Sick
Sobrang saya ko habang nag lalakad ako palapit sa sasakyan namin, ngiting ngiti ako ng tinignan sya na katatapos lang makipag usap, tinititigan ko sya habang naka ngiti.
"Tapos na?" tanong nya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
"Yup!" masaya kong sagot habang tumatango-tango, "Maraming salamat, kung hindi dahil sayo hindi ako makakapag aral" Hindi maipinta ang mga ngiti sa labi ko habang pinag mamasdan sya.
"You're welcome" tipid nyang sagot, "Graduating kana, right? " tanong nya ng medyo tinapunan ako ng tingin.
"Yup" masayang sagot ko ulit. "Ahm, anong gusto mong kainin... "
Naputol sa kawalan ang tanong ko ng tumunog ang cellphone nya, Napa buntong hininga nalang ako at mas pinili nalang na manahimik, Pinag masdan ko ang muka nyang relax na relax ngayon at kalmado.
"Yeah, yeah, Have you eaten? " malambing nyang tanong sa kabilang linya, "Of course" natawa pa sya ng onte "Okay, I'll go with you, then"
Napa buntong hininga nalang ako ng makaramdam ng medyo pagkirot ng dibdib, I never thought na ganyan sya ka kalmado sa isang tao, maybe girlfriend nya or what, pero imposible naman na lalaki yung kausap nya tapos tatanongin nya kung kumain na.
"Alright, just wait me there for a minutes, I love you too" malambing ang bawat tono ng pananalita nya habang nag papaalam, bigla ko tuloy naisip yung sarili ko na ako yung kausap nya na imposible naman talagang mang yare.
Napa buntong hininga nalang ako at naisipang mag tali ng buhok dahil parang ang bigat bigat ng pag hinga ko, hinanap ko ang panali ko sa masikip kong bulsa, Inalis ko ang wallet sa bulsa ko at ipinatong sa harapan ko, Tumataba na pala ako dati kasi medyo maluwag patong pantalon kong to.
Guminhawa ang pakiramdam ko ng maitali kona ang buhok ko, pinag masdan ko ang sarili ko sa salamin na maliit, Sobrang haba na pala ng buhok ko kaya sobrang init, well mahaba na talaga nya noon pa pero mas lalo pa syang humaba ngayon diko narin kasi maalala kung kelan ako huling nag pa gupit.
"Kaya mobang umuwi mag isa?" napatigil ako sa pag titig sa sarili ko ng marinig syang mag salita.
"Yup," tumango ako at napa buntong hininga nalang, sobrang bigat sa pakiramdam nitong nasa puso ko.
Tinitigan nyalang ako at hindi na sumagot na para bang alam na nya na alam kona ang tinutukoy nya.
"Ahm, mukang may pupuntahan ka atang date ngayon ah, ayieeee" hilaw kong ngiti habang sinisimulang hubarin ang seatbelt na naka yakap sakin, "Sige mauuna na akong umuwi, enjoy your date boss" tumawa pako ng hilaw at bumaba na ng kotse.
Ng maka baba na ako ay agad kong sinra ang pinto, at agad na ng iwas na lumingon ulit sa tinted glass na bintana ng kotse nya, nag simula na akong mag lakad palayo.
Tinapunan ko ng tingin ang palayo ng palayo nyang sasakyan, hays bawas pamasahe nanaman to.
Nag papara ako ng sasakyan at kinapa ko ang wallet ko sa bulsa, Malutong akong napamura ng ma realized na naiwan ko sa kotse nya ang wallet ko. Anong gagawin ko ngayooonnn? Mukang mag lalakad ako pauwi ah.
Bumubuntong hininga ako sa pagod ng pag lalakad city dito at wala akong gaanong kakilala wala ring tricycle na pwedeng pakiusapan, Karamihan naman sa mga taxi driver masusungit.
Sumabay pa sa gutom ko ang malakas na buhos ng ulan, "Ayos ! kung hindi ka nga naman nuknukan ng kamalasan Mae!!" Buntong hininga ko sa inis ng pang yayare sa buhay ko, mangiyak-ngiyak akong umupo sa isang upuan na hintayan ng taxi para mag pahinga ng may humintong kotse sa harapan ko.
"Damn! bobo kaba?!" nag echo sa tainga ko ang malakas ng sigaw ng amo kong demonyo mula sa hindi kalayuan. "Bakit naka tanga kalang jan, At hindi kapa umuwi?!" tanong nyapa ulit.
Pagod nako para sa paliwanag at nanlalambot narin, Nang hihina akong nag lakad palapit sa kotse nya at pumasok bago ni relax ang katawan sa malambot na upuan, wala nakong pakeilam kung mabasa to, basta ang mahalaga makapag pahinga ako.
Naramdaman kong hininaan nya ang aircon, Kaya naman nilingon ko sya ng nay ihagis sya saking jacket. "Gagawin ko dito?" tanong ko habang tinititigan sya.
Mabilis syang nag iwas ng tingin at pinaandar nalang ang sasakyan. "Baka mag ka sakit ka, walang mag lilinis ng kotse ko"
Suuss kunwari pa, ayaw pang aminin na concern lang talaga sakin, Well dapat lang, Kung hindi ka nakipag date at dumeretso nalang tayo ng bahay hindi ako mapapagod ng ganito. tsee!!
Sakto namang pag uwi namin saka ako sinumpong ng sakit ng ulo, Simula pag ka bata ko talaga hindi ako hinahayaang maulanan ni tatay at nanay dahil alam nilang mag kakasakit ako, Pero ngayon feeling ko mag isa nalang ako wala nasi tatay na palaging nag papatawa sakin kapag naiyak ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko , Masyado namang malayo sakin si nanay na nag pupunas at nag papalit ng towel sa likoran ko kapag basang basa na ng pawis.
"Anak anong tawag sa anak ng patong naligw ng landas?" naka ngising tanong sakin ni tatay habang naka upo ako at naiiyak sa sobrang sakit ng ulo.
Napa kunot naman ang noo ko dahil kahit ako hindi ko naintindihan yung sinabi nya na alam kong gawa-gawa nyalang rin. "Ano po?" tanong ko habang nag iisip.
"Ano pa?! edi Bibi!" tumawa sya ng sobrang lakas na para bang nakakatawa talaga yung joke nya.
Imbis na matawa ako sa joke nya e mas lalo pakong natawa sa malakas na tawa nya, Mas lalo pakong natawa ng batukan sya ni nanay para sabihin ang corny ng joke nya at wala naman talagang nakakatawa.
"Ano bang klaseng biro yan, eh mas nakakatawa kapang tignan" sabi naman ni nanaya habang pinupunasan yung pawis sa likoran ko,
Kapag kapiling ko sila nanay feeling ko napaka gaan ng buhay ko feeling ko napaka yaman ko, napaka yaman sa pag mamahal bagay na wala yung iba, Napaka yuko nalang ako sa mga ala-alang pumasok sa isipan ko at hindi maiwasang maiyak.
"Kung alam kolang nakipag date nalang sana ako kay Mark" bulong ko, napa ismid nalang ako sa hangin ng mapansin ko sa tabi ko yung diimuunnyyuu kong amo.
" Who's Mark?" Tanong nya, habang sumusunod sa mga hakbang ko paakyat ng hagdan.
"None of your business" sagot ko naman sa kanya with matching irap pa, Epal ka kasi! kung hindi ka nakipag date! edi sana! hindi ko naiwan yung wallet ko at hindi ako bumaba sa kotse mo at mas lalong hindi ako mauulanan! at mag makakasakit!
"Is that how you talk to your boss?, Ayaw mo naman suguro na maging 5k nalang sahod mo" Nang uuyam nyang sabi sa likoran ko na alam kong may maka panindig balahibong ngisi.
"Sabi ko nga po, hindi na kita kakausapin ng ganyan" humarap ako sa kanya at ngumiti ng hilaw, bago umirap at kumaripas ng takbo
sa kwarto ko at mabilisang lock.
Narinig kopa ang mga sunod sunod nyang katok pero hindi ko nalang pinansin at mas piniling mag bihis at ng makapag pahinga
BINABASA MO ANG
I'm In love With my Boss
Teen FictionNag simula ako sa mababang parte ng buhay, nahiwalay sa mga minahal para lang maka bangon sa hirap at umangat patungo sa ginhawa. Kumayod at nag paka pagod, tiniis ang mga mahirap na hamon at pasakit ng buhay at pang mamaliit ng mga mas nakakataas...