Sixth

150 24 0
                                    

Neah's Pov
"Ano? Okay na ba yun?"tanong nya sakin

Magka-video call kami ni Abcde ngayon.Gumawa sya ng spoken poetry tungkol sa pagmamahal.

Pero kasi dapat malalalim na wikang filipino ang salitaan.Mabuti nalang makata itong si Abcde

"Wala ka bang malupit na punchline dyan?"tanong ko

Napanguso naman sya.Napaawang ang bibig ko dahil sa ekspresyon niya.I tried my best not to smile with it.

'Bakit ba may mga lalaking cute?'

Napatikhim ako sa naisip.

"Iisip mo ako Neah...please"nagsusumamong pakiusap nya.

Napabuntong hininga ako.

Tiningnan ko ang kulang sa poetry nya.

"Sa itim na kalangitan na pinapaliwanag ng buwan.Walang kapagurang bibigkasin ang katagang...."mahal kita,alam mo yan""suhestyon ko

Nagliwanag ang kanyang mukha.

Napansin kong isinulat nya ito sa kanyang papel.

"Praktisin ko"sabi nya

Tumango naman ako.

"Justineah Nicholine,hindi ka ba magmemeryenda?"napalingon ako sa kumakatok na si Jezrell Niccolo.

"Saglit lang!"sigaw ko pabalik

"Dala ko na yung pagkain.Papasukin mo nalang ako"

Himala yata ang bait ni Jezrell.

Pumasok sya at nilagay sa side table ko ang pagkain.

Napatingin sya kay Abcde sa screen.

Kumaway si Abcde kay Kuya Jezrell.

"Hanggang ngayon ba naman magkausap kayo? Nililigawan mo ito,Abcde?"nagulat kami sa tanong ni Jezrell.

"H-hindi kuya Jez"tanggi ni Abcde.

'Sana nga pinopormahan nya ako kuya'

Napailing ako sa naisip.

"Stupid mind"wala sa sariling sambit ko

Nagulat ako nang batukan ako ni Jezrell.

"Minumura mo ako?"tanong nya

"H-hindi...hindi....sige na nga layas na"sambit ko

Nginiwian nya ako at saka lumabas ng kwarto ko.

"Nagulat ako sa tanong ni Kuya Jez ah"napabuntong hininga sya"Si Justine ba...andyan?"tanong nya

Tumango ako.Close sila ni Justine.Kinamusta nya din si Kuya Jonathan.So kamustahan na ako?

"Teka muna,kakain lang kami.Natawag na si Andrea"sabi nya

Magbababye palang ako pero pinatay nya na ang tawag.

Tss,bastos talaga itong si Abcde!

Pinatay ko ang laptop ko at tumingin sa side table.

Wala na nga palang pasok bukas.Nakakatamad na naman dito sa bahay.Ikaw ba naman ang puro lalaki ang kapatid.Natural iikot lang sa online games or outdoor sports ang mga buhay nila.

Kinuha ko ang sandwich na dinala ni Jezrell sa kwarto ko.

Naupo ako at kinain yun.Binuksan ko ang cellphone ko at inistalk si Abcde sa facebook.

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon