pagsasampalin,gusto ko sumigaw para malaman ng mga kasama ko na may nanghoholdap dito sa loob ng sinasakyan naming jeep.