Twenty Fourth

81 20 0
                                    

Abcde's Pov

Matapos ang nahing usapan namin kanina ni Paul Tom ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Dapat ba akong matuwa dahil sasagutin na ako ni Athea?

O dapat ba akong maguilty kasi sasabihin ko na kay Neah ang nararamdaman ko?

Dapat bang unahin ko si Athea kasi sya ang mahal ko?

O dapat ko munang ipaalam kay Neah na malapit na akong sagutin ni Athea?

Anak ng pusa naman oh.

Bakit ba ang komplikado?

Sa sobrang guilty ko ay tinawagan ko si Yamite.Ilang segundo lang ay sinagot nya agad ito.

"Idol,bat ka napatawag?"tanong nya

'Bakit ba ang galing mong magpanggap?'

"Kamusta na? Lumpo ka pa ba?"pinilit kong magtunog nang aasar.

"Ulul! Nakakatayo naman ako! Pinag wheelchair lang talaga ako nung araw na yon.Sipain kita dyan eh"sabi nya

'Pumasok ka na.Mag-usap na tayo.Ayokong masira ang lahat eh'

"Bilisan mo na.Pumasok ka na.Wala akong kasama sa krimen dito eh"sabi ko

"Papasok na ako sa isang araw.Three days rest lang naman daw ang kailangan eh.Miss mo na agad ako?"

Napatawa ako.

'Oo,miss na kita.Miss ko na yung mga panahong tawa lang tayo ng tawa.Yung walang mahuhulog at masasaktan'

"Basta pumasok ka na"

"Oh geh na..Papasok na ako sa isang araw..pramis"

"Yamite sorry"sabi ko.

Saktong patay naman nya ng telepono.
__
Justineah's Pov

Bakit ganoon?

Ramdam ko sa boses nya na problemadong problemado sya.

'Ano bang nangyari Abcde? Pwede mo naman sabihin saakin'

Narinig ko yung sorry nya kung kaya pinatay ko agad ang tawag.

Tumulo ang luha ko bigla.Hindi ko alam pero kakaiba ang sorry na yun.Para bang...masakit pakinggan ang sorry nya.

Parang ang hirap tanggapin ng sorry nya.

Pero wala naman syang kasalanan sakin.

Bakit ganon?

Bakit ang sakit pakinggan ng sorry na sinabi nya.Paramg ang hirap isipin na nagsosorry sya sakin.

'Hindi kaya....alam na nya?'

"Bat ka umiiyak?"napatingin ako sa pintuan at nakita ko doon si Kuya Niccolo.

Agad kong pinalis ang luha na tumulo nalang bigla.

"Naiyak lang ako sa story na binasa ko"palusot ko

"Tungkol saan? Tungkol sa babaeng nain love sa bestfriend nya na may iba namang mahal?"

Napatingin ako kay Kuya Niccolo.

Anak ng Tete.

Niyakap ko nalang sya.Napaiyak nalang ako.Ganoon pala yun? Ganoon kasakit?

Hindi ko alam pero nasasaktan nalang ako bigla.

"Kung mahal mo...mahalin mo lang...pero kung hindi ka mahal.Huwag mo nang mahalin.Hayaan mo syang maging masaya.Pero ipaalam mo sa kanya kung gaano mo sya kamahal"

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon