Chapter 10 "Wrong Number"

43 2 0
                                    

Dana's POV

Haaay panibagong araw para sa panibagong kamalasan na naman dahil 7:15 na ako nagising e 7:00 ang pasok ko. Naku naman Dara. Kamusta naman ang Grades pag laging ganito. Hindi porke't hindi ka grade conscious e aaraw-arawin mo ng hindi pumasok ha? Tandaan mo graduating ka na. Pwera na lang kung gusto mo pang mag extend ng isang taon.

Hayan pati utak ko. Nanenermon na. Naku naman.

Buti na lang talaga at pinaglihi ako kay Flash dahil 7:35 na ng matapos akong mag-ayos. 10 minutes na pagligo. 5 minutes na pagbibihis at 5 minutes ulit na pagaayos. Ayokong mabawasan ang kagandanda ko kaya dapat laging i-maintain.

Dali-dali akong bumaba dahil may 15 minutes pa ako para kumaen. Hihi. Ganyan talaga. Mas malaki ang oras na igugugol ko sa pagkain kesa pag-aayos. Wala e, ganyan pag maganda. Haha walang connect. Sare!

Pagkatapos kong kumaen, nagpahatid na ako agad sa driver ko sa SA dahil may 10 minutes pa ako para sa susunod kong klase.

**

Simoun's POV

Maaga akong pumasok sa pag-aakalang maaga rin siyang papasok. Gusto ko lang sanang mag-sorry. Kahit naman bwisit ako lagi sa babaeng yun e may kabaitan din naman akong taglay lalo pa't gwapo ako. Tsaka isa pa alam ko rin namang ako yung nagkamali.

Ilang beses ko siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Maghapon akong hindi makapagconcentrate dahil sa guilt ko. Pati sila Drake at Bry iniwan ako kahapon dahil sa pagiging absent minded ko. Anu bang nangyayare saken. Bumabalik na naman ako sa pagiging balisa.

Nag-umpisa na ang klase pero wala parin siya. Ganun ba siya kaapektado sa mga sinabi ko.

"Rhaine, nasaan na ba si Dara. Itext mo nga" rinig kong pag-uusap ng mga kaibigan ni Flat

"Hindi siya sumasagot sa mga call at text ko mula pa kahapon. Nag-aalala na nga ako e." sagot nung Rhaine ba yun

"Ano naman kayang problema niya. Kahapon hindi natin siya napuntahan kasi nahuli tayong nagcutting. Pagdating ko naman sa SC. Wala siya sa unit natin" nag-aalalang sabi ni Yca. Gf ni Bry

Napalingon naman saken yung dalawa "What?" i asked

"Kayo ang magkasama kahapon ni Dara right? Ano na naman bang ginawa mo?" halata ang inis sa boses ni Rhaine

Hindi na lang ako umimik. Haays. Asan na ba kasi yung babaeng yun.

"Drake, saan ka pumunta kahapon ha? Bigla ka na lang nawala. Iniwan mo ako sa quantum. Langya mukha tuloy akong nawawalang bata kahapon kakahanap sayo" May klase kami bat nagdadaldalan ang mga to. Tsk. Yung teacher naman namin walang pakealam. Ano ba naman yan.

"You don't need to know" maikling sagot naman ni Drake. Ang weird talaga ng lalakeng to kahit kelan.

Natapos ang isang subject na wala parin si Flat. Tsk. Lalo tuloy ako naguiguilty. Langya naman.

"Okay class, you're going to find you're partner for our activity for the rest of this school year. Ano gusto niyo, kayo na lang ang pipili o ako." sabi ng aming teacher

"Maam kami na lang po"

"Maam kayo na lang para fair"

"Oo nga po maam"

"Okay settle down. So ako na lang pipili ng inyong mga partner. Write your name in a small sheet of paper at ibigay niyo saken"

Ang daming arte naman nitong teacher na to. Bat hindi na lang niya tignan sa record niya ang mga names namin at dun na lang pumili. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang kaartehan ng mga teacher.

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon