"Gusto ka namin para kay Ricci, hija. Hindi na kami nagulat ng magkabalikan kayong dalawa."
Thalia's POV
Kanina pa ako palakad lakad dito sa condo unit ko dahil hindi ako makapali. Paano ba naman kasi si Ricci tinext ako na susunduin niya ako at pupunta kami sa bahay nila sa Pasig.
Mag lilimang buwan na akong nililigawan ni Ricci at masasabi kong maswerte ako sa kanya dahil hindi siya nagmamadali sakin kapag tinatanong siya kung ano na ang label naming dalawa ang lagi niyang sinasabi "Future Girlfriend" niya daw ako. Para bang alam niya any minute mapapasagot na niya ako.
Dingdong!
Ulam na may kanin at sabaw!
Ayan na siya! Dios mio nakaka kaba naman ito parang UAAP Finals.
Pinagbuksan ko naman ng pintuan si Ricci and as usual napaka gwapo po ng koya Ricci niyo. Kahit na naka plain white t shirt lang siya at maong plus adidas na puti with matching shades pa. Saan ka pa diba?
"Gwapo natin ah saan lakad natin?"
Ngumiti naman siya sakin at pumasok siya sa loob.
"Nagtanong ka pa eh alam mo naman na. Saan ang lakad? Sa bahay namin itatanan na kita, tapos aanakan."
"Siraulo!"Huwag mo kong bibiruin ng ganyan Cci. Marupok ako!
"Kanina pa tayo hinihintay nila Mama. Naghanda sila para sa pagdating natin."
"What? Ano bang sinabi mo at parang napaka espesyal naman yata."
"Ang sabi ko lang naman dadating ang magiging daughter in law nila eh. Tapos sabi ni Mama bilisan na daw natin para makarami tayo."Napa palm face naman ako dahil sa sinabi ni Ricci. Kahit kailan talaga hindi marunong magreply ng matino.
"Bahala ka diyan sa buhay mo! Hindi na ako sasama."
Wushu. Patampo effect ate mo Thalia.
"Haha! Syempre joke lang, Lia. Ikaw naman napaka pikon mo pero seryoso kanina pa tayo hinihintay nila Mommy. Pati ng mga kapatid ko."
Huminga naman ako ng malalim dahil totohanan na yata itong pag alis at pagsama ko sa kanya.
"Ano ready ka na?" Tanong ni Ricci
"Oo ready na ako. Wait! Tetext ko lang sila Mommy----"
"Napaalam na kita sa kanila bonus pa sila Kuya Axel and Kuya Thomas."I secretly smiled from what he said. So inunahan na pala ako magpaalam?
"Ano? Let's go?"
Hinawakan ko naman ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng condo unit ko.
GRABE ang traffic dito sa EDSA. Bibigyan ko na talaga ng most promising road ang EDSA minsan kasi mabilis minsan naman mabagal eh.
Huminga naman ako ulit ng malalim. Medyo kinakabahan kasi ako first time ko makikilala ang buong family ni Ricci. Kahit na kasi noong fangirl palang niya ako never kong nakita ng malapitan ang family niya si Kuya Prince and Kuya Rasheed lang ang pinaka nakilala ko sa kanila.
Mukha namang napansin ni Ricci na may inaalala ako dahil hinawakan niya ang kamay ko.
"Don't get nervous. They will like you i promise you that."
"Thank you for that pero hindi mo maiaalis sakin ang kabahan."
"Now you know what i felt back then in your house when i talked to Tita Toni and Tito Trevor."
"Oo na alam ko na. Kidding aside, Cci. Ano ba ang mga dapat kong gawin? Baka mamaya kasi simpleng----"
"Just be yourself, Lia. They will like you just the way you are."I smiled from what he said. Just be myself. Okay! Kayang kaya!
After almost two and a half hours na biyahe from Taft nakarating narin kami sa Pasig. Pumasok kami ni Ricci sa isang exclusive na Subdivision tapos huminto kami sa isang malaking bahay.
YOU ARE READING
HIS Fangirl || Ricci Rivero Fanfiction || Book 1 Of HIS Series || MAJOR EDITING
Fanfic"I'm leaving, Mr Rivero. Masaya ka na ba? Masaya ka ba na nasaktan mo na ako ngayon? Masaya ka ba na wasak na wasak na ako ngayon? Masaya ka ba na iiwan na kita ngayon? Kung masaya ka na sige iiwanan na talaga kita kasi ganoon naman talaga diba? Fan...