Chapter 7 "All thanks to Simoun"

60 1 0
                                    

Dara's POV

Alas 6 na. Tatlong oras lang ang tulog ko dahil sa pag-iisip ng plano kung paano ako makakaganti sa bruha kong kapatid.

Pero hanggang ngayon wala parin akong maisip. Wala akong masiyadong alam kay ate. Wala akong alam ni kahit isang sekreto niya. Haays. Sakit sa ulo tong paghihiganti na to. Bat hindi ko na lang kaya ipapatay at ipatapon sa bangin. Pero siyempre joke lang. Hindi pa naman ako ganun kasama no tsaka masyadong madali ang paghihirap niya kung ganun.

After kong magbihis bumaba na ako para makapag-almusal. Balak ko kasing pumasok ng maaga.

"Good morning" bati saken ni Craig na kalalabas din ng kanyang kwarto. Grabe meant to be talaga kami. Hihi

"Good morning din" bati ko rin sakanya.

Shems. Medyo fresh pa yung nangyare kagabi kaya hehe. Medyo kinikilig pa ako hanggang ngayon.

Pagkatapos naming kumaen, inalok akong sumabay na lang kila Craig at Carlo. At dahil iisang school naman kaming tatlo, pumayag na din ako. Siya pa yung moment e. Hihi Landi mo Dara.

Malaki kasi ang Stoneford Academy. Mayroong primary, secondary at tertiary department pero nasa iisang compound lang ito. SA is exclusively for rich people. Kumbaga dito nag-aaral yung mga tagapagmana.

Pagdating namin ng SA. Dali-dali namang bumaba si Craig at sumunod naman si Carlo. Late na ba to at kailangan niyang magmadali. Haays. Inayos ko na lang ang gamit ko ng maramdamang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan.

Pagtingin ko nakita ko ang isang napakagwapong nilalang na nakangiti habang inaalalayan akong bumaba. Grabe. Gwapo na gentleman pa. Ano pa ba iaarte ko. Haha

'Kyaaa, ang gwapo talaga ni papa Craig'

Rinig ko mula sa mga chismosang nagkukumpulan na walang ginawa kundi pumasok ng maaga para makipagchismisan.

"Thankyou ha? Mauna na ako. Bye."paalam ko sakanya

Ngumiti lang siya at kumaway. Pagdating ko sa room. Konti pa lang ang tao. Sinagot ko ang phone ko ng makitang tumatawag si Yca. "Yes? Room. Why? Now? Alright, im coming" Sabi ko sakanya.

Nanunuod daw sila ng practice ng basketball sa gym dahil wala raw kaming klase sa unang subject kaya kahit labag sa loob kong puntahan sila na dapat ako ang pinupuntahan ay sinunod ko na lang. Tsk labo mo rin Dara e.

"Watch out"

May narinig akong—BLAAG!

"DARA" sabay-sabay nilang sigaw

Muntik na akong matumba sa lakas ng impack ng bagay na tumama sa ulo ko.Bigla akong nahilo.

Aww. Crap. It hurts. Feeling ko nakalog ang ulo ko.

"Dara, are you okay?" Narinig kong papalapit na sabi ni Bry."Okay ka lang ba?"At inulit pa niya.

"Balibagin kita ng bola at isasapul ko sa ulo mo. Ako ang magtatanong sayo kung okay ka lang." irita kong sagot na ipainagkamot naman niya ng ulo.

"Besie, are you alright?" Isa pa to.

"Lakas naman kasi ng appeal mo Dara, pati bola hinahabol ka. Hahaha." biro saken ng papalapit na si Drake. Nasa harapan ko narin sila Yca, Rhaine at Ash

"Sino ba kasi yung mapangahas na naghagis ng bola ha?" galit kong tanong sa kanila.

Lumingon ako ng masama kay Bry "Not me" dipensa niya. Sunod kay Drake "Kung ako naghagis, hindi ko sayo itatama, kundi sa kaibigan mo" sabi niya sabay tingin ng masama kay Ash. Nagpacute naman ang bruha. Hindi ba niya gets na siya ang tinutukoy ni Drake. Tsk.

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon