Twenty Ninth

90 17 0
                                    

Abcde's Pov

Agad akong lumabas at hinabol si Athea na kasalukuyang tumatakbo.

Nagtama kasi ang aming paningin kanina at kitang kita ko ang pagpipigil ng luha na kanyang ginawa

"Athea!"pasigaw kong tawag sa kanya.

Tumigil naman sya sa kanyang paglalakad at nilingon ako.

Tinitigan ko sya.

"B-bakit?"wala sa sariling tanong ko.

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag-uusap naming ito.

Nang makita ko ang pagkagat labi niya at ang pagtulo ng luha nya ay naging senyales yun saakin para lapitan sya at yakapin.

"Nakakainis lang kasi talaga.Nakakairita. Akala ko wala syang gusto sayo.Akala ko wala syang nararamdaman.Tapos ano? Bigla nalang syang dadali ng ganun sa harap nilang lahat? Ako dapat yung gagawa nun eh.Ako dapat yung handa kang ipagmalaki. Ako dapat yung magsasabi sa harapan nilang lahat na tayo na...kaya lang...naunahan ako ni Neah...hindi ba sya aware na tayo na?"at lumakas ang mga impit na hagulhol niya.

"Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman nya.Naghinala ako noon pero tumanggi sya.Akala ko wala nga talaga"pagpapaliwanag ko

Kumalas sya sa yakap ko at hinarap ako.Sa paraan ng pagtitig nya ng deretso sa mata ko ay nagdulot ng kaba sa sistema ko.

Pakiramdam ko kasi....

'Tatapusin nya ang relasyon namin'

"Abcde...ikaw ba?"tanong niya.

Nangunot ang noo ko at nagtaka.

"A-anong ako?"tanong ko sa kanya

"May gusto ka ba kay Neah? K-kung nalaman mo ba agad? Pipiliin mo sya?"tanong nya.

Natigilan ako.

Inisip kong mabuti ang isasagot ko.Dahil kung magbibitaw ako ng salita....

'Dapat hindi ako magsisisi sa bandang huli'

"Abcde...sagutin mo ko...please naman oh...naguguluhan lang kasi ako"saad niya

Ibinalik ko ang yakap naming dalawa.Alam ko ang sagot.

Alam ko na.Buo na ang desisyon ko

'Dahil narealize kong...sa simula at huli...sya lang ang minahal ko ng totoo.Napatunayan kong kahit sino pa ang naging hadlang.Gaano kahaba o kabilis ang pangyayari..."

'Kapag mahal mo...pag-ibig lang anf mananaig sa sistema mo.

'And that...is Love'

"Athea...sorry"sabi ko

"Saan?"aniya

"Sorry kung naguguluhan ka.Sorry kung umiiyak ka...pero gusto ko lang na malaman mong....mula umpisa hanggang dulo....ikaw ang minamahal ko"

'I just made my decision...and I am sure with that'

__
Justineah's Pov
Afternoon break.

Hindi ko alam kung ano pang mga nangyari matapos kanina.Nang matapos kasi ang time ni sir Hernandez ay lumabas kaagad ako.

Naramdaman ko ang guilt sa aking mga ginawa kaya ngayon ay nasa c.r ako ng girls at nagkukulong.

Tumutulo ang luha mula sa aking mga mata.Pakiramdam ko ay ang sama sama kong tao.

Pakiramdam ko ay kontrabida ako.

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon