Day 10

757 16 1
                                    

Venice's Pov

Nagising akong nakayap sakin si Greg. Natulog kasi akong magkatabi. Walang nangyari samin. Natulog lang talaga kami. Tinignan ko ang mukha nya. Ang gwapo nya. Naalala ko kagabi ang sinabi nya .

"Teach me how to love you Venice"

Ibig sabihin pwede ko ng gawin ang lahat para mapaibig sya. Sa totoo lang ay mahal ko na si Greg. Kahit hindi ako bayaran handa akong mahalin siya ng buo. Pero paano ako pag nalaman nya ang totoo? Hindi ko yata kakayanin kung iwan niya ko.

Nasa ganoon akong pag iisip ng may humalik sa akin. Napangiti ako.

"Good morning." Bati niya sa akin.

"Good morning din. Tara almusal na tayo."

"Ayoko ko pang tumayo. Gusto ko kayakap pa rin kita."

"Haha malalate na tayo sa trabaho. Tara na." Tatayo na sana ako ng hinatak nya ko at hinalikan.

Buong puso ko itong tinugon. Sana sa bawat halik nya ay may pag mamahal na. Para mapadali na ang misyon ko at maamin ko na sa kanya ang totoo.

Greg's Pov

Matapos naming kumain ay pumasok na kami sa opisina. Sa totoo lng hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Masaya ako pag kasama ko sya.

Malapit ng mag lunch at nasa opisina ako ng pumasok sya.

"Greg tara kain tayo."

"Sige ven wait lng may pipormahan lng akong kontrata."

Umupo sya sa sofa. Kahit simpleng dress lng ang suot nya ay lumalabas ang natural niyang ganda.

Dahil din sa kanya tumataas ang sales ng products namin kaya sikat na sya sa publiko.

Pagkatapos kong pirmahan ang kontrata ay lumabas na kami. Nasa labas si Abegail. Lumapit siya samin at nagsalita.

"Greg Stay away to that girl. Ako ang dapat mahal mo.

"Will you shut up please. Leave."

"Pero Greg.."

"Leave.."

"Hintayin mo. Makakahanap rin ako ng pruweba na sinungaling iyang babaeng 'yan.

Umalis na kami. At kumain. Ewan ko ba kay Abegail kung ano anong sinasabi.

Pumunta kami sa isang restaurant malapit sa kompanya.

Masarap ang pagkain pero parang walang gana si Venice.

"Ven bakit?"

"Wala Greg. May iniisip lang?"

"Ano naman iyon?"

"Wala Greg."

"Iyong sinabi ba ni Abegail? Hindi nmn totoo yun diba? Hindi ka naman mukhang pera diba?"

"Oo nmn Greg. Hindi totoo iyon."

"Oh iyon pala huwag mong isipin iyom. Hindi nmn ako naniniwala sa kanya e."

"Okay." Sabi nya pero halata pa rin ang lungkot sa mga mata nya. Bakit kaya?

Venice's Pov

Paano na yan. Mukhang may alam si Abegail sa misyon ko. Ayokong masaktan si at lalong ayokong iwan niya ko.

Hindi ko matago sa sarili ko na naapektuhan talaga ako sa mga sinabi ni Abegail kanina.

Pauwi na ako ng makita ko si Abegail sa labas ulit.

"Hoy babae layuan mo si Greg."

"Mahal ko siya bat ko gagawin ang sinasabi mo?"

"Kilala ko mga katulad mong babae. Maghintay ka lang. Makakahanap rin ako ng baho mo."

"Sige lang maghanap ka." Sabi ko.

"Talaga! At pag nakahanap ako simulan mo nang lumayo sa kanya dahil gaya ko hinding hindi ka rin niya mappatawad." Sambit niya at umalis sa harap ko.

Naiwan lang akong nakatanga. Paano na yan? Paano kung malaman niya.
--

Abegail's Pov

Matapos kong komprontahin ay pumunta ako sa bahay ni Mrs. Sayson. Ang ina ni Greg.

Kumatok ako at pinagbuksan ng isang binatilyo. Pinapasok niya ako papunta sa study room ng Ginang.

Nag ikot ikot ako habang wala pa ang Ginang. Ito na ang pagkakataon kong makahanap ng impormasyon sa babaeng iyon.

Itinaas ko ang mga dokumento na nasa lamesa niya. Karamihan ay nga kontrata at kung ano ano pa. Ngunit napadako ang mata ko sa isang folder na puti.

Agad agad kong binuksan ang envelope. Nagulat ako sa nakikita ko.

I Venice Asuncion, solemnly agreeing on the contract that I will make Mr. Greg Sayson falls inlove with me in thee period of 100 days time. If i successfully made it. I'll have 3 million pesos and scholarship for my brother and I.

Napatda ako. It was a contract. Pirmado ni Venice at ni Bernadeth. Hindi lang basta kontrata. Isang pasabog ito na magpapahiwalay kay Greg at Venice.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at pinicturan ang kontrata. Nang marinig ko ang tapak ng stilletos ay agad kung inayos ang lamesa at umupo sa sofa na nandoon.

"Why are you here?" Tanong ni Mrs. Sayson.

Ngumiti ako ng matamis.

"Tita long time no see." Sambit ko akmang bebeso sa kanya ngunit umiwas lang siya.

"Don't tita me. Hindi kita kaano ano. At hindi ka welcome sa bahay na ito." Sabi niya.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. At naglakad palapit sa pinto.

"If I we're you. Sisimulan ko na ulit mapalapit sa magiging manugang niyo. After all, Greg and I will be together soon." Sabi ko.

Tumawa siya.

"Sigurado ka. Greg despise you." Sabi niya.

"Yes, pero thanks to you tita kasi may dahilan na ako para mabalik siya sakin." Sabi ko.

Puno ng pagtataka ang mata niya. Umalis na ako sa harap niya.

Kailangan ko pang sabihin kay Greg ang nalalaman ko.
--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon