Chapter 21 "Magbabayad sila"

47 2 0
                                    

Dara's POV

From:  Don Gusting the forever Kupal

Yung Lunch ko, isunod mo sa Garden.

Arghh. Hindi ko pa naisusubo yung isang kutsara ng baked maccaroni, nagtext na naman tong Kupal na to. Alam na alam niya talaga kung kailan niya ako ta-timingan e no? Bwisit sa buhay.

Agad kong niligpit yung kinakain ko, buti na lang nakalagay siya sa styro kaya pwede ko siyang itake-out. Hihi "Besie, saan ka pupunta?" tanong saken ni Yca

Lunch break kasi namin, at andito kami ngayon sa cafeteria but unfortunately yung bwisit na kupal na istorbo sa buhay ko e bwinibwisit na naman ako. "Sa garden na ako kakaen. Maingay dito e" pagsisinungaling ko at agad tumungo sa counter para mag-order ng pagkaen ni kupal saka ako tumungo sa garden.

**

"O, ayan na po yung lunch niyo Don Gusting" sabi ko sabay lapag ng inorder kong foods sa gilid niya

He just glared at me "Ano tawag mo saken?" he asked

"Don Gusting" maikli kong sagot

"Kelan pa naging Gusting ang pangalan ko"

"Came from your second name. Kaya lang masiyadong maarte kaya imbes na Austine e Gusting na lang. Bagay sayo. Impernes" maloko kong sabi habang inilalabas yung pagkaen ko.

"Stop calling me that name. Ang gwapo ng pangalan ko pinapapangit mo Aleng Betchang"

Napahinto ako sa pagsubo dahil sa sinabi niya. "Excuse me? You called me what?" hindi ko makapaniwalang tanong

"Masiyadong maganda kasi yang pangalan mo, hindi bagay sayo kaya betchang na lang tawag ko sayo tutal panget ka naman."

"Ang kapal mo naman Mang Gusting. Di hamak naman na mas panget ka kesa saken no!"

"I said, don't call me that name"

"Huwag mo rin akong tatawagin ng mabantot na pangalan"

"Sino ba ang slave ko dito?"

Sandali akong natigilan.

"Tsk! Oo na bwisit" pagsuko ko sa pagtatalo namin. Kainis. Kailangan talagang ipaalala lage.

Grrrr. Kung hindi lang talaga sa kagustuhan kong maidelete yung picture ko sakanya hindi ko to gagawin. Kainis. Naalala ko na naman yung nangyare kahapon.

*FLASHBACK*

"Then be my slave" he said smirking

"Whoaa. Asa ka uy!"

"Okay. Madali naman akong kausap e." he said habang pinipindot ang kanyang iphone "Ano kayang mangyayare kapag kumalat na ang malaswa at nakakasuka mong picture" he added

Ughh. Why God? Wala naman po akong balat sa pwet pero bakit lage na lang akong minamalas.

"Grabe Kups ha? Ganyan mo ba itrato ang kapatid ng pinakamamahal mong girlfriend?" pa-cute kong sabi

"At kelan mo pa itinuring na kapatid ang ate mo?"

Haays. Kelan ba ako mananalo sa Kupal na to?

"Fine" pagsuko ko

"Bibigay rin pala ang dami pang arte" he said habang busy sa paghahalungkat sa drawer ng side table.

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon