Ball #12 - Holding Hands

629 8 0
                                    

Ricci's POV

Malapit na kami sa DLSU ni Thalia. Kanina pa siya tahimik at hindi ako pinapansin. So unusual para sa isang fangirl na katulad niya.

May problema kaya ito?

Baka ayaw akong ka partner nito at si Brent ang gusto?

Medyo uminit naman ang ulo ko sa naisip.

Hindi pwede! Ako lang dapat ang ka partner niya! Ako lang!

Possessive lang Koya Ricci?

Che! Chupi!

Sakto namang nag red lights kaya naman tinignan ko siya. Napaka ganda niya talaga at mas lalo pa siyang gumanda ngayon dahil naka ayos siya.

Kinurot ko naman ang pisngi niya para makuha ang atensyon niya at nagtagumpay naman ako.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, fangirl? Care to share it with me?"

Tinignan naman ako ni Thalia saka ngumiti.

And God forbid me for i want to kiss those lips.

Huwag kang ganyan fangirl! Natetempt ako sayong halikan ka!

"Hindi naman malalim ang iniisip ko. Iniisip ko lang na isang fangirl moment ang mangyayari sakin ngayon."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig sabihin nito?

"Fangirl moment. Maisasayaw ako ng one and only Ricci Rivero."

So yun pala ang iniisip niya. Hmmm

Thalia's POV

Sinabi ko kay Ricci ang iniisip ko ngayon kasi yun naman talaga ang iniisip ko.

Isang fangirl moment ang mangyayari sakin ngayon! Aakalain mong maisasayaw ako ng isang Ricci Rivero!

Anyone in my place would die kapag nangyari sa kanila ang mangyayari sakin ngayon!

Napaka swerte ko nga naman na bilang fangirl ni Ricci it is an honor na maisayaw niya ngayon kahit na cheerdance lang ito.

"Ano namang special kung isasayaw kita? It's just a dance, fangirl."

"It is more than just a dance, Ricci. Kasi syempre isa ako sa mga fangirl mo este correction ako ang number one fan mo kaya malaking karangalan ang maisayaw ng isang Ricci Rivero."

Nakita ko naman parang ngumigiti si Ricci. Kahit din naman siguro ako na ksang idol kikiligin kapag nakarinig ng ganun sa isang fangirl niya.

"Ganun ba yun? Edi sige i moment natin ang dance na ito kahit na cheerdance lang ang mangyayari para naman may mailagay ka nanaman sa diary mo."

Oo nga pala since medyo close na kami ni Ricci alam niya na may diary ako kung saan sinusulat ko lahat ng fangirl moments na nangyayari saming dalawa.

"We're here."

Nakarating na pala kami sa DLSU ng hindi ko namamalayan. Masyado akong occupied kay Ricci.

Nang naka park si Ricci tinanggal ko naman ang seatbelt ko at bubuksan na sana ang pintuan ng pigilan niya ako.

"Wait. Huwag ka lalabas ako ang dapat gagawa niyan."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya naman ng makalabas ito at umikot sa pintuan ko nagulat ako sa ginawa niya.

Inilahad niya ang kamay niya sakin at ngumiti nanaman po siya mga madlang people!

Marupok ako Ricci!

"Huwag mo sabihing ayaw mong hawakan ang kamay ng isang Ricci Rivero?"

Natauhan naman ako sa sinabi niya at inilagay ang kamay ko sa kamay niya. Inalalayan niya din ako ng makalabas ako sa sasakyan niya.

"Let's go. Mukhang tayo nalang ang hinihintay sa loob." - Ricci

Dear Diary,

Isang fangirl moment nanaman ang natupad sakin! Nahawakan ko lang naman ang kamay ng isang Ricci Rivero! Hawak hawak niya ang kamay ko habang papasok kami sa loob ng DLSU. Tinitignan na nga kami ng mga estudyante eh pero keri lang dahil mamatay sila sa inggit. Basta ako hawak ko lang ang kamay ni Ricci masayang masaya na ako!

HIS Fangirl || Ricci Rivero Fanfiction || Book 1 Of HIS Series || MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now