First

442 26 3
                                    

Neah's Pov

Nakatitig ako sa ballpen at halos maduling na ako dito.Well,actually nagduduling dulingan talaga ako.Ang tagal ng subject teacher namin.

Nang biglang may humampas sa ulo ko mula sa likod.Muntik na akong mapangudngod doon sa ballpen

"Para kang tanga dyan"boses nya palang ay alam ko na kung sino sya.

S-seryoso? After 2 days nyang absent at 2 days na weekend....nandito sya ulit?

Itinago ko ang saya at sobrang pagkamiss sa kanya.Act Normal Justineah!

"Hoy Neah!Tulala ka ata"aniya

Tiningnan ko sya sa makislap nyang mata.

"Sinong hindi matutulala matapos mong hampasin? Siraulo ka ata"saad ko

Tahimik lang syang naupo sa tabi ko at may kinuha sa kanyang bulsa.

"Ano yan?"prenteng tanong ko.Matching bracelets.Obvious naman eh

"Obvious ba? Akin itong itim sayo ang puti.Nabili ko ito sa tagaytay nung nagpunta kami.Bumili din ako ng keychains para sa gagohan...mayaman kase ako"kayabangan ampota

Ibinigay nya sakin yung puti at isinuot ko sa kamay ko.

'Bestfriends'

"Naks,ganda ah"saad ko

Dapat ba akong matuwa na matching kami o dapat ako ma-disappoint kasi yun lang ang nakalagay?

Bigla kong narinig ang kantyaw ni Hannah sa likod namin.

"Matching bracelets sila'sabi nila

Kinilig ako.Oo but still,I won't show it

"Sml?"tanong ni Abcde

"Gusto mo ikaw ren?"tanong ko kay Hannah

Napanguso naman si Hannah.

"Daming Issue eh"angal nya.

Napangisi nalang ako.

Few months ago......

Tangina giliw? First day of class elected agad as President ako?

Ano namang gagawin ko sa mga ito? Pano ko sasawayin kapag maingay?

Kingina.Dapat sana petiks-petiks nalang ako ngayon eh.

"The nomination for Secretary position is now open"ngiting sabi ko.

And then,Secretary position...goes with a guy.

"Name?"tanong ko sa kanya.Napatingin ako sa mata nya at.Nanigas ang katawan ko.I immediately look away

"Prince Absidi"aniya.

Isinulat ko ang Prince. But,Absidi?

"Prince what?"tanong kong muli

"Absidi"napangiti sya.Ngiting natatawa

"Pardon?"saad ko

Then,he spelled it out "Abcde"

I have never heard a name like that before.

Matapos ang election ay ipinasulat ko sa kanya ang list ng officers.Bakit secretary naman sya ah?

"Kuya,pasulat ako ng list ng officers ah"ngiting sabi ko sa kanya

Maya -maya agad nya din namang isinulat iyon.

"Heto Miss President"inilapag nya sa desk ko ang isang papel.

Walang kagusot-gusot at pinong pino ang pagkakasulat.

Dinaig pa ako eh.

Nakaupo sya sa kabilang row.Well,hindi ko alam sa sarili ko pero gustong gusto ko syang kausapin.Tuwang tuwa pa ako sa 'Abcde abcde abcde'

Punyeta.

Kausap ko sa tapat ko si JL.Tumatabi naman sakin si Abcde.Kapag free time tapos nagcecellphone lang naman sya.Minsan kinakausap namin ang isa't isa pero hindi gaanong close.

Alangan namang ibulgar ko agad ang kamanyakan ko sa lalaking ito.

Napansin ko ding luffy ang case nya.

"Mahilig ka sa one piece?"tanong ko

Tiningnan nya ang case nya.

"Oo,kaya lang basag na nga ang case ko"aniya

Tumango lang ako.

I thought makakaclose ko sya this year.

But it turns out...

Higit pa pala sa close...We are bestfriends and...

Damn it.
__
Tabbieeey♡

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon