PROLOGUE

1.7K 23 0
                                    

"Sana masaya ka sa ginawa mo sakin, Ricci. Dahil simula ngayon papakawalan na kita. And this time, i won't look back at you again."

Third Person's POV

Nagpapractice ang green archers sa loob ng gym court. Dahil nalalapit na ang UAAP Season 78 kaya puspusan ang kanilang paghahanda.

"Bilisan niyo pa ang pagtakbo guys!"
"Brent! Aljun! Talon pa ng mas mataas!"
"Ang bagal mo naman Andrei, kilos naman!"
"Jeron! Thomas! Bilisan niyo pa!"

Sigaw ng coach at ilang mga staffs nila sa mga green archers. Kailangan nilang mag double time o baka pa nga triple time dahil malapit na ang opening season.

Prrtttt!

"Okay team! Thirty minutes break!"

Nagsipagtakbuhan naman ang mga green archers sa mga bleachers at sa kanya kanya nilang mga gamit.

Sina Brent, Prince at Ricci ay sabay na pumunta sa kanilang mga gamit dahil magkakatabi lamang ang mga yun.

Umiinom si Ricci ng kanyang tubig ng sikuhin siya ng malakas ni Brent.

"Ano ba naman yan, Brent! Dahan dahan lang naman sa pagsiko. Ayan tuloy natapon ang tubig ko."

Hindi naman pinansin ni Brent ang sinabi ni Ricci sa kanya at naka tanga lang na nakatingin sa kaibigan at sa cellphone niyang hawak hawak niya.

"Anong problema mo, pare? Para kang nakakita ng multo?" - Prince
"Bro! Tignan mo itong post na ito sa Twitter!" - Brent

Naibuga naman ni Prince ang kanya iniinom na tubig ng makita niya ang pinapakita ni Brent.

"Anak ka ng tinapa! Ricci anong ibig sabihin nito?!" - Prince

Hindi naman maintindihan ni Ricci ang sinabi ng kapatid at nagdecide na tignan nalang ang hawak ni Brent na cellphone.

Nanlaki ang mata ni Ricci sa nakita niya na naka post sa Twitter. Sa sobrang gulat nabitawan niya ang cellphone ni Brent.

"Bakit naka post yun?"

Tinignan naman nina Brent at Prince si Ricci. Napansin naman ni Brent na pinagtitinginan sila ng mga teammates nila. Mukhang alam na nila ang nasa Twitter ngayon.

Tumakbo naman sina Andrei, Kib at Aljun kung nasaan sina Prince.

"Cci, nakita mo na ba ang nasa twitter?" - Kib
"Oo nakita ko na. Hindi ko alam kung paano napost yun bigla." - Ricci
"Trending ka na sa twitter, Cci. Marami na ring comments." - Andrei
"Anong gagawin mo nito, pare? For sure pagkakaguluhan ka na naman niyan." - Aljun

Hindi malaman ni Ricci kung ano ang gagawin niya dahil hindi ang naka post sa twitter ang iniisip niya kundi isang babae ang inaalala niya.

"Ricci Rivero!"

Napatingin naman silang lahat sa taong sumigaw sa gym court. Isang galit na Thomas Torres ang papalapit sa kanila na kasama si Jeron Teng. Mukhang alam na din nitong mga ito ang naka post sa twitter.

"Anong ibig sabihin nito, Ricci?! Mag explain ka sakin ngayon hanggat nakakapagpigil pa ako!" - Thomas
"Thomas, kalmahan mo lang. Mamaya matakot sayo yung bata." - Jeron
"Kalmahan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jeron? Paano ako kakalma kung may makikita akong ganito!"

Wala namang umiimik sa kanilang lahat dahil takot sila kapag galit ang isa sa mga señiors nila sa team.

"Ano?! Wala ka bang sasabihin diyan, Ricci?!" - Thomas

Wala namang imik si Ricci at nakatungo lang ang ulo. Hindi niya alam ang sasabihin dahil hindi niya rin alam kung paano ieexplain ang naka post sa twitter.

"Wala ka man lang sasabihin, Ricci?! Ano hindi mo idedeny na hindi totoo yung nasa picture?! Magsalita ka Ricci!"

Hindi na napigilan ni Thomas ang galit niya at hinila na ang jersey na damit ni Ricci at hinila patayo at walang sabi sabing sinuntok si Ricci sa mukha.

"Hoy! Tama na yan!" - Prince
"Thomas! Tama na yan!" - Jeron
"Pigilan niyo guys! - Andrei

Patuloy parin sa pagsuntok si Thomas kay Ricci natigil lang siya dahil nilayo siya nila Jeron kay Ricci. Tumakbo naman palapit sa kanila ang coach nila at ibang coaching staff.

"Anong nangyayari dito?" - Coach

Wala namang nagsasalita sa kanila. Hanggang sa pinakita ng isang coaching staff ang isang cellphone. Nagulat naman ang coach nila sa nakita.

"Hindi kita tatanungin ngayon, Ricci. Thomas, kumalma ka dahil for sure may explanation si Ricci tungkol diyan. Huwag mo pairalin ang galit mo. Ilayo niyo na muna silang dalawa sa isat isa. Dalhin niyo si Ricci sa infirmary." - Coach

Si Prince at Brent naman ang nagbuhat kay Ricci palabas ng gym court. Pero napahinto silang tatlo ng makita ang isang babae sa labas ng gym court.

Thalia Torres

Nakatingin lang ang babae kay Ricci at ganun din si Ricci. Walang nag iimikan sa kanilang dalawa.

"Pasensiya ka na, Thalia. Pero kailangan naming dalhin si Ricci sa infirmary." - Prince

"Sandali lang Kuya Prince. May itatanong lang ako kay Ricci."

Tinignan ulit ng babae si Ricci. Kahit hindi nagsasalita si Ricci gusto niya mag explain sa babae at sabihing mali ang mga naka post sa twitter.

"Totoo ba talaga ang nasa twitter? Totoo bang ganun ang tingin mo sakin?"

Kumalas si Ricci kela Prince at Brent at lumapit sa babae. Tinignan niya muna ito bago nag smirk.

"Alin ba diyan ang hindi mo maintindihan? Malinaw naman ang nakasulat sa post diba? Kailangan ko pa bang mag explain malinaw naman na ------"

Sinampal ng malakas ng babae si Ricci. Sa sobrang lakas dumugo ang dulo ng labi nito.

"Wala kang kaparatan na sabihin sakin ang mga yun, Ricci. Dahil una sa lahat hindi ako ganung tao, pangalawa hindi ko yun ginagawa sayo at pangatlo may pinag aralan akong tao! Kaya wala kang karapatang i judge ako ng ganun!"

Hindi naman umimik si Ricci at nakatingin lang sa kung saan.

Tumango tango naman ang babae. Saka lumapit kay Ricci.

"Ganyan naman pala ang gusto mo, Ricci. Sige pagbibigyan kita sa gusto mo. Sana masaya ka sa ginawa mo sakin, Ricci. Dahil simula ngayon papakawalan na kita. And this time, i won't look back at you again."

Pagkatapos nun ay tumakbo na ang babae palayo kela Ricci.

"Anong ginawa mo, Cci?" - Brent
"Bakit ganun ang sinabi mo sa kanya Ricci?" - Prince

"Hindi ko rin alam bakit ganun ang nasabi ko sa kanya."

HIS Fangirl || Ricci Rivero Fanfiction || Book 1 Of HIS Series || MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now