Third

182 24 0
                                    

Neah's Pov
"Po?"tanong ni Abcde

"Yah"reaksyon ko

What the fuck?

"H-hindi po"sabi namin muli ni Abcde

Humingang malalim si sir.

'Go back to your classroom"saad nya.

Tumango nalang kami at tahimik na naglakad palabas.

Pagkalabas ay saka kami humagalpak ng tawa.Pabiro ko pa syang sinuntok.

"Umihi ka pa kasi"sabi ko

"Aba,kaninong ideya na pumunta don?"natatawang aniya

Natatawang nagsisihan kami.Punyetang toh.

"Tara muna sa canteen breaktime pa naman"sabi nya

"Bibili ka ng comfort food?"tanong ko

Napangisi sya."Oo,yung siomai na matigas"

Minsan naiisip namin,gawa ba sa bato ang siomai sa canteen?

Habang naglalakad ay may nakabangga sa akin na isang lalaki.Grade 10 sya at nakasalamin.

Nangunot ang noo ko.Naapakan nya ako.Pero bigla nalang syang nagdere deretso paglalakad.

Hahabulin ko sana sya nang bigla akong akbayan ni Idol.

"Gantihan mo?"ngising tanong nya

Ngumisi ako.Umiling.

"Good girl ako"ngiting sabi ko

Napamura sya."Amen"sabay sambit nya

Napatawa ako.Tsk,ibang klase.
__
"Napapunta na naman kayo sa Faculty?"tanong ni Spade

Napatawa nalang kami.Yup,this isn't our first time.Pero hindi ibig sabihin ay suki na kami ng Faculty ah.

Mabuti nalang at di kami nababa sa First and Second.

Maaasahan mo kapag kailangan at pasimuno sa katarantaduhan.Kami ang---

Tropang Gagohan.

Well,hindi lang kaming dalawa.Andyan si Spade at Jaxon na katropa rin namin pero madalas,naiiwan sa kalokohan.

"Oo"sabi ni Abcde

"Bakit na naman?"takang tanong ni Jax

"Nahuli kami sa male's room"natatawa kong sabi

"Anong ginagawa nyo dun?"tanong ni Spade

"Alah nagawa ng milagro"inip na sagot ni Abcde

Pagharap nya ay napansin kong may toyo sa pisngi nya.

"May Toyo"turo ko

Pinunasan nya ang may labi nya.Sablay naman eh

"Sa pisngi"sabi ko

"Ikaw nga"inis nyang sabi

Pinunasan ko yun.Di naman madami eh.Halata lang na kumain sya ng siomai.

"Ayus na-"

Natigilan ako nang magtama ang mata namin.

Bakit kumikislap ang mata nya?

Bakit parang hinuhugot ako nun palalim?

Bakit parang pinipigilan nun ang paghinga ko?

Bakit...sa tagal naming magkakilala

Bakit naramdaman ko bigla ang ganun?

"Huy Yamite!"gulo nya at agad kong iniwas ang mata ko.

"Anyare sayo? Nagwapuhan ka sakin noh?"pang asar nyang tanong.

"Gago nakipagtitigan ako sa muta mo"palusot ko at humarap sa likod para maupo na.

Napatingin ako kay Spade.Nakangisi sya at may mapang asar na mata.

Pinanlisikan ko sya ng mata na agad nyan nagets.
__
4:30 p.m

"Pusoy!"sambit ko nang natalo ko na naman si Abcde

"Nyemas"saad nya.

Napatawa ako.Matalo manlilibre.

"Last na ito.Kung sino matalo mag papa ice cream"sabi ko

Pumayag naman sya.

Hinawakan ko ang baraha at binalasa.

Nandito kami ngayon sa hagdan.Yung tagong part ng school.Cleaners kami pareho.Pero sabi namin ay may emergency.Bawal din ang baraha sa school.

Kaya kapag nahuli kami.Faculty na ulit.

"Ang ganda ni Elocin"sambit ni Abcde bigla.Natigilan ako.Si Elocin Athea.

Napabuntong hininga at hindi nagreact.Para kasing tinatambol ang dibdib ko.

"Nga pala may nalaman ako"sabi nya.

Umiral na naman ang pagka tsismoso nito.

"Si Paul...si Tom Sabroso? May gusto pala sayo"sabi nya

Napangiwi ako.

"Diba Grade 6 yon?"tanong ko.

Tumango sya.

"Pero ka edad lang natin.Tanda mo ba yung shiniship sayo?'tanong nyang muli

"Sya din yun"sabi ko

"Oh diba! Alam mo yamite.Mabait pala yun tsaka matalino sayang yun"sabi nya

"Babaklain mo?"tanong ko at binatukan nya naman ako.

"Inilalakad ko nga sayo.Tangna neto.Kapit bahay lang namin yun"sabi nya

Tumango-tango nalang ako.

Inayos ko na ang baraha para sa aming dalawa.Sa kalagitnaan ng laro ay may dumaang elementary.

Pero agad din syang umalis.

Dere-deretso lang ang laro namin nang....

"Mr.Montenegro? Miss Alvarez?!"napatingin kami sa likod namin(pataas)

Si sir Mergillano.

"Come with me!"sigaw nya

Napangiti kami kay sir na parang nagsosorry.Pero..

Agad akong hinila ni Abcde pababa ng hagdan.

"Hey! Stop right there!'hinabol kami ni sir pero tuloy kami sa pagtakbo.

"Bilis Yamite,humahabol na din si kalbo"turo nya kay sir Bonifacio.

Napatawa ako.Ang lawak naman kasi ng grounds.

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak.

Bakit ba nagkakaganito ako?

Muling pinipigil ang paghinga ko at nakatitig lang sa kanya habang tumatakbo.Nabubura ang ngiti sa aking labi at napapalitan ng sayang kakaiba.Saya na tila malulunod ka

Bakit ako nagkakaganito?

Pareho ba kami? O ako lang ang nakakaramdam nito

Alam ko ang nangyayari sakin pero natatakot akong isipin iyon.

Kaibigan ko sya hindi ba?

Pero kaibigan nga lang ba ang tingin ko sa kanya?
__
Tabbieeey♡

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon