"DISGRASYA"
Pag pasok ko sa bahay "Nay, Tay!" masayang tawag ko kala nanay, kumunot ang noo ko ng walang narinig na sumagot, minsan naman isang tawag kulang sumasagot na sila.
Baka naman may ginagawa lang, kaya naman inulit ko ang pag tawag ko "Nay, Tay!?" Mas nilakasan ko ang sigaw ko, pero wala paring sumagot, baka naman natutulog sila.
Napagod nga pala sila kahapon sa pinasok nilang raket.
Sinilip ko ang kwarto, wala sila doon pumnta ako sa Cr wala din pumunta ako sa kusina wala din.
"Hmm, nasan kaya sila?" Tanong ko sa sarili ko, pero nagulat ako ng may pabiglang bumukas ng pintuan, nakita ko si nanay na umiiyak, mas lalong kumunot ang noo ko.
"N-nay b-bakit ho kaya naiyak!?" Tanong ko at agad syang dinaluhan, hindi sya nag salita at pinunasan lang ang mga luhang pumapatak, "ano hong gagawin nyo sa mga damit ni tatay?!" Nag tatakang tanong ko.
Tinulungan ko nadin syang mag impake ng mga damit ni tatay, "anak nasagasaan ang tatay mo, k-kritikal sya ngayun!" Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko kasabay ng matinding pag buhos ng pag aalala ko para kay tatay, pero imbis na hayaan kolang ang sarili ko na matigilan sa narinig ko ay mabilis na tinulungan ko nalang si nanay na mag impake ng mga gamit ni tatay,
Kailangan kong lakasan ang loob ko alam kong pag dating namin doon maaabutan kong lumalaban si tatay.
Pero ang tapang na yakap yakap ko kanina habang papunta kami ng Hospital ay mabilis na bumagsak ng makita ko si tatay na pinipilit buhayin ng nga Doctor habang naliligo sa sariling dugo.
Mabilis na nag unahan ang pag bagsak ng mga luha ko ng marinig ko ang huling sinabi ng doctor.
"TIME OF DEATH 8:48 PM SEPTEMBER 25 2018!"
•••••
Pakiramdam ko ang bagal ng araw bawat sigundo nahihirapan akong huminga.
Burol na ngayun ni tatay, wala nakong ibang ginawa kundi mag puyat at umiyak, hinang hina narin ang katawan ko dulot ng matinding pagod, nagulat ako ng kalabitin ako ni nanay, "Anak may mga bisita ka sa labas, kausapin mo muna at ipag timpla mo sila ng kape." tumango naman ako at tumungo sa labas para tignan kong sinong mga bisita ang tinutukoy ni nanay,
Nagulat ako ng makita ang DG9 syempre sila lang talaga, yung matapobre nilang kaibigan ay imposibleng pumunta sa gantong lugar.
Lumapit sila sakin, "nakikiramay kami sayo, Mae!" sabi ni Dustin, tumango naman ako.
"Salamat sa pakikiramay nyo, maupo muna kayo dito ogh, ipag titimpla kulang kaya ng kape," sabi ko at sinenyas sa kanila ang upuan.
Nakita kong nag mano sila kay nanay, nginitian naman sila ni nanay at nag usap.
"Pano nyo nalaman na nasagasaan ang tatay ko!?" Tanong ko nag tinginan naman sila,
"Narinig lang namin nung isang araw!"
••••••
Pag tapos ng libing pumasok na agad ako sa trabaho ko.
"Pasensya na kung matagal akong nawala, inasikaso ko kasi ang burol ni tatay!" naka tungong sabi ko.
Nag lakad sya papuntang kusina kaya napa angat ang tingin ko, nag tama ang tingin namin kaya agad akong nag iwas, nakaka ilang talaga syang kasama!.
"Ok!, " Tipid nyang sagot, ngumiti ako sa kanya pero di naman nya sinuklian kaya tumango nalang ulo ako.
Halos mag hapon akong nag linis ng buong bahay nya at nag laba ng mga damit, pinagamit nya narin sakin ang mga washing machine, hays, nakaka pagod.
Ginugutom nako kaya nag lakas loob ako na buksan ang ref, jusq kakapalan kuna ang muka ko, gutom na gutom na talaga ako eh.
O_O!'
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong naka tingin sakin ang pinaka masungit na lalaki sa mundo,
Gosh! Bakit ngayun pang gutom na gutom na talaga ako~, ngumisi ako at mag peace sign.
Inirapan nyalang ako at tumango, Ano ba naman bat ba ang suplado nya talaga, simula nung nag simula akong pumasok na katulong nya egh, di kopa sya nakaka usap ng matino.
Pero, ok narin kasi di nya naman binawi ang kinakain ko.
Kinabukasan may narinig akong nag sisigaw sa labas ng bahay,
"Ano ba naman Lita!, Ang tagal tagal na ng renta nyo dyan sa bahay hanggang ngayun di parin kayo nag huhulog, ang tagal tagal na nung huli kayong nag bayad!, ngayun may nag re renta ng bago at bayad nayun nakaka hiya kaya sa ayaw at sa gusto nyo, aalis kayo sa bahay ko!!"
Rinig kong sigaw ni aling Bety "Teka, naman ho!, Hindi naman ho tama na ipa renta nyo ang bahay ng may naka tira pa, mag babayad naman ho kami, intindihin nyo muna kami sa ngayun, alam nyo naman hong kamamatay lang ni tatay!" Pag mamaka awa ko kay aling Bety,
Umiling naman sya habang naka pamayawang at may hawak na isang resibo."Hindi!, Bakit!?, Nag babayad ba kayo ng maayos!? Hindi naman diba!?,"
"Nag babayad naman ho kami ng maayos ah, kamamatay lang ho ni tatay intindihin nyo muna kami, mag babayad naman kami eh,!" Hindi kona napigilang sigawan sya pabalik.
Umiling parin sya at dinuro duro pako, "sa ayaw at sa gusto nyo, aalis kayo sa bahay ko!?" Sigaw nya at tinalikuran na kami ni nanay, mag sasalita pa sana ako kaso pinigilan lang ako ni nanay.
"Tamana nak, hindi tamang makipag sagutan sa matanda!" Pangaral nya, napa buntong hininga naman ako.
"Hindi lang ho ako makapag pigil Nay, ang sama ng ugali nya hindi nya tayo kayang intindihin!" Mangiyak ngiyak nako sa sobrang galit.
"Wala tayong magagawa anak, hindi natin pwedeng pakielamanan ang desisyon ng ibang tao!" Sabi nya habang hinihimas ang ulo ko.
Tumango naman ako, "Pano nayan Nay!, Ititigil kuna po muna ang pag aaral ko para makapag trabaho at maka renta ng bagong titirahan natin!"
Umiling si nanay at tinignan ako ng masama "Hindi Nak, ipag papatuloy mo ang pag aaral mo dun na muna ako sa mga tita mo sa Bataan, maiiwan ka dito at pa" padalan nalang kita ng kakaylanganin mong pera sa araw araw!" Naka ngiting sabi nya,
Ako naman ang umiling at tinignan sya ng masama "Hindi naho kaylangan nay, mas kaylangan nyong unahin ang kalusugan nyo, matanda na kayo at dina dapat mag trabaho, kaya kona ho ang sarili ko!" naka ngiting sabi ko kay nanay.
"Anak naman, ang edukasyon nalang ang kaya kong ipamana sa iyo na hindi mananakaw ng iba, kaya sana pahalagahan mo naman!" sabi nya habang tinitignan ako ng masama.
Tumango ako at ngumiti "Basta nay, ipangako mo sakin na hindi ka mag papadala ng pera sakin ah." Mukang nahirapan naman sya pero napa tango kodin.
BINABASA MO ANG
I'm In love With my Boss
Teen FictionNag simula ako sa mababang parte ng buhay, nahiwalay sa mga minahal para lang maka bangon sa hirap at umangat patungo sa ginhawa. Kumayod at nag paka pagod, tiniis ang mga mahirap na hamon at pasakit ng buhay at pang mamaliit ng mga mas nakakataas...