Hey hey hey!!!
So ayun na nga po naganahan na naman akong mag update.Enjoy!!!
Maxine's POV
It's Monday and nagmamadali akong naglalakad papuntang classroom namin. Malapit na akong ma late. Pano ba naman kasi, sobrang traffic.
Pag pasok ko, nagsitinginan sakin ang mga kaklase ko pati narin ang French teacher namin na si Mrs. San-san.
"Yoi cann tak yoi sitt now." Sabi nya sakin. Hindi ko alam kung French ba iyon o Bisaya.
Anyways, umupo ako sa upuan ko at nagsimula nang makinig sa teacher namin.
Matapos naming kumopya ng notes ay nag-ring na ang bell. Nag-ayos ako ng gamit at sumabay kay Zach papuntang Canteen.
"Tulungan na kita." Sabi niya at kinuha mula sa kamay ko ang librong kong hawak.
"Thanks." Sinabi ko. "2 points."
Ngumiti si Zach at nagdere-deretso kami patungong Canteen.
Laking gulat ko ng biglang may nagtatakbo papunta sa gilid namin. Si Lincoln pala yon.
"Gum?" Sabi niya sakin at inalok ako ng Double Mint.
"Hehe thanks." Sinabi ko at tinanggap ang bubble gum. "2 points."
Nag hanap na kami ng lamesa at umorder narin kami ng sari-sarili naming pagkain.
Ang inorder ko ay Burger, Lasagna, at kumuha na rin ako ng C2. Hehe patay gutom mode na naman.
Habang si Zach naman ay Pasta at Flavored Water lang ang inorder.
"Grabe, diet?" Tawa ko sa kanya.
"Oo eh, sayang gym kung di naman nag da-diet." Sagot nya at nagsimulang i-flex ang kanyang braso.
"That's too much carbo, wala ring pakinabang ang gym mo kung di naman proper ang diet mo." Pang-asar ni Lincoln. "Watch and learn." Sabi nya at nagsimulang kainin ang chopsuey niya.
Nagpatuloy pa ang pag aasaran ng dalwa habang ako kain/tawa/oh burn lang.
"Hay nako, masyado kayong pa healthy fitness achuchu, nakakamatay kaya ang gutom." Sabi ko sa kanila at nagpatuloy sa pag kain.
Nagtawanan lang kami hanggang napansin ko na hindi namin kasama si Oscar ngayon.
"San si Oscar?" Tanong ko kay Zach, "Ba't di kayo magkasama?"
"Ahh, may iniintindi." Sagot niya na tila may tinatago.
"Okay."
Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang biglang pumasok sa canteen si Madame M, may kasunod siyang babae sa likod. May mahabang buhok, matangos na ilong at mala pusang mga mata.
"Ashet-" sambit ni Lincoln at nag tago sa likod ko. "Itago niyo ako." Bulong niya.
Nagderederetso si Madame M kasunod yung babae, matapos nilang kumuha ng pagkain ay lumabas din sila ng canteen.
"Hala sino yon?" Tanong ko kay Lincoln.
"Si Autumn, kaklase ko siya dati. Childhood bestfriends kami." Utas nya.
"O eh bakit mo tinataguan? Besties naman pala kayo." Tanong ni Oscar habang tinatapos ang kanyang pagkain.
"Long story short, may gusto siya saakin. Pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Nang lumipad ako patungong States ay hindi na kami muling nagkita pa, sabi sakin nung iba pa naming kaibigan, galit na galit daw non si Autumn at hanggang ngayon ay hina-hunting pa niya ako. Pamangkin siya ni Madame M." Paliwanag niya samin.
BINABASA MO ANG
I've Got Your Back
Ficção AdolescenteThe Boy of your dreams is waiting to be read about~