Chapter 6 "Kailangan kong makapasok sa buhay nila"

77 1 0
                                    

Dara's POV

Gabi na nang umuwi ako sa mansion KO ng nakangiti. Yes mansion KO. Nabasa ko kasi sa will ni daddy na akin ang mansion na to at iba pang properties. Dahil hindi naman nabawasan ang kagandahan ko kaya taas noo parin ako naglakad papasok na aking mansion.

Pinagbuksan ako ng isa naming guard dahil nakakahiya naman kung ako pa ang magbukas sa napalalaki naming main door. Diba?

Pagpasok ko. Pinagtitinginan ako ng mga hampaslupa kong muchacha at agad naman nila akong binati. "Good evening Miss." Oh diba? Lakas maka-mayaman.

Nung malaman kong akin pala ang mansion na to hindi ako nagdalawang isip na umuwi agad dahil baka pati mga kayamanan ko angkinin na lahat ng bruha kong kapatid. Aba hindi na ako papayag niyan.

Simula nung umuwi ako ni-kausapin at pansinin si ate ay hindi kona pinag-aksayahan pang gawin buti na lang at wala si mommy. Nalaman kong pumunta siya sa France para asikasuhin ang iba naming business dun at hindi ko alam kung kelan ang balik niya meaning walang kakampi si Dara. Mas mapapabilis ang pagsira ko sa kanya.

*insert evil smile here*

Paakyat na sana ako sa maganda kong kwarto pero natigilan ako ng makita ko ang isang bruhang nakapose pa na akala mo ay may pictorial habang malanding nakikipagharutan este nakikipagkwentuhan kay SIMOUN?

Anung ginagawa ng lalaking yan sa napakaganda kong mansion? Aber?

Ahh. Oo nga pala. Dinedate nga pala nito ang bruha kong ate. Well.Well.Well. Okay yan. Mas madali kong mauumpisahan ang aking plano. Sige ate namnamin mo muna ang kasiyahang yan dahil malapit ka ng bumalik sa malungkot mong buhay.

Napatigil naman sila sandali ng mapansin nila ang aking presensiya. Kita ang pagkagulat sa mukha ni Simoun. Siguro'y nabighani sa taglay kong kagandahan. Choss Mali pala dahil agad naman itong napalitan ng smirk. Tsk. Pervert talaga. Inirapan lang ako ng bruha kong ate.

Hindi ko na lang sila pinansin at umakyat na ako sa aking kwarto.

Pass 9 na ng maisipan kong bumaba at kumaen.

Pagdating ko sa kusina nadatnan ko dun si Craig habang nagbubukas ng fridge. Andito parin kasi sila dahil hindi pa tapos ang kanilang bahay. Si tita Cindy naman ay kasama ni mommy sa France kaya kami nila ate, Craig at yung mas batang kapatid ni Craig nasi Carlo lang ang naiwan dito sa mansion ko.

"Kakauwi mo lang?" tanong ko. Obvious naman dahil nakabag pa siya pero hindi rin naman masama maging tanga minsan.

"Oh hey" he smiled. Ang gwapo talaga nito."I just finished some stuff, that's why." he added

Tumango-tango naman ako. Hindi na ako feeling uneasy kapag kasama ko siya dahil nasanay na rin naman ako at so far okay naman siya kasama. Bukod kay Naya siya lang yung nakakausap ko dito ng matino.

"Let me guest, you haven't dinner yet" he asked me. Tae! bat kasi lumaki to sa Australia. Nauubusan tuloy ako ng english. Tumango na lang din ako, Haha langya tango lang ba alam kong isagot? "Good. What do you want to eat, i'll prepare for you"Geez, wag kang ganyan Craig, baka imbes na pagkain ang gustuhin ko, ikaw na lang. Haha joke ulit.

"No need. Naya will prepare for me."at tinawag ko naman si Naya para ihanda kami ng makakain. "Hey, come join me." alok ko sakanya. Pa-simpleng move din pag may time. hihi

Tumabi naman sa akin si Craig habang hinihintay namin ang aming pagkain. "Im starving" he cucheled. Haha ang cute niya. Hindi ba to kumaen buong araw.

Dumating na rin ang aming pagkain. At tulad niya, gutom na rin ako kaya matutuwa nanaman ang tummy ko dahil mabubusog nanaman siya. Yahoo. Party on my mouth.

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon