Twenty Second

90 18 0
                                    

Abcde's Pov

Maaga akong nagising.Ni hindi nga yata ako pinatulog kakaisip kung anong meron tuwing 13th day every month.

Friday the 13th ba?

Tsk,Kailangan ko yun malaman para lang sagutin ni Athea.

Magtanong kaya ako kay Yami--

"Ay si Yamite"biglang sabi ko.

Agad kong kinapa ang telepono ko at idinial ang number nya.

Naka ilang ring iyon.

'Hindi nya ba naririnig ang Careless Whisper nyang ringtone? Tsk'

Nakadalawang missed call na ako sa kanya.

'Baka naman tulog pa'isip isip ko.

Tiningnan ko ang oras sa aking telepono.

Alas singko palang ng umaga.Sinong Tamad nga naman ang gigising ng ganyang kaaga kung hindi naman sya papasok at masakit ang paa?

Tumayo na ako at nag-ayos ng pang almusal namin ni Andrea.

Kadalasan ay si Tita ang nagluluto at ako lang naman ang naghahain.Marunong akong magluto talagang tinatamad lang ako.
__
Pagkapasok ko sa school ay uminom agad ako ng delight.Mabuti na lang at hindi nasakit ang tiyan namin ni Yamite dahil sa ganitong bisyo.

Wala na akong naabutang Yamite na nakayuko at natutulog o di kaya ay nakikipag jamming kay Isaac.

"A-abcde....si Neah? Kamusta?"tanong ni Isaac na katatanggal lang ng headphones.

"Minor Injury lang sa binti ang tinamo nya.Siguro ay magpapahinga lang sya sa ospital tapos ay lalabas na din.Wala naman masyadong nangyari"sabi ko

Bumuntong hininga naman sya at saka tumango.Dumiretso ako ng locker at nakita ko doon si Kuya na nakikipag bugbugan sa bola ng volleyball.

'Kuya?"tawag ko sa kanya.

"Pakalmahin mo nga ito Abcde! Parang hindi mapakali eh"sabi ni Shaun na kaklase ni Kuya.

Tiningnan ako ni Kuya at lumapit ng bahagya.

"A-anong nangyari kay Neah? Ayos lang ba sya? Mabuti ba ang lagay nya? Nasa ospital pa ba sya? Bakit sya nabangga? Ano ba talagang nangyari?"tarantang tanong nya.

Pwede isa-isa?

"Kuya...pwede kumalma ka muna?"tanong ko.

Napapikit naman sya ng mariin at saka humugot ng malalim na hininga.

'S-sorry,I'm just worried"sabi nya.

"Nasagasaan sya kahapon lang.Minor injury lang naman sa paa ang nakuha nya.Sooner or later ay makakalabas na din yun sa ospital.You don't have to worry Kuya.Everything is under control"ngiting sabi ko.

Ginulo naman nya ang buhok nya na parang frustrated talaga sya sa mga nangyari.

"Gusto mo samahan kita mamaya sa ospital? Bukas pa ang alis doon nina Neah.Samahan kitang dumalaw"sabi ko.

Tiningnan nya ako.

Alam kong gusto nya pero hindi nya sigurado kung dapat ba syang pumunta o hindi.

"Hindi naman sya matutuwa kapag naroon ako isa pa....alam kong ikaw lang naman ang gusto nyang makita"sabi nya

Natigilan ako at nakonsensyang muli.

'Bakit ba kasi hindi ko yun,naramdaman agad? Edi sana ay napigilan ko ang damdamin ni Neah para sakin'

'Edi sana...hindi rin nasasaktan si Kuya'

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon