Chapter 16 "Perfect Family"

49 1 0
                                    

Dara's POV

Isang linggo na ang lumipas at hindi ko pa alam kung susundin ko yung suggestion ni Ash na agawin si Simoun. Madalas ko ring makitang dinadalaw niya rito si Dara.

"Something wrong?" tanong saken ni Craig

Andito kami ngayon sa orphanage kung saan ko dinala sila Makisig. Pag-aari namin to, well sa lola ko actually. Pero since sa New York na nakatira si lola Dada si Mommy na ang nagpapatakbo rito. She make sure na hindi ito napapabayaan dahil yun ang bilin sakanya ni lola Dada.

"Can i ask you something?" tanong ko sakanya

"Yeah sure" tipid niyang sagot habang pinapanuod namin yung mga batang naglalaro sa playground.

"For the sake of your goal, are you willing to do all just to fulfill it?"

"Not necessary, i mean i will do siyempre lahat but hindi ako gagawa ng bad para makamit ko yung goal ko." Sabi niya. Ang sexy ng boses niya kapag nagsasalita siya ng tagalog. Hihi May accent parin.

Pero napaisip ako sa sinabi niya. May alam kaya to? Bakit parang medyo tamado ako sa sinabi niya. Hayaan na nga.

"Ang galing mo na magtagalog, a!" puri ko sakanya

"Your Naya teached me some tagalog word" nakangiti niyang sagot

"Mimi. Mimi" tawag ng tumatakbong si Marikit. Ang saya-saya niya tignan

Binuhat ko naman siya at inupo sa lap ko. "Nag-enjoy ka ba?" tanong ko sakanya habang pinupunasan yung pawis niya

"Po-po Mimi" masaya niyang sagot. Medyo bulol pa siya, e three years old pa lang naman kasi no.

"Gusto mo bang mamasyal baby? Tapos bili tayo ng toys at mga damit mo?" pagyaya ko sakanya

"Ma tama ako" sabi naman ng papalapit na si Mayumi

"Oo naman, isasama ko kayo. MAKISIG" napatigil naman sila at patakbong lumapit saken

"Gusto niyo bang sumama mamasyal saken?" masigla kong tanong

Napakamot naman sa ulo si Makisig "Ate, gusto ko sana pero kasi may guitar lesson po kasi ako every sunday."

"Oo nga pala, may piano lesson naman po kami ni Maliksi." sabi naman ni Mahinhin

Naku. Huwag na kayong magtaka. Mayaman kami kaya afford naming bumili ng kahit anung instrument para sa mga bata. May mga binabayaran din kaming nagtuturo para sa kanila every weekdays kaya parang nasa school na rin sila.

"Naku walang problema. Bibili na lang kami ng pasalubong niyo." natuwa naman silang tatlo sa sinabi ko "Oh pano, alis na kami para makarami kami ng mabibili" paalam ko sakanila

Isa-isa naman nila akong hinalikan sa pisngi.

"Hatid ko kayo?" alok naman ni Craig

"No. Huwag na. Andyan naman si Manong Gary e. Tsaka diba may lakad ka rin? Baka malate ka." nakangiti kong sabi "Manang Lilia, pakibihasan naman po si Mayumi at Marikit. Isasama ko po sila sa Mall." sabi ko sa nakain-charge na nag-aalaga sakanila

"You sure?" tumango naman ako"Okay, Ill go ahead. You take care okay? Enjoy!" paalam saken ni Craig sabay halik sa magkabilang pisngi ko

Hindi ko naman mapigilan yung ngiti ko habang kumakaway siyang naglalakad palayo saken.

"Uy si ate, kinikilig" asar saken ni Makisig

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon