Chapter 9 "Magkakasundo tayo"

79 1 0
                                    

Dana's POV

Right after kong lumabas ng school tinext ko na agad sila Rhaine na sumunod sa tambayan. Grabe. Umpisa pa lang ng klase wala ng magandang nangyare aside from the fact na maganda ako. Ni hindi ko man lang mabuo ang isang araw na makinig sa boring naming lecture.

Dati kulang na lang pati gabi pumasok ako ng school para mag-aral tapos ngayon kahit kalahating araw lang sana hindi ko na magawa.

Pagdating ko sa tambayan. Nakarecieved ako ng text ni Rhaine na nahuli silang nagcu-cutting. Naku naman kung kelan kailangan ko ng makaka-usap saka sila wala. Haay buhay nga naman ng minamalas.

Dahil wala naman akong gagawin sa unit nato maliban sa pagtitig sa kisame. Naisipan ko na lang pumunta sa Mall. Siguro okay na rin to. Alone time para sa sarili ko.

My mind is still occupied of what happened earlier. Putek! Napapa-english nako. Masamang impluwensya talaga yang Craig na yan. Lalayuan ko na talaga siya. DeJoke lang. haha

Don't get me wrong. Hindi naman lahat ng anak mayaman e required na dapat magaling magsalita ng english kaya ibahin niyo ako dahil hindi ako ganun. Minsan lang. Haha Sabi nga nila Mahalin/Tangkilikin ang sariling atin. Haha choss.

Taas noo akong pumasok sa loob ng Mall. Everybody's staring at me. Ang hirap talagang maging maganda ang daming natutulala. Buti na lang sanay na ako. Habang tumitingin ng pwedeng panuorin biglang nagring ang phone ko. Unknown number lang. At dahil maganda ako. Hindi ko na lang pinansin. Wala e ganyan talaga.

"She's Dating the Gangster?" Basa ko sa pagpipilian ng pwedeng panuorin. Akalain mo. May movie na pala to? Nabasa ko lang dati to sa wattpad a tapos nabalitaan kong ginawang book. Grabe kaya tong story na to. I shed more than ahmm. million of tears. Haha joke ulit. Basta nakakaiyak to at sobrang ganda.

Agad akong bumili ng ticket para sa SDTG movie. Pagpasok ko, umupo ako sa medyo gitnang part dahil sayang naman ang ganda ko kung sa gilid lang ako uupo diba? Paglingon ko sa kaliwa ko. May dalawang mag-jowang Err. Naglalampungan. Tsk. Ang cheap ha? Halos puno ng tao ang sinehan.

"Miss, may nakaupo ba?" tanong ng lalaking hindi marunong magsuklay. Hindi ko alam kung bulag ba to o wala lang kaibigan para magsabing hindi bagay sakanya ang buhok niya. Feeling k-pop dud? Jologs mo uy.

"May nakikita ka bang nakaupo? Kung Oo. Pwede ka ng umalis" pagtataray ko sakanya. Boplaks lang? Obvious na nga nagtatanong pa.

Nagkamot naman siyang umalis. Hala? Ibig sabihin may nakikita nga siyang nakaupo?

"Ang angas mo talaga" rinig ko sa lalaking umupo sa tabi ko.

Paglingon niya saken "Kausap mo?" bara ko sakanya

Tumatawa naman siya habang umiiling. "O heto." lahad niya ng bag na puno ng PAGKAIN? " Sabi nila mas mae-enjoy mo ang panunuod kapag may kasamang pagkaen" Bigla namang nagtwinkle-twinkle little star ang napakaganda kong mata sa paglabas ng mga pagkaing laman ng Bag.

May Fries galing Mcdo, Spaghetti galing Jollibee, Fried Chicken galing KFC, Lasagna galing Greenwich at Pizza mula sa Pizza-Hut.

Seryoso? Huwaaaw. Grabe. Kung ganito lagi ang lalaking to gagawin ko na siyang bestfriend. Hihi

"Magkano lahat? Babayaran ko" pagsusungit ko. Aba baka isipin niyang hindi ko kayang bilhin lahat ng yan at magkautang na loob pa ako dito sa Drake ni Ash.

Oo. Tama kayo ng nabasa. Si Drake nga itong katabi ko. At wala siyang kasama dahil kung meron man. Wala akong pakealam

"No need. Libre ko na. Dahil sa pagpapaupo mo saken dito"

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon