Chapter 15 "Payback time"

43 1 0
                                    

Dara's POV

Pagkauwi ko sa bahay. Ang sama ng tingin saken ni Danamonyita pero hindi ko na lang pinansin dahil medyo antok pa ako.

Kinulit naman ako ni Craig hanggang sa kwarto ko kaya no choice. Kinwento ko na lang lahat. Pati tungkol sa mga bata sinabi ko rin sakanya. Sabi pa niya gusto raw niya makilala yung mga bata. Pumayag naman ako, kaya nung hapon nung araw na yun pinuntahan namin yung bago nilang tirahan.

"Hoy, may kausap ba ako? Hello? Tao po ako, hindi halaman" sabi ni Rhaine habang kinakaway yung kamay sa harap ng mukha ko. Agad ko naman itong tinapik

"Ano ba yun?" walang gana kong tanong sabay inom ng Pandan Shake ko.

Andito kami ngayon sa cafeteria. Lunchbreak namin.

"Ang sabi ko, anong ginawa mo nung sunday at hindi ka namin macontact. Sinundo ka pa namin sa mansion mo para yayaing lumabas pero sabi ni Evil sis mo. Umalis ka raw. Ang wierd nga rin ng mga tanong samin ni Dana e. What happened ba?"

"May pinuntahan kami ni Craig at hindi ko rin naicharge yung phone ko. Anong tinanong sayo ni Dana?" usisa ko

"Like where kami last night. If who ba mga kasama namin. Like Duh? Just a sudden bigla siyang magtatanong. So weird ng Sister mo" maarteng sabi ni Ash

Tumango naman ako habang nakangiti.

"What's the meaning of that smile?" tanong saken ni Yca. All girls kasi kami dahil may basketball practice sila Drake at Bry. Adik rin netong school namin e. Kakaumpisa palang kaya ng klase pero ayos na din yun para hindi ko makita si Kupal

"Nothing. May naisip lang ako." pagsisinungaling ko

"Come'on Dara. Where friends here. Tayo ang magkakampi kaya sana naman huwag kang maglihim." sabi ni Yca

Haay. Ang kukulit talaga ng mga to. Pero tama din naman siya.

"Fine but after class"

Ngumiti naman sila saken.

*Star Community*

"Really? As in. Youre with him the whole night. Oh-em-gee. This is a big scand—Ouch!"

"May sinasabi ka Ash?" tanong ko

"Fine. I'll keep quiet na"

Gaya nga ng nasabi ko kanina, ikwinento ko sakanila ang nangyari nung weekends pero itong isang maarte kong kaibigan. Kung ano-anu na sinabi.

"Kaya pala ganun na lang makapagtanong si Dana samin." sabi ni Yca

Tumango ako.

"You sure. Walang ibang nangya—Ouch. Oo na wala na" sabi ni Rhaine habang hawak hawak yung ulo niyang sinapok ko. Pag-isipan ba ako ng masama

"Nothing more, nothing less. Siguro kung si Craig yun baka sakal—ouch!" sabi ko sabay hawak sa nuo ko. Kainis, makaresbak naman tong Rhaine na to. "Joke lang, bata pa ako. Hindi pa ako ganun kalandi no." dagdag ko

"Mabuti na yung malinaw" sabi ni Rhaine

"So ano ngayon plano mo?" tanong ni Yca

Umiling lang ako.

"Itutuloy mo pa ba ang paghihiganti sa ate mo?" tanong nila habang seryosong nakatingin saken

"Kung may isa man akong gustong gawin ngayon, yun ay makapaghiganti kay Dana. Ilang weeks na lang, uuwi na si mommy. At sigurado ako. May naiisip na naman siyang plano para sirain ako kaya bago mangyare yun. I'll make sure na uunahin ko siyang saktan" seryoso kong sagot sakanila

"I have a brilliant idea Queen D" sabi ni Ash. Napatingin naman kami sakanya

"The only thing to get even with your sister is to steal the one she love" suggest niya

"What do you mean?" kuno't noong tanong ni Yca

"Since, malaki ang ipinamana ni tito Dave to you. I mean, you're super rich parin naman after all diba? And the attentions that your sister Dana getting from everyone ay nakukuha mo na rin right?"

"Pwede bang diretsohin muna kami?" inis na sabi ni Rhaine

"Fine, what im trying to imply is, steal Simoun from Dana. He's the perfect formula to hurt your sister BIGTIME"

*Clap.Clap.Clap.Clap* Mula yan kay Rhaine at Yca. Eto namang si Ash. Feel na feel. Nagbow pa talaga.

"No, i wont do that. Not Simoun. He's a total shit. Hindi ko yun kayang sikmurain no" sabi ko habang umiiling

Napatigil naman sila sa pagpalakpak at napatingin saken

"Come'on Dara, Ash is right" sabi ni Rhaine

"Yeah, i think that was a good idea." pagsang-ayon naman ni Yca

"No. Nakita niyo naman kung paano kami magbangayan nun diba? Tsaka hindi ko yun matatagalan. Mukha pa lang niya naiinis na ako, yun pa kayang akitin siya para magustuhan ako. Yuck lang" sagot ko

"Look Dara, where not saying to seduce hi—"

"So, sinasabi mong hindi pangseseduce ang agawin ang isang taong may karelasyon na. And besides, i will do it intentionally so malamang, aakitin ko siya right? That's why im telling you. Hindi yan uubra"

"Giving up without trying? That's not the new Dara we know" makahulugang sabi ni Yca

Hindi pa rin ako umimik.

"Do you really want to see your sister get hurt. Don't you?" tanong ni Ash

"Fine, i'll try." tipid kong sagot

"Don't just try, do it Dara. Do it for yourself." napangiti ako sa sinabi ni Ash

Kahit pala madalas tong walang pakinabang. Sobrang maasahan din pala sa mga ganitong bagay.

"It's Payback time" sabay-sabay nilang sinabi

*****

VOTE/COMMENT/FOLLOW/SHARE

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon