CLIENT
Hindi nako mag ka mayaw sa dami ng dala ko at take note ang bibigat nito agh.
Hindi kona alam kung pano kopa mapagsasabay sabay to kaya inipit ko nalang ang cellphone nya sa bibig ko, habang dala dala kopa ang mabibigat na bagay sa mga kamay ko.
‘walangya kang bakulaw ka, mag babayad ka sa pag papahirap mo sa beauty ko!, ROAR!’
Ng maka rating na kami sa pupuntahan namin ay naka hinga naku ng maluwag.
“Hey dude!” napatingin kami sa mga grupo ng lalaki na mga naka pormal din, ngayun kulang napansin na lahat pala ng naandito ay pormal ang soot at ako lang ata ang mukang gusgusin.
“Who’s She?” tanong ng isang lalaki sa kanya habang tinititigan ako ng nakakaloko.
“Maid!” walang gana nyang sabi habang nag titipa sa cellphone nya.
Nagtawanan naman ang grupo ng mga lalaki habang sya wala paring pakielam at nasa cellphone parin ang pansin.
“Wahah, mainam yan, maid na personal assistant pa, Ano? pwede rin bang i kama!?” pabulong nyang tanung sa huli.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi, ng lalaki, agad na umakyat ang dugo sa ulo ko. kasabay ng......
“PAKK”
hindi napigilan ng kamao ko ang pag landing nito sa pisngi ng lalaki, natulala sya sa sakit ng suntok ko habang naka hawak sa pisngi.
Napansin kong nag lakad na palayo si Gray kaya agad din akong tumakbo papalapit sa kanya, Shit ang bilis nyang mag lakad.
Humawak ako sa braso nya ng maabutan ko sya, habang naka tukod naman sa tuhod ko ang isang kamay ko, hingal na hingal ako habang naka yuko.
Bigla nyang binawi ang braso nya, kaya muntikan nakong mangudngod, “Aray!, ano ba? ang arte neto!?” sabi ko habang tinitignan sya ng masama.
Pumasok sya sa isang kwarto, na parang opesina, ‘Ano ba Mae, Office nga, tanga neto’ sabi ko sa isip ko habang sinasapok sapok ang ulo ko,
“What are you doing?” napa igtad ako ng biglang mag salita ang amo kong magaling, sinimangutan ko sya at tinignan ng tamad,
“Ano pa, edi sinasapok ang sarili, tanga din neto egh, nakikita naman na nagtatanong pa!” sabi ko bago umupo sa nasa harap nyang table na maraming laman ng mga papel, habang sya naman ay naka upo sa upuan.
“Mukang matagal kana namang pumapasok dito agh, bakit kaylangan mopa akong isama ngayun–
“Baba!”
“Ano ba paupa lang naman ang damot mo naman–
“Baba!”
“Nyeh nyeh nyeh–
“Baba!!”
“Eto na baba na nga ogh ang damot damot naman neto!” reklamo ko bago tumalon pa baba sa table.
Napangiwi nalang ako ng bigla akong napa bahing, sinisipon kasi ako at masakit din ang ulo ko, napatingin sya sakin kaya nag peace sign nalang ako, napa bahing nanaman ako.
“pwede bang patayin yung aircon–
“Buy me some coffee and dont use elevator baka mag kalat kalang sa mga kliyente ko”
napabuntong hininga nalang ako at lumabas para bumili. Seryoso kahit sa tingin nyang simple lang ang sinabi nya ay nasaktan parin dun si mumunting damdamin ko.
Pero bago pako tuluyang maka labas ng kwarto ay dumungaw muna ako ng pintuan at tinignan sya ng masama, “Stop Staring at me”
Inirapan kulang sya, “Bakulaw!!” sigaw ko bago nag tatakbo pababa ng hagdan.
Banas na banas nakong nag hihintay sa pila, yung iba kasi ay sumisingit sa gitna kaya kawawa yung nasa likod, syempre sino bang kawawa, ‘edi ako!’“A-ahm miss n-nauna ako dito baka naman pwedeng sa likod ko nalang ikaw pumila!” puna ko sa babaeng sumingit sa harapan ko.
Hinarap nyako at tinaasan ng kilay bago tinignan mula ulo hanggang paa, tinaasan kodin sya ng kilay bago tinignan ang sarili ko.
“Bakit insecure kaba sa beauty ko?” naka taas na kilay na sabi ko sa kanya.
Inirapan nyalang ako at humarap ulit sa harapan, alam kong ako lang ang naka jeans at shirt dito, saka ano bang paki nila kung eto yung trip ko, ako nga walang pake sa trip nilang pa dress dress pa egh.
Ng maka bili ako ng kape ay agad akong nag lakad, bago ako tumaas ng hagdan pinag masdan ko muna to,
“Nakaka ngawit naman umakyat sa hagdanan nato, tignan ko palang nahihili nako egh, wait seriously? eto yung tinakbo ko kanina pababa!”
umiiling iling ko sinasabi sa sarili ko bago nag lakad patalikod. Hindi naman nya siguro malalaman kung gagamit ako ng elevator
Nagulat ako ng makitang sasara na ang elevator kaya agad akong nag tatakbo.
Nagulat ako ng may babaeng dumaan sa harapan ko,
“Oww!, my, gosh!;” sigaw nya habang pinag mamasdan nya ang dress nyang natapunan ng kape sa dala dala ko habang ako naman ay naka upo sa sahig at naka tukod ang dalawang kamay para sa balanse.
“Sorry Miss, nag mamadali kasi ako!” pag hingi ko ng sorry habang yumuyuko yuko pa at paulit ulit na nag sosorry.
“Patay, diba yan yung PA ni Mr.Kang!?”
“At bigatin pa talaga ang nadumog nya at natapuanan nya ng kape!”
“Yeah, diba yan yung pinaka mataas ba Client ni Mr.Kang si Ms.Tadie!”
“Im sure dilang sisante ang maaabot ng babaeng yan, oww my! wag naman sana kawawa sya!!”
Napalunok nalang ako sa mga narinig ko bago ibinalik ang tingin sa babaeng nadunggo ko, “Sorry talaga Miss!” pag mamakaawa kupa.
“Sorry!?,” nagulat ako ng bigla nyang hilahin ang buhok ko papalapit sa kanya, napapikit ako sa kirot ng ulo ko na sinabayan pa ng kirot ng anet ko dahil sa pag sabunot nya "Sorry?!, Do you think your sorry can pay my dress na mas mahal pa sa walang kwenta mong buhay!?” sigaw nya, dahilan para mas lalong mapapikit ako.
Para akong aswang sa itsura ng buhok ko dahil sa pag sabunot ng bruhang babae nayun kanina.
Pag akyat ko sa taas, nakita ko ang demonyo kong amo na nag papaikot ikot sa upuan na parang nababagot, habang pinaglalaruan ang hawak nyang ball pen.
“Where’s my coffee?” tanong nya habang mataimtim na naka tingin sakin,
Tinaasan ko naman sya ng kilay at nag kibit balikat,“Wala, walang mabilan ng kape, sarado, natagusan daw yung nag titinda!!” pag sisinungaling ko habang, umiinom ng tubig, para maiwasan ang panunuyo ng lalamunan ko.
Nilalagnat nga ata ako, nakita kong pulang pula narin ang ilong ko dahil sa sipon.
Umupo ako sa maliit na upuan at isinandal ang ulo ko.
“What happened!?” tanong nya. habang naka tingin sakin.
Inirapan kolang sya at tinignan sya ng masama. “Sumabit yung buhok ko sa ulap!” in sarkastiko kong sabi, tumango naman sya at nag kibit balikat.
BINABASA MO ANG
I'm In love With my Boss
Teen FictionNag simula ako sa mababang parte ng buhay, nahiwalay sa mga minahal para lang maka bangon sa hirap at umangat patungo sa ginhawa. Kumayod at nag paka pagod, tiniis ang mga mahirap na hamon at pasakit ng buhay at pang mamaliit ng mga mas nakakataas...