Chapter 11 "I like you Dara"

47 1 0
                                    

Dara's POV

"Malapit na birthday mo Besie. So what's the plan?" tanong saken ni Rhaine

"Ou nga no? 2 weeks na lang, i mean 11 days from now" dagdag ni Yca

"Are you planing to have party? Kyaaa. Im so excited na besie. Im sure it will be sobrang bongga na naman like last year" sabat naman ni Ash

Umiling naman si Rhaine "Duh? Ash. Hindi nagcelebrate si Dara ng bonggang party last year" sabi nito

Yeah. Hindi ako naghanda last year, ni i-celebrate hindi ko pinag aksayahang gawin. Mismong birthday ko kasi nuon ay 40 days ni daddy. Sobrang sariwa pa yung sakit nuon kaya hindi ko kayang magpakasaya. And besides wala rin lang nakaalala maliban sa mga kaibigan ko. Buong araw nasa puntod lang ako ni daddy.

"But im sure naman you'll celebrate na ng bongga like the old times when nabubuhay pa si tito Dave" sabi ni Ash

"Hindi ko pa alam. What's the use of celebrating kung wala naman dito yung pinaka-importanteng tao sa buhay ko" i said

Natahimik naman sila lahat. Siguro naisip nila na tama naman ako. Maghahanda ako ng bongga pero wala naman si daddy. Galit saken si mommy at war kami ni ate. Anung pang sense diba?

Tumabi saken si Yca"Alam naman namin yun pero just atleast celebrate it, kahit hindi na bongga tulad ng dati basta gawin mo para sa sarili mo. Wala man ang pamilya mo andito naman kami e. We're like sisters na mula nung mga bata pa tayo" sabi niya "Right girls?" dagdag pa niya habang nakatingin kila Ash at Rhaine

Maswerte ako dahil kahit ganito yung nangyayare sakin hindi parin nila ako iniiwan. They are my bestfriends.

Lumapit naman sila Ash at Rhaine saken.

"Yeah, Yca is right. Andito pa kami kaya hindi kami papayag na hindi mo i-celebrate ang araw ng kapanganakan mo." sabi ni Rhaine

"Eww kapanganakan? Seriously its so baduy. Why not say nalang na birthday instead of kapanganakan chuchu like that" kontra naman ni Ash

"Ipaalala niyo ngang kaibigan ko to dahil baka kapag hindi ako nakapagpigil. Sasamain to saken." naiinis na sabi ni Rhaine

Natawa na lang kami ni Yca sakanila. Kahit kelan talaga parang aso't pusa itong dalawang to. Pero hindi makukumpleto ang barkada kung walang mga ganitong eksena.

"So ano plano mo?" pangungulit sakin ni Yca. Lumayo na kami sa dalawa at baka madamay pa kami.

"Hindi ko pa alam. Alam mo namang hindi ako ang nagplaplano ng mga ganyan mula pa nuon."

"Oo nga pala, it's always tito Dave" nalunglot tuloy ako bigla sa sinabi ni Yca. Kung andito lang si daddy.

"Hoy besie, mag-eemo ka na naman ba diyan?"

"Pakyu! hindi no!" sagot ko

"E bakit parang naluluha kana diyan?"

"Pinagsasabi mo diyan." sabi ko at naglakad papunta sa kitchen. Pinunasan ko yung tumulong luha ko. Tama siya, napaiyak ako kanina dahil naalala ko na naman si daddy pero ayokong ipakita sakanila yun dahil ayukong mag-alala pa sila saken.

"Hey Queen D, i have so fabulous idea na on how mo ice-celebrate your birthday" excited na sabi ni Ash habang papalapit saken. Nasa likod naman niya sila Yca at Rhaine

"Naku Ash. Huwag mo ng ituloy kung ano man yang sasabihin mo dahil hindi ako interesado" sabi ko habang naghihiwa ng orange

Andito kami sa SC dahil saturday ngayon. Dito kami lagi tumatambay kapag weekends.

I'm Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon