Twenty Seventh

80 22 2
                                    

Justineah's Pov

Nakangiwi ako habang nilalagyan ni Paul ng betadine ang sugat ko.

Mabuti nalang at dumating sya kaagad.

"Bakit kasi bumaba ka pa? Wala ka bang kasama dito sa inyo?"tanong nya saakin.

"N-nadulas lang naman kasi ako.Gusto ko kasing pumunta sa party ni Abcde pero sabi nina Kuya ay huwag na daw muna at magpahinga nalang ako"sabi ko

"Tsk kaya bumaba ka? Tapos nadulas ka at nabasag mo yung isang baso?"tanong nya

Tumango tango naman ako.

"Tsk,kakalabas mo palang ng ospital.Babago ka palang nagaling tapos madudulas ka nalang? Mag-ingat ka naman minsan"inis na sabi nya

Napabuntong hininga naman ako.Sinilip ko ang braso ko nang malagyan nya iyon ng gauze pad.

"Salamat...mabuti nalang at dumating ka"ngiting sabi ko.

"Tsk...mabuti na nga lang at naisipan kong dumalaw dito sa inyo"sabi nya at inimis ang first aid kit na nandito sa kuwarto ko.

Nalingon lingon ako at tiningnan ang orasan.Pasado alas sais na.

"Nga pala...yung party ni Abcde...tara pumunta"sabi ko at akmang tatayo.

"Ingat!"malakas na sambit ni Paul at inalalayan ako nang kamuntik na akong matumba at mapaupo sa kama.

'Tangina ansakit ng paa ko....'

Sinubukan kong tumayo nang isa pang beses pero pinigilan na ako ni Paul.

"Wag mo na kasing subukan....masasaktan ka lang"napatigil ako at napatingin kay Paul nang sabihin nya iyon.Hindi ko alam pero parang double meaning ang sinabi nya.

"Wag ka nalang pumunta.Sigurado naman akong maiintindihan ni Abcde kung bakit hindi ka nakapunta"sambit nya

Napabuntong hininga nalang ako.Kainis naman kasi.Napahamak pa ako.

"Humiga ka nalang muna diyan"sabi nya at tumayo sa kama ko.

"A-aalis ka na?"tanong ko sa kanya.

Tiningnan nya naman ako.

"Sa tingin mo ba ay iiwanan kitang nag-iisa?"natigilan ako at napatingin sa kanya.

'Bakit ba ang lakas ng epekto sakin ng mga salita ng lalaking ito ngayon?'

Napatikhim ako at napaiwas ng tingin.Kinabahan ako bigla sa mga pinagsasabi nya.

"Hihintayin kong dumating yung mga Kuya mo.May kailangan ka pa ba? Nagugutom ka?"tanong niya.

"Bakit mo ba ginagawa ito?"tanong ko sa kanya.

Nakaiwas parin ako ng tingin pero rinig ko ang marahas nyang buntong hininga.

"Manhid ka ba?"natigilan ako sa kanyang tanong pabalik.

Tiningnan ko sya ng deretso at may halong pagtataka.

"Akala ko kasi action speaks louder than words....pero bakit ganoon? Manhid ka ba o sadyang nabulag ka lang talaga sa nararamdaman mo para kay Abcde?"napaurong yata ang dila ko sa sinabi niya.

'Ramdam ko..pero ayokong isipin'

"A-ano bang ibig mong sabihin?"tanong ko.

Bumuntong hininga sya bago hinarap at nakipag tagisan ng tingin saakin.Mabilis kong naiiwas ang tingin ko sa kanya

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon