come with me
Agad akong nag impake ng damit at naligo.Pag baba ko nadatnan ko syang naka upo s sofa na nag babasa ng libro habang naka bukas ang tv, mabisyo talaga.
Huminto ako at hinarap sya, “Mag re resign nako!” sabi ko habang pinupukol sya ng masasamang tingin.
Tumango naman sya “Go ahead” sabi nya at nag sign na lumabas na habang nasa libro parin ang pansin at hindi ako tinitignan.
“Wahh!” sigaw ko sa kanya at padabog na hinila ang bag na dala dala ko.
“Walang hiya yun, hindi kona matiis ang ugali nya masahol pa sya sa demonyo, pasalamat sya pinag silbihan ko sya egh kahit ganun kasama ang ugali nya!, kahit pa hindi na kinekeri ng beauty ko ang pag papahirap nya!” sabi ko habang sinisipa ang mga batong nadadaanan ko.
Nag lakad nalang ako papuntang terminal, wala na kasi akong pera 500 pesos nalang at hindi ko alam kung aabutin bato pauwi ng Bataan.
Nagulat ako ng may biglang humila ng bag ko “Hoy! walangya ka yung bag ko!” sigaw ko habang hinahabol yung lalaki na tumatakbo palayo.
napa tukod nalang ako sa tuhod ko dahil sa pagod sa paghabol sa lalaking humablot ng bag ko.
Napa upo nalang ako sa isang tabi habang nanlulumong iniisip ang 500 pesos na nasa loob ng bag ko, letche naman pati mga panty’t bra ko nandoon.
Ilang oras din akong tulala sa pwesto ko habang iniisip ang gagawin ko.
Tumayo ako at nag lakad lakad, napa ngisi ako ng makita ang isang pamilyar na kotse na naka parada sa isang parking lot.
Agad akong tumakbo ng makita syang papalapit sa kotse nya, lumapit ako sa kanya.
Ngumiti ako ng hanggang tainga, “Boss, pasensya na sa inasal ko kanina agh pwede ba ulit akong bumalik–”
“No!”
“Boss naman sige na!” pag mamakaawa ko sa kanya, papasok na sana sya sa kotse nya kaya bigla ko syang dinamba at pumasan sa likod nya.
“Shit?” mura nya habang tinatanggal ako sa likod nya, hinigpitan kopa lalu ang pag kakayakap sa balikat nya at iniiwasan syang masakal, “Alis!” madiin nyang sabi habang tinatanggal ang pag kakayakap ko sa kanya.
“Hindi ako aalis hanggang hindi kapa pumapayag na pabalikin ako sa bahay mo!” sigaw ko habang hinihigpitan pa lalu ang pag kapit sa kanya.
Napangiwi ako ng magalaw ko ang kamay kong may sugat kaya automatic na napa bitaw ako sa kanya.
Napa upo ako at naitukod pa ito, kaya lalu pakong namilipit sa sakit.
Tumingin ako sa kanya at sakto namang naka tingin sya sakin, kahit na maluha luha ang mata ko dahil sa sakit ng kamay ko ay nag makaawa parin ako sa kanya. “ Gray!, please!” pag mamakaawa ko.
Tinignan nyalang ako pero nagulat ako ng mabilis syang pumasok sa kotse nya at pinatunog ako.
agad akong tumayo at kinalampag ang bintana nya.
°°°°
Naka tulala lang ako habang naka upo sa isang upuan.
“Anong gagawin ko ala nakong matutuluyan!?” tanong ko sa sarili ko habang inaayos ang buhok ko at inipit ang ilang hibla ng buhok ko na kumawala sa tainga ko.
Napatingin ako sa mga pamilyang sama sama habang nag kakasaya, ang saya nila, buti pa sila kompleto pa, samantalang ako eto nag iisa, walang kasama, hindi alam kung saan ako pupunta, miss na miss kuna si nanay at tatay.
BINABASA MO ANG
I'm In love With my Boss
Teen FictionNag simula ako sa mababang parte ng buhay, nahiwalay sa mga minahal para lang maka bangon sa hirap at umangat patungo sa ginhawa. Kumayod at nag paka pagod, tiniis ang mga mahirap na hamon at pasakit ng buhay at pang mamaliit ng mga mas nakakataas...