Fifteenth

94 16 0
                                    

Abcde's Pov

Ano bang problema ni Neah?

Bakit parang ang lamig ng pakikitungo nya?

Napabuga ako ng hininga habang nandito sa tambayan namin ni Neah sa ibaba ng Faculty.

Kadalasan ay pumupunta kami dito.Kaya ng nung galit ako sa kanya ay pinuntahan ko parin ito kadi alam kong nandito sya.

Baka naman kasi nagkataasan lang talaga kami ng boses kanina.

Hayss.Bakit naman kasi makikipagkita sya sa Paul Tom Sabroso na yun?

'Eh bakit ba apektadong apektado ka Abcde?'

Napapikit ako ng mariin at tinanong ang sarili.

Bakit ba apektadong apektado ka Abcde?

'Simple lang Abcde.At alam mo ang sagot dyan"

Alam ko ang sagot doon.

'It's not beacuse I like Neah.It's because my closest friend likes her a lot'

Akala ng iba ay si Neah ang bestfriend ko.Well,sya nga...pero may mas higit pa  sa kanya.

Tiningnan ko ang aking orasan.Pasado alas singko na.Hawak ko ang dalawang delight.Wala ba syang planong pumunta dito?

"Abcde"napalingon ako sa tawag sa akin.Nakita ko sa Jax.

Umupo sya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Brad"nilingon nya ako habang nakaakbay pa.Nakatitig lang sya sakin.

Napalunok ako.Nakatitig parin sya

"B-bakla!"wala sa sariling usal ko.Yak!

Binatukan naman nya ako.

"Tanga...ikaw babaklain ko? Mas gwapo yata ako sayo!"sigaw nya.Halos bumaliktad ang sikmura ko sa sinabi nya.

"Tangina brad kasuka!"sigaw ko.

Napangiwi naman sya.

"Seryoso brad....nag-away ba kayo ni Neah? Rinig ko kaya ang sigawan nyo sa library...naiwan pa nga doon si Neah."nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

'Ako pa tuloy may kasalanan!'

Agad akong tumayo para sana bumalik sa library nang muling magsalita si Jax.

"Kasama nya kanina ni Spade.Tapos umalis na.May kasama ngang Grade 7 palabas ng gate"sabi ni Jax.

Lalong nagpanting ang tainga ko sa sinabi nya.So wala syang balak makipag usap saakin dito sa tambayan dahil hinihintay sya noong Paul Tom sa labasan?

'Magaling Neah...Magaling!'

Distansya ang gusto mo ah...sige ibibigay ko sayo!
__
Justineah's Pov

"Ihahatid na kita sa inyo"sabi ni Paul.

"Hindi na...kaya ko na"sabi ko

"Sige sa sakayan na lang"usal nya.

Pinagbigyan ko na lamang sya.Naiinis parin ako kay Abcde.

Bakit ba ganoon na lang ang pagpipigil nya?

"Bakit nga pala gusto mong makipagkita? Bakit lagi mo akong tinetext? San mo nakuha number ko? Bakit ba hindi ka agad nagpakila?"pinilit kong magtunog makwela.Ganoon na yata ako kagaling sa pagpapanggap dahil nagawa ko nga iyon.

"Alin ang uunahin kong sagutin?"natatawang tanong nya

"Chronological"sambit ko.Andami ko ngang naitanong.

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon