Fifth

118 21 0
                                    

Neah's Pov
Kinabukasan ay sumabay ulit ako kay Jezrell papasok.Bukod naman kasi sa no choice ako ay hindi rin ako mapakali dahil galit yata si Abcde saakin.

Hindi nya rin nirereplyan ang messages ko.

Hindi naman sya ganan dati nung isali ko sya sa Nutri quizbee sa Nutrition Month ah?

Yumuko ako sa Desk.Plano ko sanang matulog kasi gigisingin naman ako ni Abcde o nina Jax at Spade.

Pero...hindi naman ako nakatulog.

Nakinig nalang ako ng random music from my phone.

Nag-iisip ako kung paano kakausapin si Abcde.

Napabuntong hininga lang ako.Inenjoy ko ang kanta.Nakapikit ang mata at nagtatap sa lamesa.

Nakataas ang paa ko at nagtututuktok kasabay ng tono ng kanta.

Nagmulat ako nang maramdaman kong may nagbukas ng pintuan.

It's Isaac.

Sa lahat ng kaklase kong lalaki ay sya ang pinaka tahimik.Well he's not a nerd

Nakatungo syang pumasok at naupo sa kanyang upuan sa harap.

Kausapin ko kaya ito?

Tinanggal ko ang isang headset sa aking tainga.May hawak syang isang libro at mukhang nagbabasa

"Goodmorning"ngiting bati ko

Pero sinulyapan nya lang ako at di umimik.

'Snobber naman nito'

"Isaac David Macaraig tama?"tanong ko

Sinulyapan nya ulit ako bago tumango.Nakatingin parin sa libro.

"B-bakit ang aga mo?"tanong ko

Umiling lang sya.Ibig sabihin wala lang.Napabuntong hininga ako.

Nabuhay ba sya sa tango at iling lang?

Sa totoo lang nakakatakot syang kausapin.Kaya yata walang kumakausap sa kanya.He looks so agressive na parang asarin mo lang ng konti ay mananapak na.

Napangiwi nalang ako at nagbalik sa pagtatap ng desk.Miss Independent ang kanta.Feeling ko talaga hindi tugma yung tapping ko.

"Miss Independent"napatingin ako nang magsalita si Isaac

"Y-yang sinasabayan mo...M-miss independent ang tono hindi ba?'tanong nya

Napangiti ako.Buti nagets nya yung tono.

Tumango akong nakangiti.

"M-medyo nagkakamali ka lang.Dapat kasi hindi mo isinasabay sa salita yung beat"aniya

Bawat salita kasi ay sinasabayan ko sa pagtatap

"Kaya mo bang magbeat?"tanong ko

Gamit ang lapis ay ginaya nya ang beat ng Miss Independent.

Pinapakinggan ko ang kanta kasabay ng beats nya.At napapalakpak nalang pagkatapos

"Ang galing ah!"sambit ko

"D-drummer kasi ako"sambit nya.

"Astig ah! Samantalang ako walang kaalam alam sa Music"nakangiwing sambit ko

Napatawa naman sya.

Bumukas muli ang pinto.Iniluwa noon si Abcde.Nakatingin kay Isaac.

"Idol"tawag ko

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon