Day 4

967 25 0
                                    

Greg's Pov

Nagising ako ng maaga para pumasok na sa opisina. Kailangan pa kasing ayusin iyong kontrata ng bagong model. Pagbaba ko nandoon si venice. Nagluluto na naman. Infairness masarap yung afritadang dinala nya kahapon sa opisina.

"Eto yung kape mo Greg." Sabi niya.

Ipatong mo nlng dyan." Sagot ko.

"Papasok ka na?" Tanong niya.

"Malamang. Alangan namang tumambay ako dito ng ganito suot ko." Sagot ko ng nang iinis. Pero hindi siya nainis.

"Sasabay sana ako sayo e. Pero sige mauna ka na." Sabi niya.

"Marunong ka nmng magcommute at alam mo nmn kung nasan ang kompanya ko kaya walang dahilan para isabay kita." Sabi ko.

"Sungit mo talaga. Sarap mong batukan." Bulong niya ngunit narinig ko naman.

Hindi na lang ako kumibo at tumayo. Paalis ng nagsalita siya.

"Yung kape mo Greg." Sabi niya.

"Huwag na magkakape nlng ako sa labas. Tapon mo na yan baka may lason iyan." Sabi ko.

"Lason agad? Dba pwedeng gayuma muna?" Bulong niya.

"So? Gagayumahin mo ko?" Sabi ko na na nakakunot ang noo.

"Joke lng hindi no. Pero pwede rin." Sabi niya tumatawa.

"Ewan ko sayo." Sabi ko at umalis na.

Gagayumahin talaga? Baliw ba ang babaeng yun?

Venice's Pov

Kung may gayuma lang sana talaga ako ay nilagay ko na sa pagkain mo para mapaibig ka kaso wala e.

Pagkatapos ko mag almusal ay pumunta na ko ng opisina nya. Tinanggap ko kasi ang trabahong inaalok niya ang maging model ng produkto nila. Nagsuot ako ng kulay pulang dress above the knee. Nag ayos din ako para naman mapansin nya ako. Pagpasok ko sa kompanya ay pumunta na ko sa conference room pero may nakasalubong ako. Isang magandang babae na napakaputi at maganda. Nakasimangot ito at nagsalita sya.

So ikaw ang pinili nila over me? Di hamak nmn na mas maganda ako sayo.

"Wow ha? Di sana ikaw pinili nila kung mas maganda ka sakin."

"Ako naman talaga dapat dunating ka lng kaya nagulo ang lahat." Sabi niya na nanlilisik ang mata.

"Baka naman kasi ayaw talaga sayo ni Greg. Kaya di ka nya pinili." Sabi ko.

"You're a bitch!" Sabi nya sabay akmang sasampalin ako.

Pumikit ako at hinintay na may dumapo sa mukha ko ngunit isang pamilyar na boses lang ang narinig ko.

"Don't you dare Abegail." Sambit ni Greg na hawak hawak ang braso ni Abegail.

"Greg?" Nagtatakang tanong ko.
Nagulat ako sa ginawa niya. Yumapos siya sa bewang ko at niyakap ako.

"Ako nga baby kanina pa kita hinihintay." Sabi nya sabay halik ng mabilis sa labi ko. Langya to nanghahalik nalang basta basta.

"baby?" Ulit ko sa tinawag niya sa akin.

"Baby? Don't tell me gf mo siya." Tanong ni Abegail na namumula ang mukha.

"Ano naman ngayon sayo kung gf ko sya?" Tanong ni Greg.

"Ha?"

"Hindi totoo yan. I know you just doing it because you want me to hurt. Ang alam ko ay single ka kaya nga bumabalik ako sayo e."

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon