Seventh

155 24 10
                                    

Neah's Pov
"Oh tara"sigaw ni Kuya Nicholas.Pumedal silang tatlo palayo samin.Letse naman.Mang iiwan

"Ah teka.Ako na magbibike...ikaw nalang iaangkas ko"sambit ni Abcde

"Bakit naman eh bike ko yan"nakangiwi kong tanong.

"Gentleman kasi ako"taas baba pa ang kilay nya.

Nangunot ang noo ko.Sumakay na sya sa bike at umangkas ako.

Well,medyo malayo ang pupuntahan namin.Nalaman ko kasing hindi pala sa court sa tabi-tabi.Mandadayo pa ata sila.

"Ayan.Sauluhin mo yung spoken poetry ko.Wag ka nang magtanong kung bakit"sambit ni Abcde

Napa tsk nalang ako.

Hindi naman kahabaan ang spoken poetry nya kaya mabilis ko itong nasaulo.Medyo mahaba ang daan ah.

"Shet ang cute nung naka bike na lalaki"rinig kong sambit ng nadadaanan namin

"Yung may angkas na babae.Jowa nya ata?"tanong nya sa isa pa.

I bit my lower lip and smiled.Mabuti nalang at hindi nakatingin si Abcde.

Nasa kalagitnaan ako ng pagrerepeat ng spoken nya nang huminto kami.

'Hala patay tayo"sambit nya.

"Oh?Bakit?"tanong ko

Napansin kong.Wala pa naman kami sa court ah.Alam ko kasi ang lugar na ito.

"Alam mo naman sigurong hindi ako taga rito.Saan ang daan? Nawala yung mga kuya mo eh"sambit nya.

Napapakamot pa sya sa ulo.

"Ako na nga"sambit ko.

Sya ang iniangkas ko sa bisekleta.Tangina kasi,ang bigat!

Habang napedal ay binibigkas ko ang piyesa nya.

Naka dalawang ulit pa ako nang makadating kami sa court.Bakit ba ako ang pinagsasaulo nya? Ako yata ang ilalaban nito?

"Okay na?"tanong ko

Tumango sya.

"Abcde heto,ipinanghiram ka na namin"napansin kong ibinato ni Kuya Nicholas kay Abcde ang bolang pang volleyball.

"Akala ko ba magpapractice kayo ni Nicholine ng spoken poetry? Ano pagsasabayin nyo?"birong tanong ni Niccolo

"Oo,pagsasabayin namin"nakangiting sabi ni Abcde.

Nawala ang ngiti ni Niccolo at nanlaki ang mata namin ni Kuya Nicholas.

Si Nicolai ay halatang nagtaka.

Pumunta kami sa volleyball court habang ang mga kapatid ko ay nasa basketball court.

"Ganito ang rules! Pinasaulo ko sayo ang piece ko diba?"tanong nya

"Oo"

"Kita mo yang net? Magseservice ka dyan ng magseservice hanggang maka thirty ka habang ako ay nasa stage at pinapraktis ang spoken poetry.Kapag nagkulang ako ng salita ay itatama mo.Kapag may nakalimutan ako ay ipapaalala mo habang nagseservice ka.Kapag nag error ka ay uulit ako.Kapag nagkamali ako ay uulit ka ng bilang sa one.Walang titigil hanggat maperfect natin pareho.Thirty straight service sayo at perfect practice ko"nakangiting aniya

Nanlambot ako bigla.

Thirty?!

"Fifty dapat yan.Naawa lang ako"saad nya

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon