Fourteenth

91 15 0
                                    

Justineah's Pov

"Wait...naiihi ako"pagpapaalam ko.

Agad akong lumabas ng classroom at nagpunta sa banyo.Pagpasok ko sa isang cubicle ay bigla na lamang bumagdak ang balikat ko at napabuga ng hangin

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam kung saan masakit.

Hindi ko alam kung masakit ba...dahil nakakamanhid.

Kung hindi ko pinilit tumayo ay baka doon na lamang ako napaluha.

Tangina giliw! Crush lang naman yon diba?

Crush lang yon Neah.Paghanga lang.

Pero saan ba napupunta ang crush? Diba nagiging...like...at nagtatapos sa..

Love...

Napasapo ako sa aking noo.Kailangan mong harapin yan Neah...Kayang kaya mo yan.

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong pinagtatabi nila si Athea at Abcde.

Sabihin nyo.Masakit ba sa talaga sa mata sa tuwing makikita mong ipinapareha sa iba ang taong gusto mo?

Napabuga na lamang ulit ako ng hangin.

"Yamite tulong"sabi ni Abcde at lumapit sa akin.

Nginitian ko lang sya.Siguro mabuti nalang din ito.

Konting distansya.Para hindi na mas lumala pa.

Kasi kung lalalim pa....mas masakit kapag bumagsak...hindi ba?

Sinubukan kong ilibang ang sarili ko sa ibang bagay.

"Yamite"tawag sakin ni Abcde at nilingon ko lang sya.

"Bakit?"

"W-wala"

Ano naman kayang trip nya?.

"Okay good afternoon class"bati ng Mapeh Teacher namin.

Bumati kami ng good afternoon.As usual ay parang Grade One ang pagbati namin.Well,what do you expect?

Nagdiscuss sya about sa different dances.May waltz,tango at iba pang klase ng sayaw.Ballroom dances?

"As your periodical exam...gusto kong magperform kayo sa akin ng isang sayaw"sabi niya.

Naghinaing naman ang mga kaklase ko.Pero what can they do?

Napaangat ako ng tingin.

Seriously? Sa mga diniscuss nya ay mas pipiliin ko pang sumayaw ng break dance o di kaya ay Chacha ni Ryza Mae.

"You will have your partners in dancing...ako ang pipili ng partners nyo"

Nagsimula na syang magpipili ng mga kapareha.

"Montenegro,Prince Abcde at Alvarez,Justineah Nicholine"napatingin ako.

Talagang binibiro ako ni tadhana ano?

Tiningnan konsi Abcde at nag thumbs up.Kung hindi ganito ang mood ko ang baka masaya o kinikilig ako.Pero ewan ko ba.

Masyadong nalamon ng nangyari kanina ang sistema ko.
__
Abcde's Pov

Bakit ba parang ang seryoso naman ng bespren ko ngayon? Dinudugo na naman ba ulit sya?

O baka menopause na?

Hay nako.Basta mabuti nalang at si Yamite ang kapartner ko.Kung si Athea kasi....

'Baka pangunahan ako ng kaba at hiya'

He Who Taught Me Love: AbcdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon