Chapter 24 "You're so damn hot"

48 2 0
                                    


Dara's POV

Pasado alas otso na ng makarating ako sa bar kung saan ako hinihintay ni Ash. Siya na ang pinapili ko ng lugar dahil siya naman itong mahilig sa night life eh.

Pagpasok ko sa loob ng bar kita ko na agad si Ash na sumasayaw sa dance floor habang may hawak-hawak na isang bote ng alak.

Nak ng.. Mali atang siya ang inaya ko ah dahil baka gawin pa ako netong tagapag-alaga niya. Tsaka bakit dito naman niya napiling uminom. Sobrang wild ng mga tao dito. Kaliwa't kanan ang mga naghahalikan. Jusko, hindi man lang nilugar ng mga to at dito talaga.

Umupo ako sa isang stool sa bar counter habang pinagmamasdan si Ash. So far wala pa naman akong nakikitang lalaking nambabastos sa kanya kaya hahayaan ko muna siyang ganyan.

"One glass of Margarita please" sabi ko sa bartender

"Right away maam" sabi naman nito saka nagpakitang gilas sapagfe-flairtending. Aba. Talented si kuya ha? Infairness.

Agad kong ininom ang isang shot saka ulit nilingon si Ash. Napanatag naman ako ng maayos pa siyang nakikipag-usap sa isang lalaki habang sumasayaw. Para kasi silang magkakilala kung titignan at panay ang tawa nilang dalawa.

Naka-tatlong shot na ako pero nasa dance floor parin si Ash. Ano ba tong babaeng to. Adik ba sa sayaw? Hindi ba to napapagod? Tss.

Iinumin ko na sana ang isa pang-glass ng margarita ng makita kong pagewang-gewang na si Ash sa pagsayaw at hindi na rin tumutugma ang sayaw niya sa beat ng tugtog. Senglot na to panigurado kaya naman minabuti ko ng lapitan to.

"Excuse me. Excuse me" sabi ko sa kumpulan ng mga babaeng nagsasayawan. Sinamaan naman nila ako ng tingin kaya tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Ash, tama na yan. Halika na"sabi ko sakanya sabay higit ng braso niya

"U-uy be-esh, you're here na pala. Tara, join me. Let's parteey parteey" sabi nito saken

"Mamaya na. Hilo kana eh, tara upo muna tayo" sabi ko at tuluyan ng hinigit papunta sa isang vacant sit

"Anong oras ka ba andito at mukhang marami ka ng nainom?"

"Besh im not that lasing na no? You're right im nahihilo nga but i can still manage myself. Im a litte bit tipsy but that's my purpose naman why im here eh. To get drunk. WAITER" sigaw nito sa nakatayong waiter

Pinabayaan ko nalang siya dahil alam ko namang hindi ito papaawat hanggat hindi tuluyang bumabagsak ang katawan.

"BEEESH, LET'S GO UPSTAIR. MASIYADONG MAINGAY DITO" pag-aya saken ni Ash

Pumunta naman kami sa taas at tama nga siya, mas maingay sa baba kesa rito. Kaya maayos pa kaming makakapag-usap unlike sa baba na kailangang makipag sigawan para magkaintindihan. May ilan-ilan ring tao ito sa taas.

"Why is life so unfair besh. You can't be with the man you love. I love him pero he can't love me back." seryoso niyang sabi saka inikot-ikot ang bote ng alak na hawak niya.

Sabi na eh, si Drake pinoproblema nito. "I am that super ugly ba para iwasan niya, para tanggihan. I told him, i am willing to wait until he can love me back but he said na may gusto na siyang iba that's why he wants me to stop him na sa pagsunod at pagpapapansin sa kanya" tahimik lang akong nakikinig habang si Ash ay umiiyak na. Alam kong matagal na niyang gusto si Drake at akala namin matatanggap rin niya or magsasawa rin siya sa paghahabol kay Drake pero hindi pala. Kaya ngayon sobra na siyang nasasaktan.

"I told him din na im willing to be his second. Kabit kumbaga. Na if his girlfriend wasn't around i can replace her muna. I can do that, basta hwag niya lang akong palayuin sakanya but you know what he said? He said na mas gugustuhin raw niya to be alone rather than to be with me. " at tuluyan na ngang humagulgol si Ash. Hindi ko rin masisisi si Drake kung sabihin man niya yun dahil kahit ako yung lalaki ayokong gawin nun ng isang babae para saken.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon