Eleventh

109 19 0
                                    

Justineah's Pov

"Magsalita ka nga! Para kang tanga dyan nakatulala"natatawang sabi ko.

"S-seryoso? Pero bakit? Bakit di ka nakapasok sa Try-outs?"kunot noong tanong ni Abcde.

Napangiti ako.Sa totoo lang ay ramdam kong pinahihirapan ako noong si Skyler.Ang alam ko ay sya ang captain ball ng volleyball boys.

Ewan ko ba basta pakiramdam ko.Bukod sa pinapalayo nya ang bola ay ako lang ang pinapaluan nya.Tsk.Favoritism!

Sya din kasi ang nagbigay dun sa coach ng mga isasali.

Sinisigurado nya pang hindi ko mahahabol ang bola.

"Huy? Anong nangyari?"tanong ni Abcde.

"Hindi nga ako nakapasok...mabagal ako...meron parin kasi ako kaya tinatamad akong humabol sa bola kanina"pagsisinungaling ko

'Sinasabutahe ako ng magaling mong bossing'

"Sayang naman....pero sure ako...may mas magandang blessing sayo"kindat pa nya

Tumawa nalang ako.

"Teka,diba nanalo ka? Tara libre kita"sambit ko.

'Para na din mawala ang sama ng loob ko sa Skyler na yun'

Tiningnan nya naman ako.

"Sigurado ka?"tanong nya

Tumango naman ako.

"Oh sige!"sigaw nya.

"Biyernes naman ngayon.Gusto ko ng Ice N pearl.Gusto ko rin magperya...ikaw ano gusto mong gawin?"tanong ko

"Siomai Rice...gusto ko ng siomai rice....Kain muna tayo siomai rice tapos ferris wheel tayo tapos saka tayo mag ice n pearl"sambit nya.

"Inggitin ulit natin sina Jax at Spade"sabi ko.

Tumango naman sya.

"Magbabanyo muna ako"sabi ko.

Pababa kami para parehong umihi.Nakasalubong naman namin ulit si Sir Jinenez sa may comfort room.

Pinandilatan nya kami ng mata.Dinuro din kami parehas.

"Kayong dalawa ha"naalala kong sya ang nakahuli samin sa cr ng boys dati.

Nakatungo kami ni Abcde pareho.Tumungo ako sa cr ng girls at sya naman sa cr ng boys.Kung ano-ano naman iniisip ni Sir Jimenez.

Habang nasa cubicle ay may mga naririnig akong usapan.

"Ang gwapo noh? Yung nanalo sa spoken poetry?"tanong ng isang babae.

"Oo nga,kinikilig ako sa sinasabi nya.Magaling na..gwapo pa"sambit ng isa pa

"Yung linya nya diba? Ang makatang nagmahal...pero hindi minahal.Shet ngayon may magmamahal na sa kanya!"

Lumabas ako ng cubicle.

"Ano nga bang pangalan nya?"rinig kong tanong ng isa,eksakto pa yun sa paglabas ko.

"Sorry to interrupt you....but his name is Abcde....A-B-C-D-E and he's taken."sabi ko.Napatingin naman sila sakin.

Dumeretso ako sa paglalakad palabas.

He's taken? I don't know....pero kung sa kanila lang din mapupunta ay huwag na.Hindi ko hahayaang sa mga tulad nilang GWAPO lang ang depinisyon sa isang lalaki.

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon