Chapter 5 "What a Day"

72 1 0
                                    

Dara's POV

Kasama ko ngayon sila Yca, Rhaine at Ash papasok ng school. Taas noo akong naglalakad dahil sayang ang ganda ko kung yuyuko lang ako. Naka white high-waist jeans ako, matching my pink valentino shoes  with white top showing a little part of my abs. Joke. wala pa ako niyan. Haha

Habang naglalalad kami sa hallway, ang daming estudyante. Mga nagchichismisan. Naghaharutan. At naramdaman ko ang mga matang nakatingin samen.

'Si Dara ba yan? Wow ang lake ng pinagbago niya ha?'

'Mas lalo siyang gumanda'

'Bagay sa kanya ang short hair, mas classy tignan'

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sakanila. Sige ganyan nga. Pag-usapan niyo ako, purihin niyo ako.

Wala na ang dating Dara Akeesha Bethany Laxa na kilala niyo, yung mahina, yung tinatanggap na lang lahat ng mga sinasabi niyo tungkol sakanya, yung nagtatago sa anino ng bruha niyang kapatid.

Isang taon din akong nabuhay ng hindi napapansin, nagtiis, nanahimik sa lahat ng mga masasakit na salita patungkol saken dahil sa mga oras na yun alam kong ako ang may kasalanan pero sa pagkakataong ito gagawin ko kung ano ang gusto ko.

Kung sa tingin niyo masama akong tao pwes wala akong pakealam. Tama na ang isang taon na nagbigay ako. Na hindi iniisip ang sarili ko. Eto ang gusto nila kaya eto ang ibibigay ko. I will live the way they want.

"Hey Dara, is that you? Wow ! You look different, you look like your sister now. Who would thought na ang isang Dara ay magbabago ng ganyan." sabi ng babaeng na sobrang kapal ng make-up na nagmumukha ng payaso. At may kasama pang tatlong alipores. Tsk.

"Ah-oh! Wrong Move!" umiiling na sabi ni Rhaine

Okay-shoot! I closed my eyes. Breathe air and Its Showtime.

"Will you get out of our way? May class pa kami. Kung kayo wala, wag niyo kaming idamay. At pwede ba walang parada dito ng mga payaso kaya wag niyong idisplay yang mga pagmumukha niyo."i calmly said

Ikumpara niyo na ako sa kahit na sino wag lang sa bruha kong kapatid.

"Excuse me? You called us payaso? Huh? Are you serious?" she said while flipping her hands. Tsk. Hindi bagay. Mukha siyang bakla.

"Excuse me? Do i look like joking here? Tsaka pwede ba, bawasan mo yang kaartehan mo hindi bagay sayo." Aarte pa?

"Ang yabang mo naman, nakapag-ayos lang konti akala mo kung sino na e nagtatago lang naman sa anino ng kapatid niya. FYI yung sister mo ang sikat kaya wag kang magfeeling diyan." Mataray niyang sabi

"Eh yun naman pala e, hindi ako sikat e bakit ka nakikigulo dito? Chismosa lang? Get a life okay?" Mas mataray kong sagot.

"What? Ang kapal mo. Hindi mo ba ako kilala ha? How dare you to talk to me that way. Stop acting like a princess now dahil simula ng mamatay, o better say pinatay mo ang daddy mo ay nawala na lahat sayo. Anong pakiramdam Dara na lahat ng meron sayo nuon ay tinatamasa na ngayon ng kapatid mo?"Aba? Hindi kapa tapos ha? Gusto atang lubusin kona ang pagpapahiya sayo.

"Tapos ka na ba? FYI din, wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan at kahit pagbali-baliktarin mo man ang mundo mas mayaman parin ako sayo. Yung tinatamasa ko nuon, natatamasa ko parin ngayon. Let's just say na pinahiram ko lang sakanya kung ano ang meron saken."paliwanag ko "but it doesn't mean na nawala na saken lahat. And your asking me ano ang pakiramdam? Well, Masaya! nakuha mo? Masayang masaya ako."i added

Grabe. Ang sarap ng pakiramdam na sabihin lahat ng gusto ko ng hindi iniisip kung ano ang magiging epekto nito.

"Kaya hintayin mong mabawi ko lahat ng meron saken dati. Konting oras na lang, kaya habang hinihintay mo yun, umpisahan mo ng maghanap ng matataguan dahil una ka sa listahan ng mga taong pababagsakin ko. You know me year ago right? WHAT I WANT, I GET!!"

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon