Twenty Fifth

81 19 0
                                    

Justineah's Pov

[Now Playing: Careless Whisper]

Anak ng teteng matigas.

Sinong letse naman ang tatawag sakin ng ganito kaaga?

Sinagot ko iyon at tumigil ang katutunog ng Careless Whisper

"Oh?"tanong ko at tiningnan kung anong oras na.

Tangina alas singko palang ng umaga.

"Pvta Yamite!"sigaw nya sa telepono.Napapikit ako at tiningnan ang caller.

Napangiti ako.Boses palang ay kilala ko na eh.

Kung ganito ba naman ang mambubulabog kada umaga ay mawiwili akong sagutin.

"Bakit? Aga mong mambulabog ah?"kunwaring inis kong tanong.

"N-nagising ba kita? Natutulog ka pa ba kanina?"

"Oo naman.Anong akala mo sakin? Manok? Maaga gumising?"sakastiko kong tanong.

"Tsk,sorry na"sambit niya.

Napangiti naman ako.

"Oh bakit nga?"tanong ko

"Yamite...sinagot nya na ako!"

Nabura ang ngiti ko at nangunot ang noo.Para kasing nahuhulaan ko na kung anong nangyari noong wala ako.

"H-huh?"nanghihinang tanong ko.Naramdaman ko ang mainit na tubig na pumatak sa pisngi ko mula sa aking mga mata.

"Si Athea! Sinagot nya na ako!"

Masiglang masigla sya.

"Congrats! Kailan pa?"tanong ko.

"Noong isang araw lang"sabai nya

Today is January 29.So ibig sabihin ay ngayon nya lang naisipan sabihin saakin?

"Ayos yan Idol! T-tulog muna ako gago"savi ko at ibinaba ang telepono.

Napahagulhol nalang ako ng iyak.Tangina birthday nya pa naman bukas.

I guess it's really the right time to let him go.

Masakit din pala ang magpakawala ng isang tao kahit na hindi naging kayo.
__
Abcde's Pov

Masaya?

Hindi.Sobrang saya!

Kanina pa ako dito sa kwarto ko na parang tangang nakangiti.Nasabi ko na din ito kay Mama pati kay Tita.Sabi nila ay basta daw huwag akong magpapabaya sa pag aaral at mambubuntis kaagad.

Nirerespeto ko kaya si Athea!

Tangina feeling ko talaga nababakla na ako dahil sa mga nangyayari eh.Nakakakilig ampvta.

Pero...sindya ko nang sabihin iyon kay Justineah.Kahit na alam kong masasaktan sya.Wala akong magagawa.Kasalanan naming pareho.Ang nagpagulo nga lang ng sitwasyon...yung katotohanang si Athea na talaga ang gusto ko.

Tiningnan ko ang bestfriend bracelets na kasama sa ipinadala ni Mama.

Ibibigay ko ito kay Neah mamaya.Pupunta ako sa kanila.Doon ko narin sya kakausapin.Wala naman kasing patutunguhan kung ganito lang kami.
__
School.

Nag-iwan ako ng isang note sa table ni Athea.Ganoon naman ang ginagawa ko mula nang maging kami.

"Nag almusal ka na?"tanong ko sa kanya nang dumating siya.

Tumango naman sya habang nakangiti.

"Bakit? May pagkain ka diyan?"natatawang tanong nya.

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon