7

3 0 0
                                    

Kung alam ko lang na magkakaganito. Sana hindi na kita tinext noon. Edi sana hindi mo nalamang break na kami, at hindi ko na rin nalamang break na kayo. Nakakainis si tadhana minsan e.

Kahit na gaano ko pa kagusto, siguro hindi lang talaga tayo.

When I learned that there's already someone new, I felt nothing but indifference. Maybe because I have long accepted it. I have long accepted that no matter what we do, we can never go back to what we used to be.

I am not the same anymore. Though I still think of you sometimes. Kasi iniisip ko pa rin yong mga "paano kung".

Paano kung sumugal ako? Paano kung mas pinili kita? Paano kung pinili kong magstay? Masaya kaya tayo?

Malamang. Pero alam ko na hindi tayo magtatagal. Alam ko yon. Trust me.

Pero ewan ko ba at hindi ka maalis sa sistema ko. Kita mo naman. Nakailang tula na ko para sayo. At eto pa. Sus. Gumawa ako ng ilang tulang alam ko namang di mo mababasa. And I don't intend for you to read it because I did all of those for myself. Kasi pakiramdam ko, hindi ko mailalabas lahat ng sakit at panghihinayang kung hindi ko isusulat.

Huwag kang mag alala. Hindi ko rin naman sinasabing bumalik ka, kasi pakiramdam ko, hindi pa rin kita kayang tanggapin. Kaya na realize ko ko na baka nasa akin talaga ang problema. Hindi ko alam kung ano bang mayroon sayo at takot talaga akong sumugal.

Siguro kasi sabi mo hihintayin mo ko, tapos biglang nalaman kong may iba. Ano yan, sideline mo? Haha

O baka nga napagod na ko to the point na mahirap nang paniwalaan lahat. Kasi ayoko na. Hindi lang naman kasi ikaw ang unang nangako na maghihintay. Marami na. Pero sayo yong pinakamasakit kasi hinihintay din kita. Na habang hindi pa pwede, alam kong hinihintay din kita.

Tanga ko no? Mali talaga ng timing. O baka nga hindi talaga magiging tayo kahit kailan.

To: My Kind of AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon